Pinagmasdan ko ang mga taong nakaputi at ang pamilya ko na labis na nagdurusa at puno ng lungkot ang mga mukha dahil sa pagkawala ng mahal naming itay. Rinig sa buong paligid ang paghihinagpis ng mga iilang kamag-anak namin na narito ngayon upang makiramay sa huling araw ng burol.Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman dahil naghalo-halo na ang aking emosyon sa labis na lungkot na idinudulot nito sa akin ngayon. kahit anong pangako ko sa aking sarili na magpapakatatag ako ay hindi ko pa ring mapigilan na panghinaan ng loob, lalo na at ito ang huling beses na masisilayan ko ang lalaking siyang nag-aruga at minahal ako ng todo.
Hindi nakatakas ang luha na dumaloy sa aking mga mata ng isa-isa naming nilaglag ang bulaklak na hawak namin para sakaniya at kasabay noon ang pangakong binitawan ko, na kahit anong mangyari, ay magiging matatag ako para sa aming pamilya.
Lumapit ako sa aking ina na ngayon ay walang habas na humahagulgol habang yakap-yakap ang litrato ng aking ama sa mga bisig nito. Nasa tabi ko naman si Cathy na tahimik lang na lumuluha habang nakakapit sa braso ng kapatid kong si Carlo.
Mahal na mahal namin si itay..
Nang matapos ang lahat, sabay-sabay kaming umuwi sa aming tahanan. Nakakapanibago dahil kailanman ay hindi na kami magiging kumpleto pang muli. Wala na ang itay na siya sanang mag-aabang sa amin upang bigyan kami ng isang mahigpit na yakap at wala na kaming maaamoy na mabangong arozcaldo na kadalasan nitong niluluto sa tuwing uuwi kami sa bahay galing sa eskwela.
Wala na..
Hindi ko alam kung hanggang kailan kami magluluksa sa pagkawala niya. Dahil bawat anggulo ng bahay, ay siya ang aming naaalala.
Pilit kong iwinaksi ang aking iniisip, dahil kailangan kong tanggapin na wala na siya para hindi ako makulong sa lungkot at ala-ala..kahit napakahirap nito sa akin.
Nagpalit lang ako ng aking damit at agad na umalis. Kailangan kong makahanap ng trabaho, dahil bukas wala na kaming makakain, at kailangan na ring pumasok ng aking mga kapatid sa eskwela. Ilang linggo rin kase silang liban sa klase, kaya't kailangan nilang pumasok para hindi na mas lalong maapektuhan ang pag-aaral nila.
Pumunta muna ako sa unibersidad kung saan ako nag aaral dahil kailangan kong kunin ang mga papeles ko baka magamit ko iyon sa paghahanap ng trabaho. At ipu-pull out ko rin ung naibayad kong tuition para sana sa next semeseter ng taon. Kulang pa nga iyon dahil down payment lang, pero atleast may pangkain na kami bukas at pambaon ng aking mga kapatid.
Pumunta ako sa registrar at pinaliwanag ang lahat. Ibinigay naman nila sa akin agad ang aking mga kinukuha.
"Nako hija, sayang naman at 'unting taon na lang makakatapos ka na." Ngumiti ako ng mapait kay Ma'am Lorenzo. Kahit ako'y nasasayangan din, sino ba nama ang hindi? Kaunting taon na lang nama'y makakatapos na sana ako. Pero dahil sa nangyari ngayon ay wala talaga akong magagawa.
"Mahirap po ang buhay maam kaya't kailangan talaga." Tumango-tango ito bilang pagsang-ayon.
"Ana ngarud ti ubraem? Agsarak ti sabali nga trabaho?" 'Yun talaga ang gagawin ko ang humanap ng trabaho. Pero kahit ako, di ko rin alam kung saan ako magsisimula.
"Wen ma'am kasapulan eh. Adda kad pay bakante nga trabaho idtuy? Uray ana maam."
Tutal andito naman na ako baka may bakanteng trabaho dito sa eskwelahan kahit janitress lang, basta may trabaho.
"Wala na ija, Alam mo naman na marami ring estudyante na nag ta-trabaho dito kaya walang bakante..Pasensya kan ah."
"Ok lang maam.Sige ngarud maam."

BINABASA MO ANG
AZANO: Abductus
General FictionI am Arro Azano. And no one can stop me from doing anything.. especially.. Abducting her The first series of AZANO