Chapter 4- Sa Canteen

12 2 0
                                    

 Chapter 4

《Sa Canteen》

Diyan sa lugar na yan, una kong naramdaman na mapansin mo. Diyan sa lugar na yan, napatunayan kong gusto na talaga kita.

Naglalakad ako kanina papuntang canteen. At gaya ng dati, mag-isa lang ako. Hindi ko naman talaga hobby ang makisalamuha sa iba . Mas gusto ko yung mag-isa lang ako. Pumila na ako para bumili ng pagkain ko, mahaba ang pila kaya medyo natagalan ako. Hindi ko rin maikakailang gutom na talaga ko. At pagdating ko doon sa counter ay wala na akong naabutan. Nasa dulo kasi ako, maraming estudyante sa school natin kaya hindi malabong maubusan ako ng pagkain.

Lalabas na sana ako ng bigla mo akong tawagin. "Scarce" Banggit mo sa pangalan ko, hindi ko alam kung paano mo ako napansin gayong napakaraming tao sa loob ng canteen. Pero gayun pa man, ikinatuwa ko iyon. Nilingon kita at laking gulat ko ng papunta ka kung saan ako naroroon. Hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko ay tumigil ang buong paligid ko, at ikaw lang ang tanging nakikita ko.

Nang makalapit ka sakin ay sinabi mong, "Alam kong gutom ka na, kaya sayo na lang yung pagkain ko." Hindi pa rin ako makapagsalita. Pagkalipas kasi ng halos anim na buwan ay ngayon mo lang ulit ako kinausap. Diba't ang una nating pag-uusap ay yung sa Club conference? At ngayon lang ulit iyon naulit. Pakiramdam ko ay umurong yung dila ko. Nakatingin lang ako sayo, at ikaw naman ay naghihintay ng isasagot ko.

"Anong nangyari sayo? Bakit hindi ka sumasagot." Seryosong tanong mo. Nahalata mo na pala, nahihiya tuloy ako. Pinilit kong ibuka yung bibig ko at makapaglabas ng kahit konting salita. "Ahh, w-wala. Gutom lang siguro." At ngumiti ako ng bahagya para matakpan ang nakakahiya kong reaksiyon. "Sabi ko na nga ba gutom ka na. Tara na, doon yung table namin ng mga kaibigan ko." Hindi ko alam kung anong espirito ang sumapi sa akin at sumunod ako sayo.

Pagkadating natin doon sa table niyo ay nginitian ako ng mga kaibigan mo. May dalawa kayong kasamang babae, at mukha naman silang mabait dahil nginitian din nila ako. Itinanong pa nga nung isa kung ano ang pangalan ko, at ikaw ang sumagot para sa akin. "Scarce ang pangalan niya, nakilala ko siya sa Arts Club." Pagpapakilala mo sa akin. At pinaupo mo na ako. Sobra pala yung pagkain na binili mo kaya ibinigay mo yung iba sa akin.

Masaya kayong kasama dahil hindi ko naramdaman na hindi ako belong sa group niyo. Ipinaramdam niyo sa akin na kasama niyo rin ako. Dahil dun ay naging masaya ako. Hindi mo alam kung paano mo ako napasaya. Maraming salamat talaga sayo.

Dear RuineioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon