Chapter 9- Sa bahay niyo

7 2 0
                                    

Chapter 9

《Sa bahay niyo》

Pagkababa natin ng Van, tumambad sa akin ang isang napakalaking bahay. Malaki siya sa Malaki. Walang wala ang bahay namin dito. "Tara, pasok na tayo." Sabi mo, at sumunod na kami ng mga kaibigan mo. May kumakausap sa akin na babae, kaibigan mo rin siya. Maurice yata ang pangalan niya. Mabait siya, simple lang din at higit sa lahat, may sense of humor. Hindi ako naboring kausapin siya. Sa katotohanan nga ay ikaw ang topic namin. Kung paano ka pinagagalitan ng teachers mo dati dahil sa kalokohan mo.

Natawa tuloy ako, kahit papaano rin ay may alam na ako sayo.
Pagkapasok namin ay may sumalubong sa amin na babae, maganda siya at maputi, Mama mo yata.
"Hello po Tita." Bati ng isa sa mga kaibigan mo. Mama mo nga siya. "Pumasok na kayo, nagluto ako ng makakain niyo." Ngumiti lang ako, tsaka ako sumunod sa kanila. Inabutan ka namin sa Dining area.

Kumain tayo nun at konting kwentuhan. Masaya kayong kasama. Pero nagulat ako ng biglang napunta sa akin ang topic niyo. "Alam mo bang matagal ka ng kilala nitong si Rui?" Sabi nung Ivan yata yun. Matagal mo na akong kilala? Paano?

"Ah. Ganun ba? Hindi, ngayon ko lang nalaman." Sagot ko. Bigla namang nagsalita si Maurice. "Naku Scarce! Kung alam mo lang. Hahaha!" Nagtinginan silang lahat sayo, sabay tawa. Ikaw naman, namumula ka. Hindi ko alam kung bakit sila tumatawa. Tumingin ako sa orasan, naku po! Mag-aalas singko na pala. "Una na ako ha? Mag-aalas singko na kasi eh. Baka hanapin na ako ni Mama."

Pagpapaalam ko sa inyo, tumayo ka rin. "Paano ba yan, hatid ko muna siya." Ngumiti naman silang lahat tsaka sila tumango. Nagpaalam na ako sa kanila at nagpasalamat din sa Mama mo. Sumakay tayo sa Van niyo, ewan ko ba. Pakiramdam ko ang awkward ng ambiance. Hindi ako makapagsalita, medyo mahaba pa naman ang biyahe. Tumingin na lang ako sa bintana para kahit papaano naman ay malibang ako.

"Matagal na nga kitang kilala." Biglang sabi mo. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Matutuwa ba ako o ano. "Ah. Paano?" Tanong ko. Ngumiti ka muna, "Sa Arts Room kita unang nakita. Natuwa ako sayo noon dahil unusual sa babae ang pagiging mahilig sa drawings. Ewan ko ba, at magmula noon ay inistalk na kita." Napangiti naman ako sa mga sinasabi mo. Matagal mo na pala akong kilala. Ang sarap sa pakiramadam.

Hindi na ako nagsalita at ganoon ka din. Okay na siguro ito, dahil baka kapag may nalaman pa ako sayo ay lumabas na talaga itong puso ko dito sa dibdib ko. Matagal mo na akong kilala pero hindi ko napansin yun. Ang alam ko lang ay gusto na kita noong nakaraang taon pa. Sino ba naman kasi ako para makilala mo diba? Isa lang naman akong Nobody sa School natin at ikaw naman ay kilala. Isang himala na nga lang kung pansinin mo ako diba?

Pero gayun pa man, masaya ako dahil abot-kamay na kita. Dahil nakakausap at nakakasama kita. Ang swerte swerte ko talaga. Pero sana lang palagi na tayong ganito. Gusto ko huwag ng matapos pa yung mga pangyayaring ito dahil hindi ko alam kung mauulit pa. Pero salamat na rin dahil nandiyan ka.

Dear RuineioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon