Chapter 2- Lugar kung saan kita nakitang umiiyak

23 2 0
                                    

Chapter 2

《Lugar kung saan kita nakitang umiiyak》

Isang hapon, naglalakad akong mag-isa sa hallway ng school natin. Uwian na noon, pero wala pa akong balak umuwi. Gusto ko kasing idrawing yung bagay na kinatatakutan mo. Ang sabi kasi ni Sir. Miggy ay kailangan natin itong ipasa sa kanya para piliin niya kung sino ang ipanlalaban niya sa Competition.

Papunta ako sa garden, nang may mapansin akong isang lalaking nakasandal sa isang puno at nakalagay yung braso sa mukha. Una hindi ko alam kung sino yun, pero habang lumalapit ako, at habang lumalakas rin ang tibok ng puso ko, doon ko nalaman na ikaw pala iyon. Ikaw lang mag-isa, hindi ko alam kung may problema ka ba. Gusto sana kitang tanungin pero baka isipin mo na pinapakialaman ko yung buhay mo. Kaya napili kong manahimik na lang at pagmasdan ka.

Nang alisin mo ang kamay mo sa mukha mo, doon ko lang nalaman na umiiyak ka pala. Naawa ako sayo, pero hindi ko rin naman alam kung anong gagawin ko. Pilit mong pinipigilan yung pagtulo ng mga luha mo, sa paraan ng pagtingala. Pero hindi pa rin iyo humihinto, bagkus ay lalo pa itong nagtutuloy-tuloy. Gusto kitang lapitan at yakapin noong mga panahong iyon, pero wala rin naman akong lakas ng loob.

Hinintay ko na lang na umalis ka sa lugar na iyon. Gabi na at nandoon ka pa, at ako rin pala. Hindi kita maiwan, kahit alam kong mapapagalitan na ako ni Mama dahil madilim na ay wala pa rin ako sa bahay. Ipinagwalang bahala ko iyon, sa tingin ko ay mas kailangan mo ako ngayon.

Alas siyete na ng gabi ng umalis ka. Pagka alis na pagka alis mo ay umalis na rin ako. Iyon ang unang beses kitang makitang umiiyak. Pakiramdam ko may mabigat kang problemang dinadala. Gusto kong makatulong pero hindi ko alam kung paano.

Dahil rin sa kagustuhan kong makatulong, ay pinagpuyatan kong idrawing yung isang bagay na pinaka kinatatakutan mo. Natuwa ako, dahil naidrawing ko ito ng maayos. Isang simpleng ikaw lang ang idinrawing ko, isang simpleng ikaw na nakatingala sa mapanglaw na langit. Ipinahihiwatig nito na parang humihiling ka na huwag kang maiwan mag-isa. Dahil iyon ang unang pumasok sa isip ko ng idrawing kita. Sana magustuhan mo ito.

Dear RuineioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon