Chapter 7-Unang araw ng Pag-train ko Sa'yo

7 2 0
                                    

Chapter 7

《Unang araw ng Pagt-train ko Sa'yo》

Kinakabahan ako, pakiramdam ko sasabog na yung dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Habang palapit ako sa Arts Room kung saan kita tuturuan ay mas lalo akong kinakabahan. Nanlalamig na rin yung mga kamay ko, at pinagpapawisan na rin ako ng malamig. Ano ba naman yan.

Kumatok na ako sa pintuan, kahit na kinakabahan ako ay ipanag walang bahala ko ito. Para naman sa iyo itong gagawin ko. Binuksan mo ang pintuan tsaka mo ako nginitian. Isang ngiting nakapagpawala ng lahat ng kabang nararamdaman ko. Isang ngiti mo lang talaga ay ayos na ako.

"Tara na?" Pagyaya mo sa akin. Tumango lang ako bilang senyales ng pagsang-ayon ko. Umupo tayo sa isang table, tayo lang pala ang tao. Huminga ako ng malalim, tsaka ako nagsalita. "Sino ba ang inspirasyon mo?" Tanong ko sayo, ngumiti ka ng bahagya bago ka sumagot. "Inspirasyon, siguro ikaw."

Seryoso mong sagot, napatingin ako bigla sa mga mata mo at laking gulat ko ng nakatitig ka pala sa akin. Nailang ako, siguro dahil hindi ako sanay. Sa dinami-rami naman kasi ng pwede mong maging inspirasyon, bakit ako pa? Pero ikinatuwa ko iyon ng sobra. Inspirasyon mo ako.

"Kung tatanungin mo kung bakit ikaw ang naging inspirasyon ko. Yun ay dahil natuwa ako sayo. Natuwa in a way na, hindi ko maipaliwanag. Basta inspirasyon kita." Sabay ngiti mo sakin. Panaginip ba ang lahat ng ito? Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. "Ahh, ganoon ba? Sige, mag-umpisa na tayo."

Pag-iiba ko ngg topic natin. Naiilang kasi ako, pero hindi ko alam kung bakit. Nagdrawing ka na, at pinanood lang kita. Hinihiling ko na 'wag na sanang matapos ang mga oras na ito. Pakiramdam ko kasi na espesyal ako para sayo. Pwede bang kahit hindi totoo ay maramdaman ko man lang na mahalaga ako sayo?

Dear RuineioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon