4

12.9K 410 10
                                    

Kumakain ako ng dinner ngayon dahil after an hour my class starts. Anyways...... This past few days I feel weak. Malakas naman akong kumain, normal na tulog, siguro dahil kulang ako sa exercise. Tsaka ang putla ko na. Nagpunta na ako sa lababo at hinugasan yung pinagkainan ko sabay toothbrush. 

tinitigan ko ang sarili ko sa isang full length mirror. Ang ganda ng uniform, black na mini skirt at necktie, white suit na may black outlines at white sleeves sa loob. Nakaka-attract ang dating. napadako naman ang tingin ko sa aking tiyan. kapansin-pansin ang mabilis na paglaki nito. nakakapagtaka lang dahil mag-tatatlong buwan pa lang naman ang tiyan ko.

Kinuha ko na ang school bag ko. Ang sosyal talaga dito. Sila pa ang nagsu-supply ng mga gamit mga estudyante.

Lumabas na ako ng dorm at pumunta sa elevator at pinindot ang ground floor button. Maya-maya pa ay bumukas na ito. May iilang estudyante sa loob kaya ngumiti ako at pumasok pero masamang tingin lang ipinukol nila sakin. 
Bad mood lang siguro sila.

Nakalabas na ako ng building ng dorm namin atsaka ko lang naalala na hindi ko pala alam kung saan ang room ko. Haysss.  Naisipan kong mag-lakad-lakad muna dahil maya-maya pa naman ang simula ng klase.

Sa laki nitong school ay para na itong isang village na maunlad. May mall, restaurants, naglalakihang dorms na parang condo, activity areas halos lahat ata meron dito. Richkid din ang mga estudyante.

Ang ganda tignan ng paligid dahil buhay na buhay ang mga makukulay na ilaw sa gabi samantalang pag-umaga halos ako lang yata ang tao. Hmp. Nocturnal nga sila.

Naupo ako sa isang bench na may malaking puno sa likod. Bigla akong nakarinig ng umiiyak na babae. Anu ba 'yan? Dito pa na piling mag-emote. Mas lalo pang lumakas ang hagulhol nito. Pero dahil nga mabait ako hinanap ko kung saan ng gagaling ang iyak.

Dinala ako nito sa likod ng puno pero wala namang tao. Hala baka may multo. Biglang may umiyak ulit. This time tiningnan ko ang itaas ng puno at nakita doon ang isang babae na umiiyak. Natatakpan ng mahahaba nyang buhok ang kanyang mukha at naka uniform din sya tulad ko.

''Miss ayos ka lang? Baka malaglag ka dyan ha.'' Huminto sya saglit sa kanyang pag-iyak at tumingin sakin. ''Whaaaaa! Huhuhu.'' Ngumangawa na sya ngayon.
''Hala teh! Anyare sayo?!'' Alala kong tanong sakanya. Malaki ata problema nito.  Tinitigan ko sya saglit atsaka nagsalita. ''Alam mo teh. Gusto sana kitang akyatin dyan at patahanin, kaso BUNTIS ako eh.'' I said emphasizing the word buntis.
Tumingin sya sakin na nangla-lake ang mata.

Pinunasan nya ang luha nya at tumalon mula sa puno ng walang kahirap-hirap. Nakatayo sya sa harap ko ngayon at ang ganda nya. Long brown hair na medyo curl at mapula-pulang mata na medyo malaki. Mukha syang manika dahil sa pagkaputi nya, hindi rin sya maliit hindi rin matangkad sakto lang kumbaga. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya kinurot ko ang pisngi nya.

''Ouch! Masakit ha! Hindi naman tayo close ah.'' Ay oo nga pala. Hehe. Binitawan ko na ang pisngi nya at nag-pakilala sa kanya. ''Alexa Edwards. newbie.'' Naka- ngiti kong sabi. She smiled back at me. ''Barbara Collins. Barbie for short.'' Ang cute ng name nya bagay sa kanya. I pinched her cheeks again and it turned red.

''So bakit ka umiiyak?'' Tanong ko at inaya syang umupo dun sa bench na inuupuan ko kanina.
''May girlfriend na yung crush ko.'' Maiyak-iyak nyang sabi. Masakit nga yun. She feel betrayed kahit hindi.
''Okay lang yun. Minsan talaga nangyayari yan sa buhay.'' I try to give an advice kahit ako sa sarili ko sobra pa ring nasasaktan. Hindi dahil sa taong nagpatibok ng puso ko kundi sa Mom ko, who pushed me away.
''Uy! Wag kang umiyak. Pero thank you dinamayan mo 'ko.'' Napahawak ako sa pisngi ko. Lumuluha na pala ako.
I just made an excuse. ''Masarap kasi sa pakiramdam kapag may karamay.'' Biglang tumunog naman ang bell.
''Start na ng klase. San ang room mo?'' Tanong nya at tumayo na. Actually hindi ko rin alam. Hindi sinabi sa kin nung Principal.

''Well then, ihahatid na lang kita.'' Sabi nya na parang nababasa ang iniisip ko. ''Naku wa-'' she cut of my words and grab my hand. Napatayo na lang ako at nagpahila sakanya.

Stares.

Deadly Stares.

Pinagtitinginan na naman ako ng mga tao. When will they stop judging me.
''Wag mo silang pansinin Alexa. They know nothing.'' I heard my name kaya napalingon ako para hanapin kung saan galing ang boses. Pero to my disapointment wala nga palang ibang nakaka kilala sakin dito. Sino kaya yun?

''Hey! Alexa are you alright.'' Ikinaway ni Barbie ang palad nya sa harap ko. ''I'm fine. May narinig ka bang tumawag sakin?'' Kumunot naman ang noo nya.
''Wala naman. Tara na late na tayo.'' At nag-simula na ulit kaming maglakad habang hila pa rin nya ang kamay ko.

''Uhm. Barbie pano mo pala malalaman yung room ko?'' Tanong ko sa kanya. ''Since newbie ka dito iisa lang ang room na pwede mong puntahan.'' Napatango ako sa sinabi nya. Ganun pala yun.

Ilang liko ang ginawa namin bago makarating sa classroom. Grabe maliligaw ata ako nito bukas sa laki ba naman ng school.

Huminto kami sa isang pinto at humarap sya sakin. ''Friends na tayo.'' Inabot nya ang pinky finger ko at ininter-twined ito sa kanya. ''Friends.'' Sagot ko. May inilabas sya mula sa bag nya at binigay ito sakin. Isang Gold bracelet na may heart sa gitna na puno ng maliliit at makikintab na diamonds.
Napaka thoughtful nya. Sana may maibigay din ako sa kanya.
''Naku kahit wag na.'' Nai voice out ko ba yun?
''Basta wag na wag mo yang tatanggalin kahit nasa loob ka ng dorm mo lalo na kapag lalabas ka.'' Isinuot nya na sakin ang bracelet. ''Thank you Barbie.'' I hugged her. She's my first friend here.

''Hala late kana talaga.'' Oo nga pala. Kumatok sya ng tatlong beses sa pintong nasa harap namin. Bumukas ito at bumungad ang maingay na klase at isang Guro na..... Napaka bata?at mala adonis? Naunang pumasok sa loob si Barbie at napatingin ang lahat sa kanya at tumahimik ang loob ng klase samantalang ako naka sunod lang sa kanya. Kapansin pansin ang pagiging maputla nila. Kulang ba sila sa sikat ng araw?

''Magandang Gabi Prinsesa!'' Bati ng guro kay Barbie. At Prinsesa pa talaga tawag sa kanya. Naks!
''Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?'' Tanong ng guro at sumulyap saglit sa akin. Napaka pormal naman nya. Pero infairness kung sya ang teacher gaganahan kang mag-aral. Napangite ako sa aking isip.

''Kaibigan ko sya at bago lang sya dito kaya paki ingatan sya.'' Pagpapakilala sa akin ni Barb.  Nag-simulang magbulong-bulungan ang mga estudyante.

''Silence!'' Sigaw ng guro.  Nanahimik naman ang mga kapwa ko estudyante. ''Masusunod Prinsesa.'' Nagbow si Sir kay Barbie. Kaya kinalabit ko tong babaeng toh. ''Anong ginagawa nya?'' Bulong ko sa kanya.
''Respect.'' Nakangiting bulong nya sakin. Napatango na lang ako kahit naguguluhan pa rin.

Umalis na si Barbie at nagpakilala na ako sa king mga kaklase.
''Alexa Edwards.'' Maiksi kong pakilala.
Matapos kong magpakilala ay naghanap ako ng bakanteng upuan. Nakita ko ang isang bakanteng upuan sa may likuran at nagtungo doon. Inilapag ko ang mga gamit ko at naupo.
Ang interesting ng lesson dahil history ng vampires at wolfs ang lesson.

*************
Cliff hanger konti......... :)
Keep supporting. Vote and comment. :)

Carrying the Vampires Baby Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon