20

6.5K 227 31
                                    

Alexa's POV

"Alagaan at mahalin mo siya Georgia." Usal ng isang babae kay mom. Hindi ko maaninag ang mukha nya. Blurry ang imahe nya.

"Oo naman Margarette. Kaibigan kita ee. Ako na ang bahala wag kang mag-alala. Mag-iingat ka Marga." Ani Mommy sa babae atsaka niyakap ito.

Kumalas sila sa pagkakayakap saka lumuhod sa harap ko ang babae at tinitigan ako sa mata.
"Mag-iingat ka. Tandaan mo mahal kita..... namin...."

Napabalikwas ako ng maramdamang may yumuyugyog sa akin. "Hoooo! Akala ko di kana gigising. " si Barbie lang pala.

Teka nasan ako. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Pamilyar sa akin ang lugar na ito. Nasa sasakyan lang ako kanina tapos........ nasa kwarto na ako ngayon. Bilis aa.

Dito ako dinala ni Barbie nung hinimatay ako.

"Si Vanellope? Yung baby ko?" Ngumiti ng nakakaloko si Barbie.

"Nasa asa- este kay kuya."  Tumayo na ako sa kama at lumabas na ng kwarto.

"Uy san ka pupunta?" -Barbie

"Kukunin yung anak ko. Gabi na kasi baka mahamugan."
Hinila nya ko at huminto kami sa tapat ng isang pinto.

Binigyan ko sya ng anong-gagawin-natin-dito look.

"Kumatok ka na lang nanjan yung anak mo. Kay?" I did what she said.

"Come in." Dahan-dahan kong inikot ang knob then pumasok na sa loob.

Isa itong opisina.

Isang naka ngiting Grey ang naabutan ko. Nasa bisig nya ang anak ko na mukhang natutuwa din.
Nakaupo sya sa couch habang manghang-manghang tinitignan si Vane.

Tumikhim ako para makuha ang atensyon nya. Tiningnan nya lang ako saglit at ibinalik na ang paningin sa anak ko.

"Nandito na pala ang mom mo." Lumapit ako sa kanila at naupo sa tabi ni Grey. Inilipat nya naman sakin si Vane.

Henele ko sya saglit. "Kamusta na baby? Gutom ka na ba? Namiss ka ni mommy." Kausap ko sa aking anak na para bang naiintindihan ako nito.

Ngumiti lang ito.

"Hay naku! Kung nakikita lang talaga ang mga tulad namin sa picture, kanina ko pa kayo pinicturan." Mungkahi ni Barbie. Binigyan ko sya ng nagtatakang mukha ngunit nag kibit balikat lang ito.

"Daddy! You're back." Isang napaka gandang bata ang tumatakbong pumasok sa loob ng opisina. Agad itong sumampa sa binti ni Grey.

Teka! Ano daw?? D-daddy?

Ewan ko pero parang biglang sumikip ang dibdib ko.

"Dad I really missed you!" Malambing na sabi nung bata saka tiningnan ako.

"Dad who is she?" Tanong nito.

"She's a-- friend." Ngumiti ako dun sa bata.

"Hi! Miss, oh is that your baby? What's her name? Can I kiss her?" Jusko dami namang tanong ng batang to.

"Yeah she's my baby. She's Vanellope. You can kiss her." Nag ning ning ang mga mata nya sa sinabi ko.

Naupo sya sa tabi ko then tinitigan si Vane.
"Oh hi there li'l princess. I'm Judy short for Judea." Pakilala nya saka hinalikan ito sa noo.

Ito namang anak ko tuwang-tuwa.
"Nice meeting you too. And you're pretty." Eh? Anu daw? 'Nice meeting you too?' 

Ang gandang bata sana... tsk. Joke. Sabagay kid language.

"You know dad. Vane say's she's happy." Huminto sya saglit "Because she sees the both of you together."

Nakakatuwa naman tong batang to. Buti na lang hindi namana yung kasungitan ng tatay nya. Oooops! (^^ )V

"Saying something?" Seryosong sabi ni Grey.
"Uy f-feeler ka! M-may narinig ka bang sinabi ko? Wala n-naman diba?" Ba't ba 'ko nauutal?

Yumakap sa akin ang maliliit na bisig ni Judy sa bewang ko.

"I remember my mom. I miss her so much, even my dad." Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi nya. Niyakap ko rin sya pabalik gamit ang kanang braso ko.

"Grabe ka naman Grey! Hindi mo ba inaalagaan tong anak mo. Tingnan mo naman sya ngayon." Oo na mababaw na ang luha ko. Pero kasi naman natouched lang ako kay Judy.

"Can I play with Vane po? Hala why are you crying?" Nag-aalalang tanong sakin ni Vane.

"B-because,"  hala anong sasabihin ko.
"Of course you can play with her. I'm not crying, napuwing lang ako."

"Lies." Tinignan ko ng masama tong lalaking nasa gilid ni Judy.

"At least mabait sa bata."

Tumayo na ako at akmang lalabas ng ng opisina ng pinigilan ako ni Grey.

"You can sleep on the guest room." Tumango na lang ako. Pagod na rin talaga ako at gusto ko ng magpahinga.

"Let's play po tomorrow." Tumango na ako at sinundan na si Barbie papunta sa kwartong sinasabi ni Grey.

Carrying the Vampires Baby Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon