Huminga ng malalim si Carina umakyat sya sa hagdan at binuksan ang malaking double doors. Bumungad sa kanya ang maingay na tawanan at biruan ng mga tao sa loob, maraming sofa at maliliit na mesa na may mga chips at softdrinks ang kanyang nakita at sa dulo ng silid ay isang floor to ceiling na kulay dilaw na kurtinan at nakasulat sa malalaking letra ang South Wing kagaya ng flag sa labas. Puno ang mga sofa ng students nagtatawanan sila at maingay na nagkwekwentuhan pero biglang tumahimik ang lahat ng makita nila si Carina. Sa sobrang tahimik ay aakalain mong walang tao sa loob ng malaking hall biglang kinabahan si Carina bakit parang may mali sa paraan ng pagtitig sa kanya ng mga tao sa loob.
Kahit na kinakabahan ay ngumiti parin ng matamis si Carina. “H-hi, ahm I’m Carina ahm hindi ko alam kong narinig nyo na ang tungkol sakin pero-"
Biglang napulot ang pagsasalita ni Carina ng may mabagal na pumalakpak. Sa dulo ng hall ay nakaupo ang isang lalaki na mahinang pumapalakpak pero walang kasiyahan sa mukha nito sa halip ay panunuya ang nakikita ni Carina sa gwapo pero maangas na mukha ng lalaki. Nakaupo mag-isa ang lalaki sa isang malaking sofa like he owns everything inside the hall including the people around, sa mata ng lalaki South Wing is his kingdom and Carina is just a little girl trying to be someone.
“Of course we heard about you, you can go now.” He said mockingly.
Nagtawanan ang lahat dahil sa sinabi ng lalaki.Napatanga si Carina, kilala sya ng lalaking ito at malamang kilala sya ng lahat ng students na nasa hall pero bakit pinapalabas sya ng lalaki? Hindi ito ang ine-expect ni Carina na mangyayari sa pagkikita nya at ng mga taga-South Wing, napayuko si Carina dahil sa kahihiyan.
“I-isa akong Wing Lord.” Mahinang bulong ni Carina pero narinig parin ito ng lahat, tumigil sila sa pagtawa at nilingon ang lalaking nagpahiya kay Carina.
“HAHAHAHA!” malademonyong tawa ng lalaki, nanatili paring tahimik ang lahat kaya maslalong naging nakakatakot pakinggan ang tawa ng lalaki.
Napaatras si Carina at napatingin sa tumatawang lalaki malakas ang kabog ng dibdib nya dahil sa takot. Hindi nya akalain na kayang tumawa ng ganito ka nakakatakot ang lalaki nakapagtataka din ang pananahimik ng iba pang naroroon kani-kanina lang ay tinatawanan nila si Carina pero ngayon ay walang ni isang nangahas na limikha ng ingay, hindi kaya pati sila rin ay natatakot sa pagtawa ng lalaki? Ilang saglit pa ay huminto ito sa pagtawa at matalim na tinignan si Carina.
“Miss before you say something make sure you understands them.” Mariing sabi nito. He is Zacharias Dave Montefalco, a Dark Knight and right now South Wing is under his command.
Napalunok si Carina tama ang sinabi nito, siguro nga alam nya kong ano ang Wing Lord but does she really understand it? After all knowing and understanding is a whole different thing. Kaya ba ganito nalang ang pakikituno nila sa kanya dahil hindi nya naiintindihana ng lahat at basta basta lang syang pumunta sa South Wing para magpakilala na parang nasa isang social gathering lang sila.
“Zacharias anong gagawin natin?” tanong ng isang lalaki na nakaupo sa isang sofa na malapit kay Carina.
Tumawa ulit si Zacharias at kinumpas ang isang kamay. Tumayo ang lalaking nagtanong at ang isa pang lalaki sa tabi nito at bago pa maka-react si Carina ay hinihila na sya ng dalawang lalaki palabas. Tinulak sya ng mga ito palabas at namalayan nalang ni Carina na nakasara na ang malaking double doors sa harap nya.
Napakurap kurap si Carina, isang kumpas lang ng kamay ni Zacharias ay napasunod na nito ang dalawang lalaki at kanina habang tumatawa ito ng malademonyo ay parang takot din ang iba sa kanya. Maliban sa gwapo nitong mukha ay may kapangyarihan din ito sa South Wing, wait is he… is Zacharias a Dark Knight?! Nanlaki ang mata ni Carina. Yes he must be a Dark Knight, the second in command and his duty is to assist the Wing Lord pero bakit ganon ang trato nito kay Carina? Ano ba ang tingin nito kay Carina? Ang ang mastamang itanong ay kong ano ang tingin ng buong South Wing sa kanya.
BINABASA MO ANG
Schleiden Mafia: Burning Fire
ActionMy only reason to live is to take a revenge no matter what..... at makukuha ko lang yon when I kill his own daughter with my own bare hands..... but what if love comes in between? nah wala akong pakialam all I want is revenge.... My name is Fi...