Pito

2K 40 2
                                    

Halos lahat ng tao na narito ay napanganga sa kaniyang sinabi.

Sino ba naman ang hindi? Maski nga ako ay nagulantang sa kaniya!

"What?" tapos binigyan  niya ako ng isang tingin bago dumako ang mga mata sa ibang  tao na naririto ngayon at pinapanood ang munting eksena.

Samantalang ako nama'y halos matunaw sa aking kinatatayuan   at  pakiramdam ko'y unti-unti na lang ay  lulubog na ako sa kahihiyan. Sa klase ng tingin na ibinibigay nila sa akin ay talaga namang ito ay katakot-takot! Lalo na't bagong salta lang ako dito, baka kung ano pa ang isipin nila sa akin.

Lihim kong pinagmasdan ang lalaking nasa harapan ko. Ngayong nandito ito, hindi ko maiwasang maalala ang kaganapan na nangyari sa pagitan naming dalawa kahapon.

Parang sirang plaka tuloy itong paulit-ulit na rumehistro sa isip ko. Nako! Talagang namumuro na ito at kotang-kota na sa akin, dahil buong mag damag na itong naglalaro sa utak ko.

Nanumbalik ako sa reyalidad nang mag-salita ang isang kasambahay upang sagutin ang tanong ni Arro.

"A-Ay! sir Arro, wala po!" Pailing-iling na sambit nito habang nakatutok ang mata niya sa akin at sa lalaki. Natakot sigurong mapagalitan ng amo, kaya nag lakas loob magsalita. Tumango lang si Arro sa kaniya, naroon pa rin ang pilyong ngiti na naglalaro sa labi nito nang bumaling ito para kausapin ako.

"By the way, where's my breakfast?"  Sa akin ito nakatitig at tila nang-uuyam pa dahil nakita niya ang gulat na bumalatay sa aking mukha.

Ilang beses tuloy akong napamura sa aking isipan. Paano ko ba nakalimutan na ako ang bagong kusinera o tagaluto sa loob ng mansiyong ito. Unang araw pa lang ay palpak na ako!

"Bakit narito lahat kayo? Nathalia! Ang halaman sa veranda simulan mo nang diligan!" Mabilis namang sumunod ang pangalan na tinwag nito. At parang mga langgam na nagsipulasan ang ilang kawaksi upang simulan na ang kani-kanilang trabaho nang marinig ang boses ng mayordoma nitong mansiyon.

Napatingin ako kay manang Esther nang naglakad ito papunta sa dako namin ni Arro. Medyo nabawasan tuloy ang kaba na nararamdaman ko dahil mukhang palpak pa ako sa unang araw ng aking trabaho.

"Pa-pasensya na ho." Hingi ko ng paumanhin sa binatang kaharap ko habang nakayukod ang ulo rito. Siguro bukas ay mas aagahan ko na ang aking gising para hindi na maulit ang nangyari ngayon.

"Oh,  iho! Napaaga 'ata ang gising mo ngayon? Hindi ba't mamaya pa ang klase mo?," tuluyan ng nakalapit si manang sa amin at nababakas ang katanungan sa mukha nito, "at bakit ka narito ng ganito kaaga, iho?" dugtong nito.

"I do have things to do, and I needed to leave early, Manang. So I came here to ask for my--"Bumaling ito sa akin at pinakatitigan ang aking mukha na agad ko rin namang iniwasan. "--coffee, manang. I need my coffee right now."

"Dapat ay ako ang nilapitan mo, iho. Kararating lang nitong si Cecilia, dahil napakalayo pa ng pinanggalingan nito." Segunda ni manang rito.

"We have vacant rooms for them, right? So why don't she stay here?" Nakatutok pa rin ang mga mata nito sa akin. Sasagutin ko na sana ang tanong nito ngunit inunahan naman ako ni Manang.

"Sinasabi ko na sakan'ya kahapon, iho.  At kailangan pa niyang ipaalam sa nanay niya bago siya tuluyang makalipat." Tumango ako bilang pagsang-ayon dito.

May ilang bagay pa silang pinag-usapan kaya't ginawa ko iyong pagkakataon upang makaalis at maihanda na ang kape nito. Ngunit naka-ilang hakbang pa lamang ako nang tinawag niya ang pangalan ko.


"Ho?" Binalingan ko ito at nakita ko na kaalis-alis lang din ni manang. Lumakad ito papalapit sa akin kaya napaangat ako ng tingin dito upang makita ko ang mukha nito.

"Do you know where's Aesir is?" May pagtataka sa mata ko itong tinignan. Dapat ba ay alam ko kung nasaan ang kapatid niya? Kasama ba iyon sa aking trabaho? Dahil wala naman akong maalala na sinabi ni manang sa akin tungkol rito.

"Ah..Sir?"

"I said, where is he? In tagalog, Nasaan siya?" Sarkasmong tugon nito

"Ay, hindi ko po alam." Totoo naman na hindi ko alam kung nasaan ang isang iyon, kahapon ko nga lang iyon nakilala kaya't bakit iisipin niyang alam ko kung nasaan ang kapatid niya.

"You're his girlfriend right? So supposedly, you must know where he is."

"Girlfriend?" Nakakunot noong tanong ko ulit dito.

Naririnig ba nito ang sinasabi niya? Anong girlfriend ako ni Aesir? Nahihibang na yata ang isang ito o kulang sa tulog kaya naalog na ang utak.


"Yes. In tagalog, K-A-S-I-N-T-A-H-A-N." Sarkastikong tugon muli nito. Agad na lumukob ang inis ko rito kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Sir, mawalang galang na po, ah. Pero mukhang mali ho kayo ng iniisip. Unang-una, ay wala kaming relasyon ni Sir Aesir, at pangalawa, wala po akong ideya kung nasaan man siyang lupalop ngayon." Diretsahan kong pahayag habang pilit na pinapalumanay ang aking boses.

Napakagat ito sa kaniyang labi habang naglalaro ang pilyong ngiti nito sa kaniyang labi. "Oh, good to hear then.."

Sa klase ng tingin na ipinupukol nito ay malaki ang posibilidad na may kung ano na naman itong balak. Kaya't  bago pa siya gumawa ng kung ano, ay inunahan ko na ito at  dali-dali akong tumalikod mula sa kaniya.

Ngunit bago pa man ako makalayo ng tuluyan dito ay nahablot na niya ang aking bewang. At katulad kahapon, marahas niyang hinabol ang aking labi upang lamukusin ito nang nag-aalab nitong halik. Agad kong naramdaman ang mainit nitong labi sa akin nang tuluyang lumapat ito sa akin. Pilit ko naman itong itinutulak palayo upang mahiwalay ko rito ang aking sarili na napag-tagumpayan ko namang gawin.

Nagtaas-baba ang aking balikat dahil sa ginawa nito samantalang, ngiting-ngiti siyang lumayo sa akin habang ako ay nagpupuyos sa labis na galit. Gusto ko itong sampalin ngunit naalala ko na amo ko siya at kailangan ko ng trabaho para kumita.

Kaya bago pa ako makagawa ng mga bagay na pagsisisihan ko sa huli, ay hindi ko na lang ito pinansin at tumalikod na lang ako mula sakan'ya upang maihanda na ang kaniyang agahan. Pipigilan ko na lang ang aking sarili na huwag lagyan ng lason ang kakainin niya.


"By the way, I need to go. And thanks for that kiss, Cecilia."

Awtomatikong nagsitayuan ang aking balahibo dahil sa sinabi nito. Ipinikit ko ang mga mata ko upang pakalmahin ang aking sarili.



'Kailangan mo ng trabaho at para rin sa pamilya mo ito, Cecilia.' Muling paalala ko sa aking sarili bago ko ito tuluyang tinalikuran.

AZANO: AbductusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon