17

8.6K 273 11
                                    

Inilibot ako ni Axer sa loob ng pack house na matatawag nga bang house dahil sa sobrang laki.

Pinayagan na akong maglibot ni Xander dahil naka pagpahinga na rin naman ako. Nakakahiya dahil five days na ako rito.

Pero sabi nya feel at home daw.

"Nasan nga pala mga magulang mo?" Nagulat ako sa bigla nyang pagtatanong.

"Nasa mundo ng mga tao." Totoo naman ee. Para ngang wala ng paki sakin si Mom.

"Nasa mundo ng mga tao?? Ang akala ko patay na?" Ha? Sinasabi nito? Tsaka buhay pa si Mom, saka di ko nakilala dad ko.

"Anong patay? Haha. Nagpapatawa ka ba? Ngayon mo lang kaya ako nakilala." Biglang nagbago ang itsura nya. Para syang nagulat.

"Ahhahah oo iba yung tinuturing ko wag mo nang pansinin yun." Pilit nyang tawa sabay kaot sa ulo. Ang wierdo talaga ng mga tao dito este lobo pala. Parang yung Lloyd na yun.

Huminto kami sa malawak na hardin ng mansyon. Oo mansyon kasi malaki nga.

Napaka sariwa ng hangin dito.

"Uy panget habulin mo 'ko!" Sigaw ng isang batang babae. Hindi ko maaninag ang mukha nito dahil blurred.

Hindi siya pinansin ng batang lalake. Hindi ko rin maaninag ang mukha nito. "Uy panget! Laro kasi tayo." Naiiritang yaya nito sa batang lalake.

"Tsk. Ayoko ang ingay mo kase. Hmp." Irap nito sabay lakad palayo.

"Aww! Humanda ka sakin pag nahuli kitang bruha ka!" Singhal mg batang lalake sa batang babae. Bigla kasing kinurot nang batang babae yung batang lalake.

Naghabulan sila sa buong hardin. Tawa lang ng tawa ang babae habang ang lalake naman ay nangingiti na rin.

"Alexa ayos ka lang? Namumutla ka kase." Bumalik ako sa huwisyo na tawagin ako ni Axer. Ano yung nakita ko? Sino sila?

"Oo. Ayos lang ako, babalik na ako sa loob baka kasi gising na ang baby ko." Palusot ko. Kailangan kong mapag-isa.

Bumalik na ako sa silid kung saan natutulog ang aking anak. Nasabi sakin ni Axer na kakaiba ang aking anak.

Kalahating lobo at kalahating bampira. Natawa lang ako nung una dahil sigurado akong tao ang ama ng aking anak. Pero isang healer wolf si Axer at hindi sya nagbibiro.

Ang daming gumugulo sa aking isipan ngayon. Una kung paano naging kalahating bampira anf aking anak at pangalawa sino ang mga bata kanina sa aking isipan?

Hindi ako matatahimik hangga't hindi nasasagot ang aking mga katanungan.

Dahan-dahan akong umupo ako sa gilid ng kama dahil natutulog pa ang aking anak.

Napakaswerte ko dahil napakaganda nya. Pero sabi nila hindi ko sya kamukha. Tsk. Siguro yung tatay nya?

Nasan na kaya sya? Hinanap nya kaya ako? Imposible yun. One night stand ang nangyari at lasing na lasing ako nun.

Masakit isipin na lalaking walang ama ang aking anak. I smiled bitterly.

Maya-maya pa ay nagising na si Vane. Pinadede ko lang sya saka inilabas ng silid. Kailangan nyang makalanghap ng sariwang hangin.

"She needs to stay here. I will protect here." Di ko sinasadyang marinig ang pinag uusapan nila ng mapadaan ako sa library.

"So ano plano mo?" Teka kilala ko yung boses na yun aa. Si.... si ano... yung ano.... tama si Lloyd.

Nasa loob sila ng library at ako naman ay nasa pinto.

"She's my sister at alam mo na yung anak nya ang nasa propesiya." Si Xander yun aa. Saka may kapatid pala sya. "I'll protect them. Alam kong susugod dito ang kampon ni Alejandro."

Sino kaya yung Alejandro? Idinikit ko pa ang tenga ko sa pinto para mas lalong marinig ang pinag uusapan nila.

Alam kong masama tong ginagawa ko pero nakaka curios kasi.

"Alexa anong ginagawa mo dyan?"
"Ay kapatid mo!"
Napatalon ako sa gulat ng may mag-salita sa likuran ko. Shems! Si Axer lang pala. Muntik ko pang mabitawan ang anak ko.

Hinarap ko sya at nag sign ng wag maingay. "Anong nangyayare dito?" Wala na. Bistado na 'ko.

"Hey! I'm asking you what's happening?" Pag-uulit ni Xander.

Eto nag eeavsdrop sa pinag uusapan nyo. Syempre di ko sinabi yun.

"Ah napadaan lang ako tapos nag-uusap kayo. Hindi ko naman narinig. Sige bye."

Litanya ko sabay lakad paalis. Pero hindi pa ako nakakalayo ay hinarang na ako ni Lloyd.

"Defensive? Spill it." Monggo talaga to.

"Huh?"

"Anong narinig mo?" Bigla namang sumeryoso ang mukha nito.

"Ah.... eh.... ih.... oh.... uh...."
Ganun ba kahalaga yun at kailangan walang maka rinig?

"Say it." Psh.

"Narinig ko lang na may kapatid ka tapos kailangan mo syang protektahan." Yun lang naman talaga narinig ko eh. Importante ba yun.

"Tch. I guess I need to tell her. Ingay mo kasing monggo ka ee." Iritang sabi ni Xander mula sa likuran ko.

"Guys nag-eexist pa ako dito." Tawag pansin ni Axer. Andito pa nga pala sya.

"Oh Axer nandito ka pala?" Inosenteng sabi ni Lloyd. Inirapan lang sya ni Axer.

Pumasok kami sa loob ng library at isinarado ito ni Axer. At sinigurado nyang walang makakarinig nito.

**********
So guys here's the update!

Carrying the Vampires Baby Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon