3: I just welcomed her Chris

4 0 0
                                    

Napakurap kurap si Carina sa sinabi ng babae. Oo gusto nyang malaman ang lahat dahil gulong gulo and at the same time ay natatakot na rin si Carina sa mga posibleng malaman.

"Oh my bad hindi pa pala ako nagpapakilala, I'm Hazzel number 6. Kung gusto mo talagang malaman ang lahat, pumasok ka sa mga class mo, your training and special class will help you." Inabot nito pabalik kay Carina ang suklay.

Tinanggap ito ni Carina kahit nagtataka at naguguluhan parin siya sa mga sinabi ni Hazzel. Kinuha na ni Hazzel ang bag nito at lumabas ng CR.

My training and special class will help me, sabi ni Carina sa sarili, kong totoo nga ang sinabi ni Hazzel masasagot ang mga tanong nya sa training class nya bukas.

Natapos ang unang araw ni Carina sa Schleiden University na wala ibang iniisip kundi kong ano ang mangyayari sa training class nya bukas, dahil bukod sa wala siyang idea kong ano ang itre-train nya ay gumogulo din kay Carina ang mga tanong ni Abby at Lindsey pati na ang kilos ni Xander nung nakita nito si Fire.

"Carina galingan mo sa training ha," nakangiting sabi ni Lindsey. Hinatid kasi siya ng tatlo sa training room nya.

"Hindi pa natin alam kong anong klaseng training ang meron ka, just be yourself." Tinapik tapik naman ni Abby ang kanyang pisngi.

"Basta kapag kaylangan mo ng tulong nandito lang kami." Sabi ni Xander sabay gulo ng buhok ni Carina.

Napangiti naman sya dahil sa mga sinabi nila, kahit papaano ay nabawasan ang kaba nya, ang saya talaga pag may kaibigan. Tumango si Carina at nagpaalam na sila sa isat-isa. She took a deep breathe before opening the door.

Isang napakalawak na space ang bumungad sa kanya, walang bintana ang room at napasinghap si Carina ng dumapo ang paningin nya sa pader na puno ng ibat ibang uri ng baril at patalim. Ano to? Ba't ang daming nakakamatay na sandata dito? Gulantang na tanong nya sa isip.

"Mabuti at dumating kana milady."

Napalingon si Carina dun sa nagsalita, sa malayong bahagi ng silid ay mayrong isang couch, and there, three handsome prince-like was sitting like they are in the pinnacle. At isa na dito si Fire na prenteng nakaupo habang tinitignan siya. He wears a cold and distant expression that makes her shriver. her heart race like she's running that's why Carina averted her sight.

Nalipat ang tingin ko sa lalaking nagsalita. Magulo ang buhok nya na parang kamay lang ang ginamit sa pagsuklay, hindi nakatali ang necktie nya at bukas lahat ng butones sa polo nya kaya litaw na litaw ang katawan nya na natatabunan lang ng sando. A grin was plastered in his face.

Ang huling lalaki naman na nakaupo ay mukhang seryoso, tahimik lang ito habang pinagmamasdan si Carina. Maayos ang pagkakasuot nito ng uniform, clean cut din ang buhok at sa kanilang tatlo itos ang pinaka mature tignan. His screaming for authority and power.

Binalik binalik ni Carina ang tingin nya kay Fire na prente paring nakaupo, she gasp when his stare become colder and somehow angry.

Bat naman ito galit? Hindi naman siguro dahi sa ginawa ni Carina kahapon, nakipagkaibigan lang naman sya. Tumayo yung lalaking nagsalita kanina his still wearing the same grin, napaatras naman si Carina ng may inilabas baril ang lalake, Carina gasp loudly.

BANG! BANG! BANG!

Agad na tinakpan ni Carina ang kanyang tenga gamit ang mga kamay at dahil sa takot at kaba ay napaupo sya sa sahig para na rin maiwasan ang mga bala. Carina shut her eyes forcefully, ang lakas ng tibok ng puso nya at gusto ng maiyak ni Carina habang patuloy na naririnig ang putok ng baril. Una si Fire ngayon naman ay ang lalaking ito, ano bang problema nila at ang hu-hursh nila kay Carina, pero mas malala ang lalaking ito dahil balak nya ata syang patayin!

Schleiden Mafia: Burning FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon