1

25.9K 634 23
                                    

Dalawang buwan na ang nakakalipas simula ng mangyari ang pagpapalayas sakin. At tatlong buwan na rin ang tiyan ko at medyo halata na rin ang baby bump ko.

Sabado ngayon at day-off ko sa pinapasukan kong part-time job. Maliit lang sweldo pero sapat na sakin dahil libre naman ang tinitirahan kong bahay. This unit is owned by my friend, she's in France kaya naman dito nya ako pinatira.

By the way I'm Alexa Edwards. 17 years young. My FORMER family owns a chain of hospitals. Yeah. Emphasizing FORMER.
Since sabi ni Mom 'kalimutan mo na naging anak kita.'

Ang hirap magbuntis lalo na kapag mag-isa ka lang, dapat kasama ko si Mom ngayon. Napahawak ako sa tiyan ko.  ''San na kaya Daddy mo?'' Iniisip kaya ako nun? Sabagay ano bang aasahan ko sa One Night Stand.

This past months nakakaramdam ako ng panghihina, hindi ko alam natural lang siguro yun sa buntis. Tsk. Anyways nakaka bored dito sa condo. Atsaka parang ang sarap kumain ng strawberry. Yum!

The thought of strawberry makes me hungry.

Naligo lang ako ng mabilis at sinout ang kulay pink na above the knee dress, syempre kahit buntis ako dalaga pa rin ako noh.

Tuwing lumalabas ako ng unit ko papuntang lobby ay hindi mawala ang tingin ng mga tao na naiinis o kaya naman nanghihinayang. Makapang judge naman sila kala mo perpekto.

Medyo madilim na pero marami pa ring tao sa labas.
Pumara ako ng taxi at nag pahatid sa isang grocery store.
Kumuha na ako ng cart at naghanap ng frozen strawberries. Ang daming couples dito sa loob. Nakakainggit sila. Huhu. Sana ganyan din ako.

Anyways tigilan  na nga natin to lalo lang akong maiinggit. Hindi ko na sila pinansin at dumiretso na sa fruit section. Hmmm. Fresh strawberries. Kukunin ko na sana ng maunahan ako ng isang lalake. Last na lang pa naman yun. Papaalis na dapat sya kaya kinalabit ko to.

Tumigil sya at humarap sakin. ''What? Look miss. I don't have time to flirt.'' Cold nyang sabi. Wow lang ha? Ang kapal ng mukha. Teka mukha syang familiar. Parang nakita ko na sya somewhere.

Tinaasan ko sya ng kilay. ''Excuse me?! Ako rin walang time maki pagflirt.'' Sarcastic kong sabi sa kanya. ''Kaya pwede ba ibigay mo na sakin yang strawberry.'' Sabi ko habang naka nguso sa strawberry.

Sya naman ang nagtaas ng kilay. ''Ako nauna maghanap ka na lang.'' Ang taray nito. May PMS ba 'to. Hindi rin gentle man. ''Eh gusto ko yan. Ibigay mo na kase.'' Pagmamatigas ko sa kanya. Magwawalk-out na dapat sya kaya hinila ko ang ilalim ng t-shirt nya.

Pinag-titinginan na kami ng ibang customers.
''Ano ba miss? You're wasting my time.'' Nararamdaman kong nag-iinit na ang gilid ng mata ko. Naiiyak na ako, hirap talaga pag-buntis ang emotional. Nilapitan na kami ng isang saleslady.

''May problema po ba tayo?"
''Kasi naman ate ayaw nyang ibigay yung strawberry sakin.'' Naiiyak kong sabi dun sa saleslady.
''Ikukuha ko na lang po kayo ng bago.''
''Ayoko, yan kase gusto ng baby ko.'' Sabi ko sabay hawak sa tiyan ko. Mukhang bored na yung lalake sa harap ko. Napatingin naman sya sa tiyan ko, ngayon nya lang siguro napansin. Hmp.
''Look, I really need to go miss.'' Naiirita na sya sakin.
''Hindi kita bibitawan hangga't di mo binibigay sakin yung strawberry.'' Umiiyak na ko kunware.

Nagbulong-bulongan na rin ang mga tao sa paligid.
''Anu ba yan? Hindi pinagbibigyan ang buntis.'' Customer 1.
''Ibigay mo na yan pare. Baka makaanak pa yan ng wala sa oras. Haha.'' Customer 2.

He sighed in defeat. Kaya napilitan syang ibigay sakin ang strawberries. Binitawan ko na sya at inabot ang strawberries. Nagningning naman ang paningin ko. Umalis na rin sya harapan ko. Ibibigay din pala pakipot pa. Nilagay ko na sa cart ko ang strawberries at namili na ng chocolate biscuits, fresh milk, stick-o at NUTELLA!

Ng mabili ko na ang mga kelangan ko ay pumunta na ako sa counter at nagbayad na.

Pumara na ako ng taxi at sinabi ang address.

Pagdating ko sa unit ay inayos ko na agad ang mga pinamili ko at nilantakan ang strawberry. Napansin ko ang kulay red na flyer sa center table. San galing toh? Wala to dito kanina e.
Kinuha ko ito at binasa.

DARK HILL UNIVERSITY
√ FREE SCHOLARSHIP
√ FREE BOARDING
√ 50K MONTHLY ALLOWANCE

CALL: 09XXXXXXXXX

yan ang nakasulat sa flyer. Hmmmm. Nag-stop ako ng pag-aaral dahil hindi ko mapagsabay ang pag-aaral at pagtatrabaho.

Libreng tirahan, scholarship at may allowance pa. Ang laki nun. Para na rin sa future ng baby ko. Atsaka hindi ko na kelangan magtrabaho para kumita ng pera.

Tinawagan ko kaagad ang number na nakalagay sa papel.

''Uhm. Hello po! Ito ba yung Dark Hill University? Kelan ang enrollment?'' Kaagad na tanong ko.
''Anytime miss.'' Sa lamig ng boses parang galing sa ilalim ng lupa to.
''San ba yung address nyo?''
''Susunduin kayo ng aming school guards at enrolled kana agad pagpasok mo.'' Hindi nya sinagot yung tanong ko.husay.
''Ganun kabilis? Sige bukas agad-agad. At available pa ba yung scholarship?'' Paninigurado ko. Baka mamaya kasi joke time lang yun. Edi nganga ako.
''Yes miss.'' Napag-usapan din namin na bukas ng gabi ako susunduin. Seryoso sila gabi. Binigay ko na rin ang address ko para alam nila kung saan ako naka tira. Ano kaya ang magiging buhay ko dun? Lalo na buntis ako.  Nilagay ko na sa kusina ang pinagkainan ko at dumiretso na sa kwarto para mag-impake ng mga gamit ko.

******
Linggo na ngayon at heto ako nanood ng Vampire Diaries sa tv. Lagi ko talaga tong inaabangan. Napaglilihian ko ata to. Whiiiiieeee. Baka mamaya maging bampira ang anak ko. Hehe.

Mamaya na ako susunduin ng mga magdadala sa akin sa school na yun. Nakapag-paalam na rin ako sa kaibigan kong may ari nitong unit at hindi naman sya tutol sa plano ko. Kesho daw sayang naman kung hindi ako makapag tapos ng pag-aaral.

Tumayo ako at dumiretso sa kusina. Kinuha ko yung nutella sa ref at yung stick-o pagkatapos bumalik na akosa sala.

Binuksan ko yung lalagyan ng stick-o at kumuha ng isa sabay sawsaw dun sa nutella. Yum! Sarap talaga ng combo na to.

Halos maubos ko na yung stick-o. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng baso biglang Kumikirot ang tiyan ko. Napahawak ako dito at hinimas. ''Baby wag kang malikot. Nasasaktan si mommy.'' Kausap ko sa king tiyan. Pero mas lalong kumirot ang tiyan ko kaya nabitawan ko ang baso. At nabasag ito.
May mainit na likido ang lumabas sa aking paa. Pagtingin ko dito ay umaagos ang aking dugo.
Mas lalong naghilab ang tiyan ko at nahihilo na rin ako kaya napahawak ako sa may sink.
Then everything went black.

*********************
Please do VOTE and COMMENT people. (^_^)

Carrying the Vampires Baby Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon