12

8.4K 310 14
                                    

Barbie's POV
Gusto kong patayin ang mga bruhang gumawa nito kay Alexa. This is too much. Pano na lang kung nalaglag yung pamangkin ko?! I'm worried sick.

Agad kong dinala dito sa clinic si Alexa buti na lang at palaging nandito ang mga nurse. Sa ngayon ay medyo huminto na ang pagdudugo nya pero wala pa rin syang malay. I'm really worried for her.

Those bitches! I'll make them pay.
''Hayaan mo lang magpahinga ang Kaibigan mo. Pero wag na sanang maulit ito,~'' huminga saglit ang nurse at tumingin ng seryoso sakin.
''Baka tuluyan ng malaglag ang bata sa kanyang sinapupunan.'' Litanya nito at naglakdad na paalis.

''Baka tuluyan ng malaglag ang bata sa kanyang sinapupunan.''
''Baka tuluyan ng malaglag ang bata sa kanyang sinapupunan.''
''Baka tuluyan ng malaglag ang bata sa kanyang sinapupunan.''

Parang sirang plaka na paulit ulit ang sinabi ng nurse sa aking isip.
Hindi pwedeng mangyari yun. Paano na ang propesiya?

Dinala ko si Alexa sa unit nya ayokong malaman ni kuya ang tungkol dito, siguradong magwawala yun. Hmp. Sasarilihin ko muna to.

Hinayaan ko munang magpahinga sya sa kwarto nya.

'A trespasser, seeking vengeance.' Biglang nag flash sa aking paningin ang imahe ng isang lalake. Hindi namin sya kauri sigurado ako ron.

Agad akong lumabas ng unit at tinungo ang lugar kung nasaan ang lalaki.
May kalayuan ito mula sa sentro ng paaralan.

Nagtago ako sa isang malaking puno at ikinubli ang aking presensya.
Warning! Overheat!
Gosh bes! Topless. Ang hot nung abs may kasama pang yummy looks.
Uy! Barbie tandaan trespasser yan huy! Ay pabidang konsensya!

Anyways.... Minamanmanan ko lang ang bawat kilos nya. Para syang may hinahanap.

Anu yun? Ba't parang ang baho? Amoy maasim na ewan.
"Ahhh~ ahhhh~ aaaaachhhhoooo!" Oops. Paktay ka diha.

Parang nagulat ko yata sya este nagulat pala talaga sya. Kaya nabaling ang tingin nya sakin.

''Ah hehe. Sorry tuloy mo lang ginagawa mo. Achoooo!~" ay buset! Anong amoy ba yun?

Masamang tingin lang ang ipinukol nito sakin. Tsk. Taray! Tinarayan ko rin sya. Hindi ako patalo noh! ''Look Miss, I'm busy just get lost!'' Ay aba aba.
''Hoy pangit na lobo! Ikaw kaya ang umalis. Ubod ng yabang tsk!'' Ganti ko dito.

Nag-igting naman ang panga nito, napikon ata? Biglang nagbago ang anyo nito naging isang malaking wolf ito. Hindi ako natinag sa aking kinakatayuan at nakipagtitigan lang sa kanya.

Hindi ako takot sa tulad nya noh? Para saan pa ang pagiging prinsesa ko?
Dahan-dahan itong lumapit sakin. ''Oy! Dyan ka lang sige pag lumapit ka sisigaw ako.

Pero parang wala itong narinig at patuloy lang ito sa paglapit. Aba! Sinisubukan ako nito ah! Lumapit pa sya at akmang sisigaw na ako pero biglang nagbago ang anyo nito at tinakpan ang bibig ko.

''Sige pag sumigaw ka hahalikan kita.'' Ewww. Takot ko noh! Tinaas ko ang kamay ko kaya naman binaba na rin nya ang kamay nya. Ano sya chix? Agad kong sinipa ang pagka lalake nya kaya mas lalo syang nainis at chance ko nang sumigaw.

Bumwelo ako para medyo malakas 1.... 2.... 3....
''Ahhhmp~'' halos maduling ako sa ginawa nya, ang maganda kong labi ay taken na. Huhuhu. Ubod lakas ko syang tinulak at lumayo sa kanya. Pero ang mokong wagas ang ngiti.

''Langya ka! Aware ka ba kung ano ang ninakaw mo sakin?'' Singhal ko sa kanya.

''A kiss?'' Nagawa nya pang mang-asar. Sipsipin ko kaya dugo nito pero wag na lang kasi galing sa kanya.

''Buset! First kiss ko yun. Huhuhu. Buset! Wag ka nang bumalik dito kundi isusumbong na kita sa kuya ko. Buset ka talaga!" Sigaw ko at padabog na umalis.

Makita lang kita ulit, siguradong magiging abo ka!

**********
Dalawang chapters yung inupdate ko ngayon. :)
Sorry kung may mga typos and wrong grammars. Sorry din kung hindi agad ako nakakapag update sinisingit ko lang kasi ang pagsusulat. Sana maintindihan nyo.
By the way nasa 500+ reads na tayo. Salamat sa suporta. Tuloy-tuloy lang.

Carrying the Vampires Baby Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon