9

9.8K 350 3
                                    

Alexa's POV

Naglakad-lakad ako pero hindi ko alam kung nasan ba ko hanggang sa may narinig akong nagsalita.
''Hoy panget!''  Sigaw ng isang bata sa tingin ko ay babae ito.
''Hmp. bruha.'' Ganti  naman ng isa.
Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses at may nakita akong dalawang bata.
Nasa hardin sila kasama ang iilang babae siguro yaya nila yun. Biglang lumapit ang batang babae sa batang lalaki at kinagat ito sabay tumawa ng malakas. ''Hahahah!''nagulat naman ang batang lalaki kaya hinabol nya ito. ''Bad ka talaga!'' Naghabulan sila sa mga puno at sinundan ko lang sila ng tingin.
Nakakagulat dahil biglang nagbago ang anyo nila. Naging wolfs?!

Nagulantang ako ng biglang may tumawag sakin.
''Alexa!"  Sino yun?! Inikot ko ang paningin ko hanggang sa mapansin ko ang batang babae sa harap ko.

Nakakatakot ang mga ngiti nito. ''H-hello a-anong k-kailangan mo?''
Tanong ko ngunit hindi ito sumagot. Biglang nagbago ang anyo nito at naging isang lalaki.

Ngumise ito na nakakatakot na nagdulot ng pagtaas na balahibo ko sa katawan. Hindi maganda ang kutob ko dito. Kumaripas ako ng takbo sa gitna ng kagubatan kahit na nahihirapan ako dahil sa tiyan ko. Luminga-linga ako baka kasi nasundan ako nun mukha pa naman yung killer. Geez.

''Alexa..... Come here.'' Nagtago ako sa likod ng malaking puno. Gosh!

Tinikom ko lang ang bibig ko dahil baka matunton nya ang pinagtataguan ko. Ano bang kailangan nito sakin?

''Alam kong nandito ka lang! Mahahanap din kita. HAHAHA.''
Kailangan ko na talagang maka-alis dito humakbang na ako paatras ng maapakan ko ang isang sanga at lumikha ito ng tunog. SHEEEEEMS!

Naramdaman kong may tao sa likod kaya napaharap ako dito. Nakatayo ang lalaki sa harapan ko at may hawak itong kutsilyo.
''No..... Please wag mo kong sasaktan. A-a-ano bang k-k-kailangan mo sakin.'' Naramdaman kong tumutulo na ang mga luha ko.

Kunwariy nag-isip ito habang pinag lalaruan ang hawak na kutsilyo.
''Ano nga bang kailangan ko sayo?'' Huminto ito saglit at tumingin sakin. ''Ang anak mo.'' Pagkatapos nyang sabihin yon ay humakbang ito papalapit sakin kaya napaatras ako hanggang sa tumama ang likod ko sa puno.

Mabilis itong sumugod sakin at tinarak ang kutsilyo sa akin puso.

''AHHHHHHH!!!'' Naramdaman kong may dalawang bisig na yumakap sakin. ''Bitawan mo ko!'' Singhal ko dito at niyakap ang tiyan ko.

''Alexa are you okay? You just shouted all of a sudden.'' Napatingin ako nagsalita kaya napahinga ako ng maluwag nang malamang si Grey pala.

Inling ko ang ulo ko. ''It was just a nightmare.'' Ani nya pero hindi pa rin ako tumigil sa pag-iiyak pano kung totoo yun. Huhuhu. Di ko kayang malayo sa baby ko. Naramdaman kong niyakap nya ako at hinilg sa kanyang dibdib dahil dito ay mas lalong lumakas ang iyak ko.

Hinagod nya lang ang likod ko. Ang komportable nito sa pakiramdam. Gumaan na konti ang pakiramdam ko kaya kumalas na ako sa yakap nya. Pakiramdam ko kasi ang lakas ng tibok ng puso ko.

Pinunasan ko ang luha ko at inikot ang paningin sa loob ng silid. Nandito na naman ako.

''Sorry. It was my fault kung bakit ka nawalan ng malay.'' Natungo lang ito sa gilid ng kama. Oo nga pala pinainom ko sya ng dugo ko.
''It's okay. Pinilit lang kita.''

'Grrrrolll' oops! Anu ba yan nakakahiya. Pano ba naman kasi biglang tumunog yung tiyan ko. Napatingin ako sa gawi ni Grey at hayun sya nagpipigil ng tawa. Hmp.

''Anong nakakatawa ha?! Hindi ako yun noh! Sabi ni baby gutom na sya.'' Pagtataray ko dito para pagtakpan ang kahihiyan.

Maya maya ay tumigil na sya sa pagtawa. ''Let's eat!'' Yaya nito kaya sumunod ako. Gutom na talaga ako pati si baby.

Gumawa ako ng sandwich at pinaresan ito ng gatas. Ang sarap naman. Nagawi ang tingin ko sa hawak na kopita ng panget na lalaki sa harapan ko.
Ewan ko ba bigla na lang akong nainis sa pagmumukha nya. Pero gusto ko
yung hawak nya. Ang bango talaga nito.

Napansin nyang nakatitig ako sa hawak nya mukhang masarap to kaya inabot nya to sakin.  Parang may gustong kumawala sakin dahil sa saya.

Inabot ko naman ito pero halos masuka ako ng malaman kung ano yun. BLOODPinikit ko ang mata ko saka inamoy ito bakit ba ang bango nito. itinapat ko ang kopita sa labi ko at dahan dahang ininom ang laman nito.

Shocks! Parang matamis na parang ewan. Straight ko tong ininom, parang may mainit na pakiramdam ang kumakalat sa buong sistema ko. Inilapag ko ang kopita at nagpunas ng labi.

That feels great parang may napuno sa kalooban ko. ''Bakit ganyan ka maka tingin?! Tss. Pangit.'' Naiinis talaga ako sa pag mumukha nya. Grabe kung maka titig.

Inubos ko na ang natitirang sandwich at gatas at naglakad na palabas ng kusina. Nakaka bored naman dito. Teka nga! ''Alam mo sunod ka ng sunod.'' Nakakairita talaga.

''What is wrong with you woman?!'' May pagkairita sa boses nito. ''Eh ewan ko ba naiinis ako sa mukha mo.'' Diretsa kong sabi totoo naman kasi.
''Sa gwapo kong to.'' Ang hangin. Hinarap ko sya at binigyan ng mapanuring tingin.

''Naka aircon ba? Ang hangin kasi.'' Kumunot ang noo nya pero ngumite din sya. Ngiteng nagpahinto ng oras ko. Bigla namang nawala ang ngite nito at bumalik sa paborito nyang poker face.

Inabot ko ang magkabila nyang pisngi at inunat ito pangite. ''Ayan mas bagay sayo.'' Sabi ko na ngingite-ngite pa.  Tinabig nya ang kamay ko atsaka naglakad palayo. 

''Hmp. Nakakainis talaga yang mukha mo. Panget na Sungit!'' Sigaw ko habang papadyak-padyak. Naglakad na ako pabalik ng kusina.
''Ahhhhh~!'' Hinintay ko ang pagbagsak ng katawan ko sa sahig ng kusina pero  mga bisig ni Grey ako bumagsak.

Feeling ko kakapusin ako ng hininga sa sobrang lapit nya sakin. Ramdam ko ang hininga nya sa mukha ko na napaka bango. Ang masculine. Ang mga mata nyang abuhin. At ang mapula nyang labi.

Tinulak ko ang dibdib nya at kumalas na sa yakap. Awkward.
''B-babalik na ako sa kwarto.'' Sabi ko. Tinahak ko na ang daan papunta sa kanyang kwarto. Feeling ko ang layo ata ng kwarto. Whoooo!

Humiga ako sa kama at napa titig sa kisame. Hinimas-himas ko ang aking bolahing tiyan.

~ Somewhere, over the rainbow, way up high
There's a land that I heard of once in a lullaby~

~Somewhere, over the rainbow, skies are blue
And the dreams that you dare to dream really do come true~

Mom used to sing it for me when I was a kid, but I will be a a mother soon. I will try to be a mom that anyone wants.

I continued singing and draws to sleep.

***********
Sorry for the late update.
Naglaba ako mga bes. Haha.
Vote and comment lang kayo.
Nasa #98 po tayo ngayon.

Carrying the Vampires Baby Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon