Tatlo

2.6K 48 0
                                    

Pinagmasdan ko ang paligid. Ang magandang tanawin, ang napakalawak na mansyon, mga bulaklak at ang fountain sa aking harapan. Parang mga maharlikang tao ang nakatira rito, dahil sa disenyo pa lang nito na tila hango sa mga gusali sa bansang UK. Napakaganda! tila nakapunta na rin ako sa ibang bansa kung susumahin dahil sa kahanga-hangang itsura nito!

Ang bilis ng tibok ng puso ko habang tinutunton ko ang malaking pintuan papasok sa loob. Hindi ko alam kung kinakabahan ako dahil sa kaalamang dito na ako mag ta-trabaho o may iba pang dahilan. Basta! 'Di ko mapaliwanag ang emosyong nararamdaman ko ngayon dahil sa labis na tuwa, ngayon lang 'ata ako nakangiti nang ganito simula ng mawala si itay.

Napatingala  ako sa kalangitan habang malaki ang ang aking ngiti sa mukha. Alam kong ginagabayan ako ni itay at siguro ay bumulong ito sa diyos na matulungan ako sa paghahanap ng trabaho, at ito na nga! at narito na ako sa mansiyon ng mga Azano.

"Ija, pumasok ka na." Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat, hindi ko namalayan na matagal  na pala akong nakatayo sa harap ng mansyon at nakalimutan ko na kasama ko pala ang dating Presidente ng Pilipinas.

Kanina noong nasa simbahan kami ay akala ko mag isa lang si Sir Aston 'yun pala may mga body guard siya na nasa labas. Ang gara nga ng kotse na sinakyan namin, eh. Mahaba iyon tapos ang ganda ng loob, parang isang bahay na ang itsura. Pero ano nga bang maasahan ko, eh isa itong Azano.

Sinundan ko ang isang body guard at si sir Aston papasok sa loob ng mansiyon. Baka kasi mamaya'y maligaw ako, napakalaki at lawak pa naman ng mansiyong ito.

Ngunit laglag panga pa rin ako nang tuluyan akong makapasok. Kung maganda ang labas, dyusko! Mas maganda ang loob!. Akalain mo pwede pa lang magkaroon ng fountain sa loob ng bahay. Tapos 'yung chandelier, napakaganda! Gawa 'ata ito sa isang mamahaling crystal. Agaw tingin rin ang hagdanan na gawa sa glass na siyang mas lalong nagpa-garbo sa itsura ng mansiyon. Mas nakakamangha rin iyong pader nila na nag mistulang aquarium dahil sa mga isda na nasa loob nito. Dyusko napaka-astig nito!

"Ija, baka tumulo ang laway mo..''

Natawa tuloy sila sa akin dahil sa itsura ko. Hindi naman nila ako masisisi dahil ngayon lang ako nakapunta sa ganitong klaseng bahay.

"Halika't sumunod ka muna sa akin, puntahan natin si Ester." Napatango ako dito at tahimik na sinundan kung saan ito patungo habang tulak-tulak  siya ng isang katulong.

Masyado akong naaaliw sa aking mga nakikita hanggang sa nakarating kami sa kusina. Wala rin akong tulak kabigin sa itsura nito at sa mga kasangkapan na sa tingin ko ay libo-libo ang presyo. Nakatayo ang isang  may katandaan na babae, nakasuot ito ng daster na damit habang abala sa kaniyang pagluluto. Lumingon ito sa gawi namin ng maramdaman niya ang aming presensiya.

"Sir Aston,  ano po ang kailangan nin'yo?" tumingin si manang Ester sa akin na binigyan ko na lang ng isang matamis na ngiti.

"Nais ko lang sanang ipakilala itong kusinera na tutulong sa iyo. Ikaw na ang bahala sa kaniya." Napatingin naman sa akin si Manang Ester bago tumango rito.

"Makakaasa po kayo at ako na pong bahala. Letty, dalhin mo na siya sa kwarto niya upang makapagpahinga na siya." Tumango lang ang tinawag niyang Letty saka tuluyang iniwan kami habang tulak-tulak ang wheelchair ni sir Aston.

"Sigurado ka bang magta-trabaho ka, ija? " Agad agad akong napatango.

"Opo manang! Kahit ano pong trabaho ay kaya ko, kahit labandera lang po pwedeng-pwede po!" Napatawa naman si Manang sa akin.

"Bakit po?" Tanong ko. Bakit naman niya ako tatawanan eh totoo naman ang sinabi ko. Kaya kong maglaba kahit nga magtanim ng palay ay kaya ko rin.

"Napakaganda mo kasing bata at mukha ka namang 'di babagay saiyo ang mga trabahong iaatas ko."

AZANO: AbductusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon