2

14.1K 450 1
                                    

Third Person's POV
''Whaaaaaa! Nasan na yung strawberries ko kuya?! Huhuhu. You Promised me. Huhuhu.'' Naiirita ang lalake sa kanyang kapatid dahil sa ingay nito. Hindi naman dapat kasi ito iiyak kung nabili nya ung strawberry na yun.
'Tsk. Yung buntis na yun.' Sambit nya sa isip.
''I hate you really hard kuya!!!" Ngawa pa rin ng kapatid nya. Hindi nya na ito pinansin at dumiretso sa kanyang kwarto pero bubuksan pa lang nya ito ay lumapit sa kanya ang isang kasambahay at sinabing pinapatawag sya ng konseho.

*****
''Malapit na ang gabi kung saan kelangan mo ng magkaroon ng tagapagmana mahal na hari.'' Sabi ng isang lalake na medyo may edad na ngunit hindi halata sa kanyang mukha.

''Alam ko Orpheus. Ka-'' naputol ang sasabihin ng lalake ng magsalita ang isang babae.

''Hindi mo na kelangan pa. Nasa paligid mo lang ang tagapagmana. Pero hindi natin sya kauri.'' Litanya ng babae na nag-iwan ng pagtataka sa mukha ng bawat isa sa loob ng silid.

''What do you mean?'' 'Ako may anak?' Yan ang nasa isip ng hari.

''The Prophecy.'' Maikling sagot ng babae at biglang naglaho.
Hindi inaasahan ng bawat isa na unti-unti ng nangyayari ang propesiya. Kung saan isisilang ang isang sanggol na magdudulot ng digmaan o kapayapaan sa mundo ng mga bampira at lobo.

Nagsilabasan na ang myembro ng konseho sa silid at naiwan ang binatang hari sa kanyang upuan. Hindi pa rin nya lubos maisip na may anak na sya. Sabagay sa dami ba naman ng babaeng naikama nya, pero nakakapagtaka pa rin dahil gumagamit naman sya ng proteksyon.

Napabuntong hininga na lang ang hari.

****
Alexa's POV

nagising ako ng maramdaman kong nakahiga ako sa isang malambot na kama. Pano ako napunta rito? Ang huling naaalala ko ay nasa kusina ako.

Dahan-dahan akong napaupo sa kama dahil masakit ang aking katawan pero hindi na masakit ang aking tiyan kaya napahawak ako dito.

''Wag mo nang ulitin yun baby ha? Pareho tayong masasaktan.'' Kausap ko sa batang nasa aking sinapupunan. I feel a slight prick in my feet kaya napako ang tingin ko rito.

Nakabenda na ito. Hala? Baka may nakapasok sa bahay ko. Pero ang bait naman nun.

''Gising kana pala?'' Nanigas ang katawan ko ng may nagsalita. Babae yung magnanakaw? Napatingin ako sa kanya. Napaka puti nito parang hindi nasisinagan ng araw.

''Ano ka ba hindi ako magnanakaw.'' Eh? Nabasa nya iniisip ko? Tsaka sino ba toh?

''Obvious kase mukha mo. Ako nga pala si Scarlet. At sorry kung pumasok ako ng walang paalam sa bahay mo.'' Ngumuso sya. Whaaaaa! Ang cute nya. <3

'' ok lang yun. Sus. Lapit ka nga dito.'' Nagdalawang isip sya kung lalapit ba sya o hindi. Pero lumapit pa rin sya.
''Lapit pa.'' Nangunot ang noo nya kaya lumapit lang sya. Bigla kong kinurot ang pisngi nya.
''Ang cute mo.'' Nanggigil kung sabi sa kanya saka sya binitawan.
Kaya napahawak sya sa pisngi nyang namumula.

''Masakit yun ha.'' Nagalit ata sya nararamdaman kong tutulo nanaman ang luha ko.

''Uy wag kang umiyak.''  *sob* huhuhu. Sinaktan ko sya. *sob*
Niyakap nya ako kaya medyo gumaan na ang pakiramdam ko.
Pinunasan ko muna ang mukha ko bago magsalita.
''Bakit ka ba nandito? Di naman kita kilala ah.'' Suspicious ko syang tinignan.

''Psh. Mood swings. Anyways nandito ako dahil ako ang maghahatid sayo sa paaralang papasukan mo. Pumasok ako dito dahil kanina pa ako sa labas at walang sumasagot. Nagtaka ako kaya pumasok ako at nakita kitang walang malay sa sahig.'' Mahaba nyang litanya at umarte na parang hinihingal.

''Ay ganun ba? Hehe. Ang cute mo talaga.'' Kukurotin ko sana ulit yung pisnge nya pero mabilis syang nakaiwas.

''Tumayo kana dyan at kanina pa naghihintay yung mga rohelyo sa labas. Tumayo na sya sa kama at hinila yung mga maleta ko. Awww. Ang sweet naman nya, somehow I feel comfortable with Her.

Tumayo na rin ako sa kama at sumunod na sa kanya sa sala. ''Let's go?'' Masigla nyang sabi kaya nagnod lang ako.

Iniwan ko na sa receptionist ng condo ang susi ng unit na tinuluyan ko, syempre naman alangan dalhin ko pa yung susi, edi pagbumalik si Beah galing France edi hindi sya makapasok.

Sumakay na ako sa loob ng van habang si Scarlet ay ibinigay sa mga rohelyo ang mga maleta ko at sumakay na rin sa loob at tumabi sakin.

''Malayo ba yung school?'' Tanong ko kay Scarlet.
''Uhm. Medyo kaya pwede ka pang matulog.'' Naka ngiti nyang sabi at dahan-dahan ng umandar ang van.

Inienjoy ko ang sarili ko sa pagtanaw sa labas ng bintana kahit puro ilaw na lang ang nakikita ko dahil madilim na. Matagal-tagal na rin akong hindi nakapag byahe ng matagal.

Natigil ang pagsa-sight seeing ko ng magsalita si Scarlet.
''I know it's personal, pero nasan ung boyfriend mo?'' Medyo nabulunan ako dun sa sinabi nya kaya tumikhim muna ako.

''Wala akong boyfriend.''

''Hala! Pano ka nabuntis?'' Pano ko ba i-eexplain sa kanya?
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

''A-a-actually its just a one night stand.'' Malungkot kong sabi.
''S-sorry.'' Nagbigay sya ng mapait na ngiti.
''Ok lang. Hindi ko rin naman pinagsisisihan na dumating to sa buhay ko.'' Ani ko habang himas-himas ang tiyan.

''Teka! Pwede pa rin ba ako dun? Buntis ako.'' Tanong ko. Kasi naman baka nagsayang lang ako ng panahon hindi naman pala ako pwede dun.

''We won't know until we get there.'' Simple nyang sabi. Siguro hindi nya rin alam. Naku naman pagnagkataon sayang yung monthly allowance. :(

Habang tumatagal ang byahe ay konting ilaw na lang din ang mga nakikita ko at puro mga puno na. San ba talaga yun, bakit parang ang layo?

Once again naisip ko na naman yung lalakeng yun. Hindi ko kasi nakita yung mukha nya dahil sa dilim ng gabing yun. Napaka dilim na buong kwarto at tanging sinag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw. Napaka misteryoso nya.

Kung hindi ba ako nalasing ng gabing yun? May mangyayari pa rin ba sa amin. Tsk. I shrug the thought inside my head. Hindi ko na kelangan pang isipin yun, nakapag move on nako.

Puro puno na lang ang nakikita ko ngayon. Ano bang klase ng paaralan yun at nasa gitna talaga ng gubat. Mukhang malayo pa nga yun. Dahan-dahan kong pinikit ang mga mata ko at maya-maya ay dinalaw na ako ng antok.

Carrying the Vampires Baby Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon