8: Fly high Carina

1 0 0
                                    

BANG!

Malakas na bumukas ang double doors ng East Wing building dahil sa marahas na pagpasok ni Fire. Ang medyo maingay na mga taga-East Wing ay biglang tumahimik dahil sa pagpasok nya, agad silang tumayo mula sa mga sofa at yumuko bilang pagbati.

"Lord Fire." Sabay-sabay nilang sabi.

Hindi pinansin ni Fire ang pagbati ng mga tauhan, his cold but furious aura is turning the whole East Wing building into a haunted den. Umayos ng tayo ang mga tauhan at nagkatinginan sila iniisip nila kong sino ang dahilan ng matinding galit ni Lord Fire ngayon. Kung tatanungin ang mga taga-East Wing ay mas gugustuhin nilang masigawan at murahin ni Lord Fire ng paulit ulit hanggang sa magsawa ito kesa ang harapin ang malamig at tahimik na galit ni Lord Fire dahil siguradong hindi maganda ang kahahantungan ng lahat. Hindi mapigilan ng mga tag-East Wing na murahin sa isip kong sino man ang dahilan ng malamig na galit ni Lord Fire dahil pati sila na walang kasalanan ay nanginginig sa malamig na aura na pumapalibot sa buong East Wing building.

Huminto si Fire sa kabilang dulo ng hall kong nasaan ang nag-iisang sofa na para sa kanya lang nasa likod nito ang floor to ceiling red curtain na may malaking East Wing sa gitna, hinarap ni Fire ang mga tauhan bago malamig na nagsalita.

"Come."

Mula sa hindi kalayuang sofa ay nagkukumahog lumapit kay Lord Fire sina Barry at Johnny na kapwa namumutla halata din ang panginginig ng mga tuhod nila. Halos murahin naman sila ng malakas ng ibang taga-East Wing dahil sila pala ang dahilan ng malamig na galit ni Lord Fire pero pinigilan nila ang mga sarili dahil ang huling gusto nilang gawin ngayon ay ang lumikha ng ingay para masgalitin ang kanilang wing lord.

"Kneel."

Agad na lumuhod sina Barry at Johnny, sa puntong ito ay wala na talagang natitirang dugo sa mga mukha nila namuo narin sa mga noo at batok nila ang malalamig na pawis.
With his cold gaze Fire started kicking Barry and Johnny hard and occasionally punching them on the face. Natumba at napapadaing sina Barry at Johnny dahil sa lakas ng mga sipa ni Fire pero agad din silang bumangon at bumalik sa pagkakaluhod para tumanggap ng mas malalakas pa na sipa. Ganon ang nangyari sa mga sumunod na minuto, natutumba sila at agad na bumabangon para tumanggap ulit ng sipa, dumudugo na ang bibig ni Johnny at punit na rin ang kilay ni Barry dahil sa iilang suntok galing kay Fire. Hindi sila nagrereklamo at walang intensyong lumaban iniinda lang nila ang lahat ng sakit. Wala ring taga-East Wing ang nagtangkang pigilan si Lord Fire nakatinginan lang sila at iniisip kong ano ba ang kasalanan ng dalawa. Napadaing ulit sina Barry at Johnny at sa itsura nila ay ilang sipa at suntok nalang ay tuluyan na silang babagsak, bumalik sa pagkakaluhod ang dalawa hindi sila pwedeng himatayin hanggat hindi pa tapos si Lord Fire dahil maslalo lang itong magagalit kapag nagpakita sila ng kahinaan.

Biglang bumukas ang double doors at pumasok ang dalawang babae, they walk confidently making their skirts sway, their beautiful faces can deceive men of all ages but East Wing knows better than to cross the line. Ang isa ay may mahabang buhok na hanggang bewang at nakataas ang kilay habang pinagmamasdan ang pagbugbug ni Lord Fire kina Barry at Johnny habang ang isa naman ay may maiksing buhok na hanggang balikat at walang emosyon habang naglalakad, bumati ang mga tauhan at bahagyang tango lang ang sagot ng dalawa habang dirediretso ang lakad palapit kay Lord Fire.

Magkamukhang magkamukha ang dalawang babae, they are identical twins but one look at their faces and you'll know their attitude differs in many ways. Ang may mahabang buhok ay si Demonise Kristal habang ang may maiksing buhok naman ay si Gun Kristal they are known as the Kristal Twins, they are the pride of East Wing, they are Fire's Dark Knights. At sa puntong ito silang dalawa lang ang may kakayahang pigilan si Fire sa pambubugbug kina Barry at Johnny.

"Lord Fire." Bati ng dalawang babae at bahagyang yumuko.

Isang malamig na sulyap lang binigay ni Fire sa bagong dating bago pinagpatuloy ang pagsipa kina Barry at Johnny. Demonise rolled her eyes, naglakad sya sa nag-iisang sofa na para kay Fire at pabagsak na umupo, maliban kay Fire only the Kristal twins has the right to sit on Fire's personal sofa. Nanatili namang nakatayo ang walang emosyong si Gun, ng makitang walang balak tumigil si Fire sa ginagawa ay nagsalita na ito.

Schleiden Mafia: Burning FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon