Lima

2.3K 43 8
                                    

"Arro!"

Isang lalaki ang lumubas. Nakasuot ito ng longsleeve na polong puti na pinatungan ng itim na vest at sa ibaba naman ay itim na pantalon. Sa itsura nito'y mukha siyang studyante sa isang prestihiyosong paaralan.

Ngayon, mas lalo kong naaninag ang kabuuan nito. Ang mata niyang kulay itim at sobrang lalim kung tumitig na ngayo'y malamlam dahil siguro sa labis na kalasingan. Walang tulak kabigin, talagang gwapo ang isang ito. Lahat naman sila.

"..And that's Arro." Napatingin ako kay Aesir. Nakalimutan ko ang lalaking ito na naka-akbay parin pala sa akin, medyo mabigat nga ang braso nito--ay mali. Mabigat talaga.

"Akala ko knock out ka na!" Kantsaw dito ni Axis. Ngunit tinawanan lang niya ito. Pati ang tawa nito ay napaka-pogi talaga.

"No it's just that..Ugh! My head hurts!" Sabi nito sabay hawak sa ulo niya. Tumawa naman ang mga iba pa.

"Look at yourself! You're a mess!" Napapailing na wika ni Avanti.

"Don't fucking care! " Tila biglang nagbago ang timpla nito. At bigla ring tumahimik ang paligid.

"Let him be man. He's broken." Segunda ni Axis kay Avanti.

Maya-maya'y dumako ang tingin niya sa akin at kay Aesir, kita ko ang pag kakunot ng kanyang noo. Napaiwas naman agad ako ng tingin dahil bumabalik na naman ang ala-ala na hinalikan niya ako kanina. Mas lalo akong 'di mapakali dahil nakikita ko na palapit ito sa amin.

Nasaan na ba si Manang Ester? Nako mukhang iniwan na niya ako rito ng hindi ko napansin!

"Aesir." Narinig ko na naman ang boses niyang nakakapanindig balahibo.

"How's your feeling huh?" Hindi niya sinagot ang tanong ni Aesir at tumingin lang ito sa direksyon ko. Tinitigan niya ako na parang kilalang-kilala niya ako. Na tila alam niya ang aking buong pagkatao.

"Is she your girl?" Tanong nito kay Aesir. Pinasadahan pa niya nang tingin ang brasong naka akbay sa akin.

Narinig ko naman ang pilyong tawa ni Aesir iyong parang nang aasar.

"You think?" Tapos mas hinapit niya ako sa kaniya.Tumalim naman ang tingin ni Arro sakan'ya tapos tumawa rin ng pilyo.

"I see." Nakahinga ako ng maluwag nang humakbang ito patalikod pero muli itong humarap sa'min.

"By the way, your girl taste so good." Tumingin ito sa direksyon ko at kumindat pa bago tuluyang naglakad paalis. Napatingin naman si Aesir sa akin at umiling. Bigla naman akong nangamba. Dahil baka iba ang pagkakaintindi nito! Baka ang isipin niya ay ginawa nga namin 'yon' at isa akong easy to get na babae o isa akong kaladkarin!

"Uh-uhm... Mali po kayo nang iniisip..An-ano po kase.. Hindi po ako ganong klase na babae kung iniisi-"

Pinutol niya ang sasabihin ko.

"I know. I can see it.. Don't mind Arro, he's just..broken." Magtatanong sana ako pero pinigilan ko na lang ang sarili ko kaya't ngumiti na lang ako at huminga nang maluwag. Ang bait naman nito at magandang lalake pa. Marami sigurong babae ang nagkaka-gusto rito.

"By the way. Bakit ka nga ba nandito?"Ngumiti naman ako ng pagka-tamis nang maalala kong may trabaho na ako.

"Ay sir! Ako nga po pala ang bago niyong kusinera!" Masigla kong pahayag. Nanlaki naman ang mga mata nila.

"That's good tho!" Sigaw ni Axis na may kinukuha sa loob ng kotse.

"Finally! Sana masarap kang magluto, pero mas masarap ako at given iyon." Sabi ni Aero. Binatukan naman siya ni Avanti.

"Gago ka."

"Porket hindi ka lang masarap, Atras--AVANTI!" Asar ni Aero. Hindi na pinansin ito ni Avanti at pumasok na lang sa loob.

"Really? But that's good! So I can see you everyday." Tapos kinindatan ako ni Aesir. Napailing na lang ako sakaniya, alam kong may itsura siya ngunit mukhang playboy rin ang isang ito.

Maya-maya pa'y tinawag na kami ni Manang Ester para pumasok sa loob at mag miryenda. Ngunit magalang itong tinanggihan ng mga binata dahil kumain na raw sila sa labas. Si Arro ay hindi ko na rin nakita pa. Buti naman, dahil naaalala ko lang ang ginawa niya sa akin.

"Nako! Cecilia, mukhang kanina ka pa tulala. May problema ba sa magiging amo mo?" Inaya ako ni Manang mag miryenda. Dahil sayang daw iyong inihanda niya kung hindi maka-kain. Napailing agad ako sa turan nito habang kinukumpas ang kamay.

"Wala po manang, sa totoo nga po'y mababait sila, eh" Tumingin naman sa akin si manang na may ngiti sa labi. Itinabi na muna niya ang tinitimplang juice at ako nama'y nagpatuloy sa pagpapalaman ng tinapay na kakainin ko. Habang hinintay ko ang sasabihin niya.

"Talagang mababait ang mga iyan dahil bata pa lang sila ako na ang nag-alaga sakanila hanggang sa mag binata." Umiiling-iling pa si manang na tila may naalala.

"Alam mo bang minsan ay nagsuntukan si Arro at Aeasir dahil lang sa brief?" Bigla naman akong natawa. Sa itsura at kisig naman kase nila'y 'di mo mapag-iisipan na mag aaway ng yun ang dahilan.

"Kinuha kase ni Aesir ang paboritong brief ni Arro. Kulay pink pa nga iyon at naka-imprinta doon ang kulay pink na bayolet na daynasor. Barney 'ata ang ngalan." Napatawa na naman tuloy ako, Barney? Ang paborito niya? Hindi halata sa itsura.

"Mga walong taon siya nuon at iyak pa kamo nang iyak buong maghapon, kaya ang ginawa ni Aston, Binilhan niya ito ng isang set ng ganung brief." Tawa ako nang tawa habang nagke-kwento pa si manang.

Anak sila ni sir Aston kaya isa din pala silang Azano. Walang duda, sa itsura at kisig ng mga ito at sa mga tingin nila parang si Sir Aston lang talaga.

"Ngunit nang mag kolehiyo ang ilan ay sa ibang bansa nag-aral. Si Arro naman ay sa Manila. Kaya't minsanan na lang silang magawi rito sa mansyon." Nalungkot naman ako sa turan ni Manang, ngunit ganoon talaga 'pag mayaman.

Napahaba ang usapan namin ni Manang kaya't di ko na namalayan ang oras. Nagpaalam na ako na kung maari ay ako'y uuwi na.

"Bukas iha, ah." Tumango lang ako sakaniya saka lumabas ng kusina. Nagpasalamat ako rito at sa iba pa. Hindi ko na nakita si Sir Aston kaya't pinaabot ko na lang ang pasasalamat kay Manang Ester.

.
Naabutan ko si Kuya Berto sa sala. Sabi niya'y siya raw ang maghahatid sa'kin dahil bili raw iyon ni Sir Aston. May aayusin lang raw siya kaya't hintayin ko na lang raw siya sa labas.

Lumabas ako at bumungad ang sariwang hangin. Gabi na rin kasi kaya't malamig na ang simoy ng hangin. Pnagmasdan ko ang paligid kahit medyo madilim na. Sa tulong ng ilaw sa paligid ay kita ko pa rin ang kagandahan ng Ilocos. Nasa mataas kasi na bahagi ang mansyon kaya't maganda ang view mula rito.

Naglakad ako papunta kung saan ko hihintayin si Kuya Berto, ngunit 'di ko ito makita. Siguro'y hihintayin ko na lang ito. Baka may ginagawa pa.

Napasandal ako sa pader ng may biglang humatak sa akin. Hindi ko masyadong maaninag dahil madilim na at natatakpan pa ang katawan nito ng ilaw ng buwan.

"Sino ka?!" Sigaw ko rito ngunit tinakpan lang niya ang aking bibig gamit ang kaniyang kamay.

"Can I taste it again?" Tumalbog ng ilang milya ang puso ko sa tanong nito. Magsasalita pa sana ako nang bigla niyang sunggaban ang labi ko.

Masakit. Tila uhaw na uhaw ito sa paghalik sa akin masyado nang mahina ang tuhod ko para itulak ito. Naramdaman ko naman ang marahang pag kabig ng sarili niya papunta sa akin. Hinalikan niya ako ng marahas at wala akong magawa dahil inipit niya ako gamit ang kaniyang katawan.

Nadadala ako..

Kinagat niya ang ibabang labi ko at wala akong nagawa ku'ndi ang mapa-ungol.

Ngunit maya-maya'y may nagsalita.

"Cecilia!? Asan ka?!" Napabitaw agad sa akin si Arro. Eksaktong nakita kami ni Kuya Berto.

"Ano pong ginagawa niyo rito sir?"

Narinig ko itong nag mura bago nag salita.

"Fuck!" Bulalas nito sabay alis.

AZANO: AbductusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon