9: Sooner than later

0 0 0
                                    

Magaan na ang pakiramdam ni Carina matapos ang usapan nila ni Xander, nag-iisip narin sya ng mga paraan kong paano lalabanan ang South at West Wing. Natatakot parin sya pero mas malakas ang diterminansyon nyang lumaban ngayon at para hindi narin maulit ang panghahamak sa kanya ni Fire.

At dahil magaan na ang pakiramdam ni Carina ay naisipan nyang mag shopping, bumili sya ng mga desiners bags and shoes para sa sarili at kina Abby at Lindsey, medyo nahirapan pa sya sa pag-iisip kong ano ang bibilhin para kay Xander pero sa huli ay binilhan din nya ito ng sapatos. Carina really fancies shoes more than dresses and bags kaya yun talaga ang unang pumapasok sa isip nya kapag nagsha-shopping.

Masayang naglakad si Carina palabas ng mall bitbit ang mga shopping bags, binigay nya ito sa driver at dahil talagang maganda na ang mood nya ay naisipang maglakad lakad muna. Simula ng pumasok sya sa Schleiden University ay kinuha na ng papa nya ang kanyang mga bodyguards at hinahayaan narin syang mamasya and sometimes she’ll commute and this is one of those days kaya naman pinauwi na nya ang driver at nagsimula syang maglakad lakad. Enjoying the sight of people walking and silently watching their normal life.

Gabi na ng magpasya si Carina na umuwi. Habang naghihintay ng taxi ay may narinig syang boses, hindi sana ito papansinin ni Carina pero isang malakas na kalabog ang nagpabaling sa kanya. Galing ito sa isang iskinita, curiosity kills the cat and its killing her right now that’s why she decided to follow the noise. Pagliko ni Carin sa iskinita kong saan nangagaling ang ingay ay nagulat siya ng makita si Miguel, taga-South Wing, napinapalibutan ito ng limang lalaki na halatang adik at tambay. Kailangan nyang tulungan si Miguel!

Naghanap si Carina ng pwedeng gawing sandata, sa gilid ng basurahan ay nakakita sya ng walis at dustpan na naiwan yata ng street sweeper. Mabilis nyang kinuha ang dustpan dahil mukhang masmatibay ito kesa sa walis. Agad tumakbo palapit sa kanila si Carina ng makita nyang sinuntok na ni Miguel ang isang lalaki at sinipa  naman ang isa pa.

“Itigil nyo yan!” sigaw ni Carina.

Napalingon si Miguel. “Miss Carina!” gulat nyang sabi.

Sinamantala naman ng isang adik ang paglingon ni Miguel at agad itong sinuntok, gumanti si Miguel na dahilan ng pagtumba ng adik.

“Tama na! tama na!” sigaw ni Carina, hinarangan nya ang isang adik na susugod sana kay Miguel at hinanpas ng dustpan.

“Miss Carina!” sigaw ni Miguel, hinila nya si Carina papunta sa likod nya para protektahan. “Miss Carina anong ginagawa mo dito?” naiinis na sabi ni Miguel.

“Miguel pinatutulungan ka nila! Tutulong ako.” The determination of Carina’s eyes amaze Miguel.

“Miss Carina kaya ko sila.” He said like it is obvious, but Carina is thinking the other way.

“Huh! Magkwe-kwentuhan nalang ba kayo!” sigaw ng lider ng mga adik, masnamula ang mata nito ng makita si Carina. “Ang kinis nyan ah, iba talaga pag mayaman!”

“Oo nga boss, masarap yan.”
Nakatitig na ngayon ang limang adik kay Carina na para bang hinuhubaran sya, napaatras si Carina pero nakataas parin ang dustpan na hawak nya, handa para lumaban.

Mastinabunan pa ng katawan ni Miguel si Carina at galit na binalingan ang lima.

“Fuck off rats!” sigaw ni Miguel.

“Aba wag mo kaming ma-englis englis!” balik sigaw nong lider.

“Boss tinawag nya tayong rats, daga yun boss, daga!” sabi naman nung isa na mukhang may kakarampot na utak.

“Abay gago pala ang lalaking to! Tapusin yan at ng matikman ko na ang babae!” sigaw ng lider at sumugod na ulit sila.

Miguel block and punch them matutumba ang mga adik dahil sa suntok at sipa ni Miguel, dahil sa kagustuhang lumaban ay sinugod ni Carina ang lider at binukpuk ito sa ulo gamit ang dustpan. Nanlilisik naman ang mata ng lider mas lalo itong nagmukhang nakakatakot idagdag pa ang mga buto nito sa mukha dahil sa kapayatan.

Schleiden Mafia: Burning FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon