Ganon lagi ang eksena sa mga sumunod na araw, West Wing prank, and tease Carina like a child’s play while South Wing were harsher that sometimes it results to violence pero hindi naman ganon kalala, nagkakatulakan lang at nagkakahilahan pati sina Abby, Lindsey at Xander ay nadadamay sa mga kabulastugang ginagawa ng West at South Wing. They try to protect Carina but easily out numbered dahil hindi naman sila nabibilang sa kahit anong wing kaya madali lang na naaapi at dahil din sa maraming members ng dalawang wing, lalong lalo na si Xander na madalas nakakatanggap ng suntok dahil ito lang ang lalaking nagtatanggol kay Carina. Carina felt guilty and happy at the same time dahil sa pagtatanggol ng mga kaibigan. Ang maipagpapasalamat nalang siguro ni Carina ay ang hindi pagsali ng North at East wing sa pang gugulo sa kanya at ang pagiging seryoso ng lahat sa pag-aaral dahil kapag class hours ay talagang class hours.
Dahil sa parating panggugulo ng West at South Wing ay halos ma-paranoid si Carina kapag naglalakad sa school grounds kulang nalang ay titigan nya ang lahat ng nakikitang student para kumpirmahin kong taga saang wing sila. Sinubukan narin ni Carina na magsumbong kay Sir Chris pero mukhang na excite pa ito at sinabihan si Carina na magandang senyales yon dahil pinapansin sya ng South Wing at wag mag-alala sa West Wing dahil mga naglalaro lang sila, wala ng nagawa si Carina sa ibang pananaw ni sir Chris.
“Carina magtago ka!” naputol ang pagsusulat ni Carina ng biglang pumasok sa room sina Abby at Lindsey.
“B-bakit South ba o West Wing?” natatarantang tanong ni Carina, agad nyang niligpit ang mga gamit.
“Both!” sabay na sabi nina Abby at Lindsey.
“Ano!” nagsanib pwersa ba ang South at West Wing?
“Bilis umalis kana, dito muna kami we’ll distract them nasa likod si Xander sya na ang bahala sayo.” Paliwanang ni Lindsey.
“P-pero hindi ko kayo pwedeng iwan.”
“Carina ikaw ang pakay nila, you need to go!” tinulak sya ni Abby palabas ng room.
Kahit ayaw ni Carina na iwan ang mga kaibigan ay wala syang nagawa kundi ang sumunod, agad syang nagpunta sa likod ng building at nandon nga si Xander. Dumaan sila sa mga pasikot sikot para maiwasan ang mga naghahanap kay Carina, nagtago silang dalawa sa isang classroom na walang tao at malayo sa kong saan galing si Carina.
“Xander nag-aalala ako kina Abby at Lindsey.” Pabalik balik ang tingin ni Carina sa pinto habang pabalik balik din ang paglalakad ni Xander sa harap nya.
Kapwa sila hindi mapalagay at kitang kita sa expresyon ni Xander ang labis na pag-aalala. Nag-aalala si Xander para kina Abby at Lindsey pero kailangan nyang siguraduhin ang kaligtasan ni Carina lalo pa at mukhang nagkasabay pa ang West at South Wing sa panggugulo. Sa huli ay walang nagawa si Xander kundi ang bumuntong hininga at pabagsak na umupo sa tabing upuan ni Carina, his expression is helpless.
“Xander! Puntahan mo sila please.” Niyugyug ni Carina ang braso ni Xander.
“Carina your safety is more important.” Naiiling na sagot nito.
“Please Xander, safe ako dito puntahan mo na sila.” Gustong maiyak ni Carina she also feel helpless, hindi nya mapapatawad ang sarili kong may masamang mangyari kina Abby at Lindesy.
Ginulo ni Xander ang buhok nya, pati siya ay abot-abot din sa langit ang pag-aalala kina Abby at Lindsey. Kilala ni Xander ang dalawang yun at kahit minsan ay hindi pa sila nasangkot sa gulo at wala ring kakayahang lumaban kaya ang pagharap sa South at West Wing ay lubhang mapanganib.
“X-Xander.” Carina cries.
Tumayo si Xander at hinarap si Carina.
“Carina promise me you stay here and be safe.” He said, giving in to Carina’s pleading.
BINABASA MO ANG
Schleiden Mafia: Burning Fire
ActionMy only reason to live is to take a revenge no matter what..... at makukuha ko lang yon when I kill his own daughter with my own bare hands..... but what if love comes in between? nah wala akong pakialam all I want is revenge.... My name is Fi...