"Ang sarap ng labi mo."
Nagitla ako sa turan nito na siyang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Pinagpawisan rin ang mga palad ko at tila umakyat din ang lahat ng dugo sa mukha ko.
Napapasong napalayo ako sa pagkakahawak sa kaniya at hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin at bigla na lang akong kumaripas ng takbo palayo rito.
Ano ba 'tong napasukan ko? Bakit may bigla na lang hahatak sa'kin tapos ay hahalikan ako? At ang lakas pa ng amor nito para sabihing masarap ang labi ko. Eh, sa pagkakaalam ko ay wala naman itong lasa. Habang iniisip ang pinagsasabi ng lalaking iyon ay tumatayo ang mga balahibo ko.
"Cecilia!" Tumingin ako kay manang Ester nang tawagin niya ako.
"Bakit ka hinihingal at tumatakbo? " Hindi ko alam ang aking isasagot. Ano ba ang sasabihin ko? Na may isang estranghero na bigla na lang hinalikan ang labi ko?
"E-eh may nakita po akong multo.." Napailing-iling si Manang, na tila isang kakatwa ang sinabi ko.
"Nako! Ang laki mo na pero naniniwala ka pa diyan. Walang multo rito iha, O siya, at sumunod ka sa akin dahil dumating na ang iba mo pang mga amo at ipapakilala kita."
Balak ko sanang umuwi na, ngunit nakakabastos naman kung iiwan ko si Manang rito. At mas maigi na rin na malaman ko kung sino nga ba ang aking magiging amo.
Narating namin ang labas ng mansyon kung saan may mga naka park na kotse, mukhang mamahalin ang mga ito. Napaka astig!
"Where's Arro?!" Halos lumaki ang mata ko nang sabay-sabay na bumaba ang mga taong nakasakay sa kani-kanilang kotse na parang mga modelo. At kung hindi ako nagkakamali, ay sila 'yung nakita ko sa picture.
"Dunno." Saad ng isang lalaking naka coat at may hawak na suit case.
"That's bastard! Malilintikan sa akin 'yun eh!" Singhal nang unang lalaking nagsalita. Naka-suot ito ng fitted na pantalon at sweat shirt. Napaka gwapo nito! Bad boy look kumbaga.
Maya-maya'y may naramdaman akong umakbay sa akin, napalingon tuloy ako rito.
"I'm Aesir, and you are?" Napatitig ako sa mukha nito. Iyong ilong niyang matangos, ang mapupula nitong labi, ang mata nitong kulay brown, pati ang panga niyang mas lalong nag depina sa kaniyang mukha.
"Cecilia po, sir." Tumango-tango ito tapos pinagmasdan niya ang mga lalaking mukhang mga modelo.
"That man who's holding that black suit case, that's Avanti." Patukoy niya sa lalaking seryoso na masungit. Lumingon ito sa gawi namin at tipid lang itong ngumiti sa akin.
"..And that guy, wearing a blue sweat shirt, that's Aero..'' Napatingin ako sa lalaking 'bad boy' ang dating. Nginisihan niya ako na may kasamang kindat. Iniwas ko naman agad ang tingin ko rito.
".. And the one who's leaning against in that black car, he's Axis--wait.. May kulang pa, eh.." Napakamot ito sa kaniyang ulo at tila iritado na rin.
Tumingin si Aesir dun sa lalaking ang pangalan daw ay Axis saka sumigaw.
"Hoy Axis na globo! Asan si Arro?!" Lumigon naman yung tinawag niyang Axis.
"Gago! Di ko alam! Tanungin mo 'yang si Aero kanina pa hinahanap si Arro! "
"Gago ka rin!" Parang gusto kong mag takip ng tenga sa sigawan nila, kung gaano sila kagwapo kabaliktaran naman ang mga bunganga nila.
"Hoy! Wag niyo kong idamay diyan sa mga kagaguhan niyo!" Napatingin naman ako sa lalaking ang pangalan ay Aero.
"You three stop! Ayun na si Arro oh!"
Sabay sabay kaming lumingon sa direksyon na tinukoy nito.
At natanaw ko ang pasiray-siray na lalaking naglakad patungo sa direksyon na kinaroroonan namin.
Samantalang tila natuod naman ako sa aking kinatatayuan ng mapa-sino ito.
At dahil doon, ay tuluyan na talagang lumambot ang aking mga tuhod.
---
Don't forget to vote and leave your insights! You can also read my other story entitled Taste Her.
Follow me on my soc med accounts and let's be mutual!
Fb: Ashley Jamie
Ig: ashjamhi
BINABASA MO ANG
AZANO: Abductus
Ficción GeneralI am Arro Azano. And no one can stop me from doing anything.. especially.. Abducting her The first series of AZANO