5

11.3K 361 8
                                    

Iki-kwento ni Professor Sean Scott ang history ng dalawang lahi. Tumikhim sya saglit at nagsimula nang mag-discuss.

''Hindi na lingid sa ating kaalaman na noon pa man ay mortal ng mag-kaaway ang dalawang lahi. Si Lord Vladimir at Alpha  Gabriel ang pruweba nito. Sa mga bampira ay kinikilalang si Lord Vladimir ang pinagsimulan ng mga bampira, nakapag-asawa ito ng isang mortal at di naglaon ay naging bampira din. Nagbunga ang kanilang pagsasama ng dalawang anak sina Claire at James.
Sa paglipas na panahon ay unti-unti na ring dumadami ang mga bampira at tinuring nilang hari si Lord Vladimir. Sa paglaki ng kaharian ng mga bampira ay umusbong din ang lahi ng mga Lobo.''

Huminto sya saglit sa pag-sasalita. At tumingin sakin. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil sa hiya. Nagpatuloy na ulit sya sa pag-sasalita.

''Sa kaharian naman ng mga lobo ay  tinitingala nila bilang Alpha si Gabriel. Mayroon syang iisang anak na Lalaki, si Miguel. Si Miguel ay nakapa-asawa at nagkaroon ng kambal na anak. Babae at Lalake, pero nang magkaroon ng digmaan sa panig ng mga lobo dahil sa pagtatraydor ay sinentasyahan syang mamatay. Simula rin noon ay hindi na muli pang nakita ang kanyang mag-iina na pinaniniwalaang patay na.''

''Kawawa naman si Gabriel.'' Narinig kong may nagsalita sa likuran ko kaya napatingin ako dito. Pero walang tao. Ano ba 'yan nakakakilabot naman. Baka may multo dito. Napayakap ako sa sarili ko dahil feeling ko tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan.

Nakinig na lang ulit ako sa aming Professor. ''Pero isang Propesiya ang babago sa lahat. Ang kapatid ni James na si Claire ay may kakayahang makita ang hinaharap. At sa kanyang panaginip ay may isisilang na sanggol, kalahating bampira at lobo. Na pi-'' hindi na naituloy ni Sir ang kanyang sasabihin ng biglang magbell. Nagsilabasan na ang mga kaklase ko at naiwan ako sa loob.

Biglang kumirot ang tiyan ko kaya napahawak ako dito at hinimas ito. Pakiramdam ko may gustong lumabas sa akin parang pinupunit nito ang tiyan ko sa sobrang sakit.
''Miss Edwards are you okay?" Nag-aalalang tanong sakin ni Sir. Sa sobrang sakit na tiyan ko hindi ko na napansin na nandito pa sya.
Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo at naglakad.

Lalo pang sumakit ang kaloob-looban ko kaya napahawak ako sa kalapit kong mesa. Bumibigat ang paghinga ko at dumidilim na rin ang paningin ko. Naririnig kong tinatawag ako ni Sir Sean pero halos dilim na lang ang nakikita ko hanggang sa nawalan na ako ng lakas.

3rd Person's POV

Napansin ng Propesor ang panghihina ng kanyang estudyante at humihina ang pintig ng puso nito.
Biglang naman itong natumba kaya dali-dali nya itong sinalo.
Agad na nawala sa loob ng classroom ang dalawa at agad na nakarating sa clinic.

Agad na lumabas ng klase si Barbie ng marinig nya na tumunog ang bell. Senyales na tapos na ang klase.

Wala na syang naabutan sa klase nito kundi ang mga kagamitan na nakakalat sa sahig. Naka ramdam sya ng takot dahil baka may masamang nangyari dito.

Hinawakan nya ang panyo na nasa sahig at inalala mula dito kung ani ang nangyari. Nakita nya ang pananakit ng tiyan ni Alexa at biglaang pagtumba nito. At kaagad naman syang binuhat ng guro at naglaho.

Binatawan nya na ang panyo at inayos ang mga gamit na nagkalat at lumabas ng kwarto. Iisa lang ang lugar kung saan nya ito mahahanap. Sa clinic.

Sa isang iglap ay nakarating na sya sa clinic at hinanap ang bagong kaibigan.

Barbie's POV

Sobrang nag-aalala talaga ako sa kanya. She's my new friend. Nakita kong nakahiga sya sa isang kama.

Bakas sa mukha nya ang nararamdamang sakit. Alam kong hindi mortal ang dinadala nya.

At alam ko kung ano sya, kaso hindi nya pa alam kahit sa sarili nya. I can foresee the past even the future if I want to.

Nalaman ko ang tungkol sa nakaraan nya ng yakapin nya ko.
Hindi ko sinasadyang gawin yun, sadyang nag-flash lang ito sa aking isip.
May mga bagay syang kailangan malaman na dapat sya mismo ang maka-tuklas nito.

Hindi nya alam kung anong mundo itong pinasok nya.
And it's really dangerous.

Alexa's POV

Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng malawak na patag. Napaka sariwa ng hangin. Napaka saya.

Naputol ang aking pagsamba sa kalikasan ng mapansin ko ang isang Wolf. Kulay puti ang balahibo nito.

Napaka gandang tingnan pero napaka delikado kung lalapitan. Umabot saking dibdib ang taas nito, ang mga mapupungay nitong mata ay nagsasabing isa itong babae.

Maya maya pa ay nagsalita ito na ikinabigla ko. ''Alexa maghanda ka sa nalalapit mong kaarawan.'' Hindi pa rin maalis sa isip ko na nakakapag salita ito.

''B-b-bakit s-sino ka ba? A-atsaka na s-san ako?'' Halos mautal-utal na ako sa sobrang kaba.

''Wag kang matakot, hindi ako kaaway. Pero babalaan kita ang tunay mong kaaway ay nasa paligid mo lang. Pag gising mo mag-iingat ka.'' Nagtataka man ay pilit kong inintindi ang mga sinabi nya.

Narinig kong may tumatawag sa pangalan ko kaya naman hinanap ko ito.
''Alexa.''
''Uy! Alexa.''

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at napatingin sa babaeng nasa tabi ko ngayon na bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.

''Ano bang nangyari sa'yo? Masyado akong nag-alala.'' Nag-aalalang tanong nya sakin.
''Hindi ko nga alam eh. Basta sumakit yung tiyan ko. And history......''
Paliwanag ko.

''Ganun ba? Ipapalipat na lang kita sa room ko. Pwede naman yun para lagi kitang kasama.'' Nakangiti nyang sabi. Napaka bait nya. Sobra sya kung mag-alala para sa isang bagong kaibigan.

''Salamat. Nag-alala ka pa sakin.'' Umupo ako at kinurot ang pisngi nya. Hehe.

Parang walang masamang nangyari dahil sa tawanan namin.
Sabi ng nurse na pwede na akong lumabas kaya hinatid ako ni Barbie sa dorm ko and we bid our goodbyes.

***********

sa mga hindi nabasa tong chapter 5 guys sorry. nagloko po yung wattpad dahil nung chineck ko ay published naman ang part na to. songrayeon thanks napansin mo :) 

Carrying the Vampires Baby Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon