13

8.7K 312 0
                                    

''Ba't naka busangot ka?! Anong nangyari?" Yan agad ang salubong ko sa bagong dating na si Barbie.

''Wag mo nang alamin bes. Naiistress talaga ako.'' Ngawa nya.
''Ay bad! Nagsesecret.'' Pangongonsensya ko sa kanya. Actually okay lang naman kahit hindi nya sabihin. Napa nguso na lang sya.

''Basta secret! Anyway kamusta na pakiramdam mo?" Tanong nya.
''Ayos na ko.'' Maikli kong sagot. Ang totoo nyan ay dama ko pa rin ang takot.

Paano na lang kung nawala ng tuluyan ang anak ko. ''Barbie.'' Mahinang tawag ko sa kanya. ''Ano?" Pataray nyang tanong. Napanguso lang ako sa inasal nya.

''Ay taray! Lapit ka nga dito. Na miss kita.'' Paglalambing ko. Sus. Nag-iinarte pa. Maya-maya ay lumapit din sya sakin.

''Bakit ba? Ha?"

"Pasyal mo ko please. Nabo bored nako dito.'' Nag puppy eyes pa ko.
''Oooh! Sige na nga pero pwede ba maligo ka muna, medyo amoy na kasi bes.'' I just give her the -ay ganun- look. Kaya bahagya syang natawa.

''Fine ito na po.'' Tumayo na ako sa kama at dumiretso na sa banyo.

***
Isang simpleng black floral dress lang ang suot ko at white flats.
''Hay nako! Absent tuloy tayo ngayon.'' Ngawa ng magandang babae dito sa tabi ko.
''Sorry ha? Kasalanan ko to eh!" Naluluha na naman ako.
''Uy! Wag kang umiyak yari ako nito kay Big Bro.'' Lalo pa akong napa hagulhol ng hagudin nya ang likod ko. Kasalanan ko talaga to kung bakit hindi sya naka pasok.

''Uy tigil na kase. Sumbong kita kay kuya. Diba crush mo yun?" Napatigil ako sa sinabe nya.
''Ano? Whaaaa. Bad ka talaga.'' Padabog akong umalis at iniwan sya. Crush daw? Che!

Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa mapadpad ako sa isang clearing. Napakatahimik dito at napakalamig ng hangin.

'Growl!'
'Ay! Ano ba Zhacky? Kagulat ha!' Saway ko sa aking she wolf.
'Eh shunga ka kasi! Feeling ko delikado dito. Bruha.'
'Ay ganun?' Kailangan kong makaalis dito mukhang delikado nga.

Luminga-linga ako sa paligid, napadako ang aking tingin sa pigura ng isang lalake na nakatayo sa likod ng isang malaking puno. I mentally slap my face. Gano ba ko ka tanga??!

'Eh baka naman nakikitambay lang yan Zhacky. Napaka nega mo kase.'
'Sira ka ba??! Mas mataas yung pandama ko kesa sayo noh!'
'Meow! Whatever? Bahala ka dyan. Lalapitan ko sya.'

So as I said lumapit ako dun sa lalake. Maingat akong naglakad palapit sa kanya kase naman mukha syang nag eemo. Baka may ma advice ako you know! Hehe.

''Psst! Kuyang emo ayos ka lang?" Tanong ko sa lalake nang medyo makalapit na ako sa kanya. Hindi ito sumagot bagkus ay hinarap lang ako at tinignan.

'Alexa familiar sya. Parang may something eh.'
'Sus type mo lang ata sya bes eh.'
'Bruha hindi! Nagsasabi ako ng totoo noh! Alam mo napaka purol na utak mo!'
'Ay grabe sya oh! Nakaka hurt ng feelings!'

''Ehem! Ayos ka lang ba kuya emo?" Pag-uulit ko na tanong pano ba naman kase hindi sumasagot.
''A-ayos lang ako. I'm Xander.''

Carrying the Vampires Baby Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon