Anim

2.1K 39 3
                                    

Tulala ako pagkarating sa bahay. Hindi ako makapag salita kahit kinakausap na ako nila inay, dahil ang isipan ko ay lumilipad sa nangyari kanina. Bigla tuloy akong napahawak sa aking mga labi. Ramdam na ramdam ko pa rin ang lasa nang labi niya sa akin. At hindi ako makapaniwala na sa isang araw ko sa mansyong iyon ay mararanasan ko ang mga bagay na 'di ko akalaing mangyayari sa tahimik kong buhay. Pero bakit hindi man lang ako lumaban? O itulak man siya para mapigilan ito?--bakit nagpadala ako sa aking emosyon?

Inis kong ibinaba ang  folder na hawak ko sa lamesa. Bakit wala man lang akong ginawa para pigilan ang nangyari sa akin. Isipin mo't nagpahalik ako sa isang estrangherong lalaki! Maayos pa sana kung isang beses lang ito nangyari ngunit nagkaroon pa ng round two!

Santisimang lalaki iyon na bigla-bigla na lang kung humalik!

Napabuntong hininga ako.

Ramdam siguro nila inay na masama ang aura ko kaya't wala nang nagtangkang kausapin at lapitan ako. Basta kanina, sinabi ko  kay inay na ako na ang bahala sa mga gastusin at mukhang nahinuha naman niya ang ibig kong sabihin dahil hindi na siya nagsalita pa.
Kumuha ako ng tubig upang pakalmahin ang sarili ko at  kumain na rin ako dahil kumakalam na ang sikmura ko. Mukhang tapos na silang kumain kaya't hindi ko na pinagka-abalahang tawagin pa sila para sabayan ako. Anong oras na rin naman kasi, eh.

Pero kahit anong gawin ko ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nangyari kanina. Paano ko haharapin iyon? Noong una ay alam kong lasing iyon kaya  may dahilan akong baliwalain at isiping dahil lang sa kalasingan kaya niya nagawa iyon. Ngunit iyong pangalawa, ay sinadya na talaga iyon, eh! Hindi ko tuloy alam kung ano ang iisipin ko. Sana lang bukas ay maging maayos at hindi ako mailang sakaniya, lalo na't amo ko siya.

Naisipan kong maligo na lang muna at nagba-baka sakaling mabubura iyon sa aking isipan. Ngunit kahit gaano pa kalamig ang tubig na dumadaloy sa aking balat ay nananatili pa rin ang imahe nang nangyari kanina. Kainis!

'Nako cecilia! Halik lang 'yon wag OA!' Sigaw ng utak ko.

Sana nga ay ganon kadali iyon, kaso hindi. Dahil siya lang naman ang lalaking nakakuha ng first kiss ko!


KINABUKASAN ay maganda ang naging gising ko. Napaniginipan ko kasi ang itay at isa iyon sa dahilan kung bakit may ngiti ang aking labi.

Napatingin ako sa orasan na nasa ding-ding ng aking kwarto, alas kwatro na pala ng umaga. Tama lang ang gising ko dahil malayo pa ang biyahe ko patungo sa mansyon ng mga Azano.

Nagulat na nga lang ako sa aking paglabas ng makita ko si Inay na naghahanda ng almusal. Malaki ang pagkakangiti nito nang tawagin niya ako.

"Kain ka na anak." Inilapag niya sa mesa ang itlog na pula na may kamatis, pritong itlog at tuyo na sinamahan ng sinangag.

"Nag abala pa kayo, nay." Sinimulan ko ng kumuha ng sinangag. Paborito ko ang mga ito kaya't takam na takam talaga ako.

"Nako! Nambola ka pa eh gusto mo naman." Napangiti ako dahil kahit papaano'y nakakangiti na si Inay.

"Alam niyo namang 'di ko tatanggihan ito, eh!"

"Salamat sa iyo, anak.." Napatingin ako rito.

"Ba't naman po?" Nakita ko ang lungkot na bumalatay sa mukha niya.

"Dahil alam kong ginagawa mo ito para sa atin."

"Siyempre po 'nay, para sa ating pamilya gagawin ko ito. Kaya kung maaari nay, ay 'wag ka ng magbenta ng kakanin. Kasya naman iyong magiging sahod ko sa panggastos natin." Aangal pa sana siya ngunit pinutol ko agad ang kaniyang sasabihin, at hinawakan ko ang nangungulubot nitong kamay.

"Ipagpapatuloy ko po ang pagaaral ko kapag ako ay nakaipon na. Malaki naman po ang kikitain ko sa pagta-trabaho sa mga Azano, atsaka mababait din po sila, Inay!"  Nakita ko ang paglaki ng kaniyang mga mata. Hindi ko pa pala nasabi na sa mga Azano ako magtatrabaho.

"Mga Azano? Hindi ba't sila ang angkan na magaling sa politika?" tumango-tango ako rito.

"Opo nay, kaya't huwag na kayong masyadong mag-alala sa akin."

Nang matapos akong kumain ay nagpaalam na ako rito. Tulog pa rin ang aking mga kapatid at ayoko na silang abalahin pa kaya umalis na lang ako ng hindi nagpapaalam sa kanila.

Mga bandang 5:30 y' media na ako nakarating sa mansyon. Malamig ang simoy ng hangin kaya't napakasarap nito sa pakiramdam. Naabutan ko rin si Manang Ester na nag-aayos ng mga halaman.  Ngumiti ako rito nang makita ko siya at ganon din ang ginawa niya.

"Sabi at dito ka na lang tumuloy para hindi na malayo ang biyahe mo."

"Manang , nakalimutan kong sabihin kay inay ang tungkol sa bagay na iyon. Hayaan mo at sasabihan ko po kayo kaagad."

Ngumiti ito sa akin bago ako nagpaalam na magbibihis na. Kailangan kasing maisuot na ang uniporme ko dahil isa iyon sa patakaran.

Pumunta ako sa maid quarters para magbihis doon. Nakita ko rin ang iba pang kawaksi na naghahanda rin para sa panibagong araw ng kanilang trabaho.

May iilang bumati sa akin at binati ko rin sila pabalik. Kinawayan ko si Kuya Berto nang makasalubong ko ito.

Bitbit ang uniporme ay tuluyan na akong dumiretso sa aking paroroonan. Ngunit nang sukatin ko ito'y sobrang hapit nito sa aking katawan. Masyadong maikli  ito para sa akin. Ngunit wala akong choice dahil ito lang ang available at baka hindi pa natapos ang pinagagawang uniporme ni Manang para sa akin. Kaya kahit sobrang ikli nito ay tuluyan pa rin akong lumabas para simulan ang nakaatas na trabaho sa akin.

Agad napabaling ang lahat sa lalaking patungo sa amin. Lahat ay bumati rito ngunit nanatili lang akong nakatayo at tila naumid ang dila ko nang makita ko ito.

Agaw atensyon ang ginagawang pagtitig niya sa akin lalo na't halos lahat ng kasambahay ay narito at nakatutok ang mata sa kaniya..at sa akin.

Ano na namang problema ng lalaking ito?

Matalim niya akong tinitigan na siyang nagpataas sa mga balahibo ko. Mariin nitong pinagmasdan ang mukha ko, hindi ko alam kung guni-guni lang ba iyon dahil nakita ko ang galit at lungkot sa mata nito habang nakatitig ito sa akin. Pero agad ding nawala iyon nang ngumiti ito sa akin.

"Beautiful as you are. By the way, nice curve." Wika nito na may kasama pang pag kindat.

At halos lahat ng taong naroon ay napanganga sa kanilang narinig at nasaksihan.










---
Fb: Ashley Jamie
Ig: ashjamhi




AZANO: AbductusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon