Katatapos ko lang magluto ng agahan, at masasabi ko namang nagustuhan naman nila ang aking luto. Isang karangalan iyon sa akin lalo na't mga Azano ang kaharap ko. Kung iisipin mo, ang isang makapangyarihang angkan sa politika'y kaharap ko na at kinakain ang inihain kong pagkain sa kanila.
At talagang nakaka-engganyo ang magluto rito dahil kumpleto sila sa gamit. Mas kumpleto pa
at mas High-tech ang gamit nila lesa sa gamit roon sa unibersidad na aking pinapasukan.Ngunit ang pinagtataka ko lang ay tila 'ata hindi magka-kalapit ang loob nila sa isa't-isa. Nag-uusap naman sila ngunit nanatiling walang emosyong ang mga mata nila. Lalo na sa tuwing kakausapin nila ang kanilang ama. Ganito ba talaga ang mga taong may kaya sa buhay? tipong nasa kanilang lahat na ang bagay sa mundo ngunit pansin mo pa rin na parang may kulang.
Kulang sa pagmamahalan.
Hay, kung kami siguro ang nasa kalagayan nila ay wala na kaming mahihiling pa. Napabuntong hininga na lang ako at pinagpatuloy sa paghuhugas ng mga plato. Magdidilig pa ako ng halaman at maya-maya'y magluluto na ng pananghalian. Buti na nga lang at tinutulungan ako ni manang Esther sa pagluluto.
Pinunas ko ang basang kamay ko sa bagong unipormeng bigay sa akin. Talagang pinilit ko si manang na palitan ang damit ko dahil naiilang at hindi ako makakilos ng maayos sa damit na binigay niya sa akin noon. Buti nga at maagang natapos ang pinatahi nitong damit para sa akin.
kinuha ko ang cellphone kong mukhang pamato at tinecs ang kapatid ko na si Cathy para tanungin kung anong lagay nila ngayon. At nang matapos, ay muli ko itong ibinalik ko sa bulsa ng aking kamiseta.
Agad akong tumungo sa bodega para kunin ang gagamitin ko sa paghahalaman. Magdidilig at magpuputol kasi ako ng damo.
"Oh cecilia! san ka't naparito ka?" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Napatingin ako sa babaeng morena na may mahabang buhok at magagandang pares ng mata. Taglay nito ang kagandahan ng isang banyaga.
kala ko na kung sino si Thalia lang pala.
" Dyusko, Thalia! ginulat mo naman ako." Humagikgik naman ang babae sa akin. Anak ito ni aling Anita na isa ring katiwala rito simula noong iwan sila ng Espanyol na ama ni Thalia at sa kasamaang palad ay hindi sila pinanagutan nito.
"Halata nga at nanlalaki ang mata mo. Ano nga ba ang kukunin mo, dine?"
"Ay! kukunin ko sana iyong mga gamit sa pagtatabas ng damo."
"Sige at tulungan na kita riyan." Sabay naming hinagilap ang mga kagamitan na sadiyang kay bigat. Nang matapos ay dumiretso kami patungo sa garden nitong mansiyon.
"Oh, ano Cecilia nakita mo na ba ang mga amo natin? Ang po-pogi, ano?" Sabi nito na tila inuuyam ako.
"Oo, pero mga hambog nga ang iba sakanila" Naalala ko si Arro. Tsk! ang lalaki na namang iyon!
Humagikgik ito sa akin at pabirong hinampas ang aking braso, " Ngunit aminin mong mga pogi naman talaga! atsaka ang katawan! ummmmphh! ulam!" Sabay kaming nagtawanan sa sinabi nito.
"Ngunit talagang mga may pagkahambog ang mga iyon pwera kala sir Avanti at Sir Aesir. Sila nga lang 'ata ang matino. Isipin mo ba naman halos araw-raw ata'y may kinakalantaryo ang mga pasaway! Kahit umaga'y may naririnig ako! Buti na lang at wala pa akong nahuhuli sa akto!" Sabi nito habang nagdidilig ng mga santan.
" Buti at hindi sila pinapagalitan ni Sir Aston?" sabi ko habang patuloy na naggugupit ng ligaw na damo.
"Eh, wala namang pakialam si Sir Aston sakanila. Hindi naman sila bata para sawayin pa .Atsaka alam naman na siguro nila ang kanilang ginagawa. Buti nga't wala pang nagpunta rito at sinabing 'buntis ako at panagutan mo!' " anas nito sa akin.
"Kawawa naman si Sir Aston, konsume pa ang tatlo. Imbes na mag-aral na lang sila ng mabuti ano?" Kung ako'y mag aaral ako ng mabuti. Masarap kayang mag-aral at mag tapos. Dahil parang tagumpay mo na iyon sa iyong sarili.
"Nako, Cecilia! Mayaman na ang mga 'yan! kaya siguro imbis na pag aaral ang inaayos sinturon at pantalon ang inaayos!" Napailing na lang ako sa sinabi ni Thalia. Tama nga naman ito, siguro ay ganito sila mag-isip tutal at nakukuha naman nila ang lahat ng kanilang luho.
"Pero ikaw? ayaw mo na bang mag-aral?" turan ko dito. Nakita ko naman ang biglaang paglamlam ng mga mata nito.
"Lahat naman siguro ng tao'y nanaisin ang mag-aral, diba? kaso dahil sa kahirapan kailangan tumigil sa pag aaral. Hayskul lang ang natapos ko Cecilia at muntik ko pang hindi matapos iyun kung hindi lang ako tinulungan ni Hyland.. 'Yung boypren ko." sagot nito habang inaalis ang pagkabuhol ng hose.
"Ay, iyon ba'ng laging napaparito? " Meron kasing isang lalaking naka-kotse tuwing hapon rito na akala ko'y isa sa mga kaibigan nila Arro.
"Ahh.. Oo, iyon nga. Iyun ang kasintahan ko na nagma-masteral sa pagka-doctor."
"Oh, bakit tila ang lungkot mo? dapat nga'y maging proud ka at may kasintahan kang mayaman at pogi!" Tinulak ko pa siya na wari'y kinikilig ngunit hidi man lang ito nag react sa aking sinabi.
"Mayaman nga't pogi, pero kinakahiya naman ako. Ni hindi nga ako pinakilala sa kahit sinong kaibigan niya maski magulang niya. Sa tagal ba naman naming mag kasintahan, parang kami lang ang nakakaalam..." Nagulat naman ako ng nagpunas ng luha ito, " Sabagay.. hayskul lang ang natapos ko.. tapos isang hamak na taga-silbi lang ako rito, kaya't sino nga naman ang magmamalaki sa akin?"
Tuluyan na ang hagulgol nito. Kaya lumapit ako rito at binigyan ito ng isang yakap.
Pinauna ko na siya sa loob ng mansyon upang makapagpahinga na siya.
Bakit naman kasi kapgg mahirap mababa na ang tingin sa amin? Kapag mahirap, wala na agad maipagmamalaki. Laging kami ang inaapakan, kaming mga hamak na nagsisipag at kumakayod para sa pamilya. Kaming inaalay ang dugo't pawis para may ipang-buhay sa pamilya.
"Ano ba, Arro! nakikiliti ako... Ano ba.." Napalingon ako ng may maulingan akong mga boses sa di kalayuan.
"God.. I just miss you.." Kunwa'y pa ng lalaki habang inaamoy-amoy ang leeg ng babae. Ito naman si babae kung makalingkis akala mo'y parang isang ahas.
Huminto sila sa gilid ng pool, ngunit hindi yun naging sagabal para hindi ko sila makita. Tuluyan akong napahawak sa bibig ko nang makita ko silang naghahalikan. Bigla namang nanghina ang tuhod ko sa aking nakita at muling nanariwa ang tagpo noong sa akin nakadampi ang malalambot nitong mga labi.
"Ummp--ummph..Babe..ughh- e-enough baka makita tayo ng daddy mo..." Habol hininga silang tumigil sa kalaswaan nilang ginawa. Saglit silang nagkatitigan at ngumiti pa ng matamis ang lalaki bago dali-daling hinila sa loob ng mansyon ang dala niyang babae.
Hindi ako ignorante para hindi malaman ang susunod na gagawin nila.
Hindi ko namalayan na nalamukos ko na ang kamisetang suot ko. Bakit may parte sa akin na nasasaktan? Masakit din pala kahit sabihin mong hinalikan ka lang niya ng wala lang? Akala ko'y may pagtingin na sa akin si Arro dahil nagawa niya 'yon. Hindi ba't ganun naman? hind ka naman hahalikan kung wala lang? atsaka kung ano-ano pa ang sinasabi niya patungkol sa akin yun pala'y sadiyang magaspang lang ang ugali nito.
Napabuntong hininga ako dahil sa nasaksihan ko. Ganito ba talaga ang lalaking iyon? kahit sinong babae ay paglalaruan niya dahil lang sa gusto niya?
Muli kong sinulyapan ang papalayong bulto nila lalo na sa babaeng mestisa at balingkinitan ang katawan. Bagay na bagay rito ang suot nitong damit at halata ang pagiging elegante nito at pagiging isang anak ng mayamang tao. Kumpara naman sa akin, walang-wala ako.
Sino nga lang ba ako? Isang serbidora ng mga Azano at amo ko siya, at mananatiling hanggang doon lang iyon.
Agad kong iniwas ang tingin sa mga ito at pinagpatuloy na lang ang aking ginagawa.

BINABASA MO ANG
AZANO: Abductus
General FictionI am Arro Azano. And no one can stop me from doing anything.. especially.. Abducting her The first series of AZANO