Chapter 12- Araw ng Conference

7 1 0
                                    

Chapter 12

《Araw ng Conference》

Ngayon na ang araw ng conference na sinasabi ni Sir. Hindi ko alam kung saan tayo pupunta, pero sabi ni Sir ay magugustuhan daw natin doon. Siguro nga. Isang van lang ang gamit natin dahil pinili lang ni Sir ang isasama niya. Nasa sampu lang tayo. Umupo ako sa dulong bahagi ng Van. Bahala na siguro kung sino ang tatabi sa akin.

Nagdatingan na kayong lahat, umupo na rin kayo sa mga pwesto na gusto niyo. At gaya ng dati ay inaasahan kong tatabihan mo ako. Pero sino nga ba ako? Umupo ka sa unahang parte ng Van. Katabi mo si Sir.

Natulog lang ako buong biyahe. Mabilis lang naman tayong nakarating sa venue natin. Ang akala ko ay arts conference ito, pero hindi pala. Sa resort tayo pumunta. Sabi ni Sir ay sinabi lang daw niya yun para payagan tayo ng Principal at treat daw niya ito sa atin dahil gagraduate na tayo.

Ewan ko ba, pumunta muna ako sa isang kwarto. Magpapahinga muna siguro ako, lahat kasi kayo mags-swimming na. Mamaya na lang siguro ako. Tsaka hindi mo naman rin ako pinapansin kaya wala rin akong makakusap.

Pagkagising ko ay hapon na. Napahaba yata ang tulog ko. Bumaba ako para kumain, at sakto namang nagkakainan na rin kayo. Nasa isang table na mahaba lang tayong lahat. Hindi mo pa rin ako pinapansin, ano nga bang aasahan ko? Ikinain ko na lang lahat. Pagkatapos naman noon ay lumabas na ako para magpahangin. Mukhang mags-swimming ulit sila kaya napagpasyahan kong magswimsuit na rin at nagpatong na lang ako ng see-through na robe.

Naglalakad ako ng makakita ako ng batong heart shape, rare ito kaya kinuha ko. Ang ganda niya, simple lang pero kapag tinitigan mo, doon mo makikita yung tunay nitong ganda. May mga meaning talaga yung bagay, hindi lang natin pinagtutuunan ng pansin.

"Maliligo ka?" Muntik na akong mapatalon ng may biglang nagsalita sa likod ko. Bakit ba kasi ang hilig mong manggulat? "Siguro." Tipid kong sagot. Iniwan kita at naglakad na ulit ako. Bahala ka kung susunod ka o hindi. Pero sumunod ka. Siyempre napangiti ako. "Ano yang hawak mo?" Sabay tingin mo sa hawak ko. Napangitiako tsaka ako sumagot, "heart-shaped stone." Nakangiti pa rin ako, ewan ko ba. Baliw na yata ako.

"Rare yan ha. Parang ikaw." Napatingin ako sa sinabi mo. Rare nga yung bato, pero bakit nadamay ako? Rare ako? Hindi yata! "Kaya nga kinuha ko ito." Sabay turo ko sa hawak kong bato. "Kung ako ikaw, kukunin ko rin yan. Hindi naman kasi lahat ng bato katulad niyan. Kapag tinitigan mo siya, doon mo makikita yung tunay niyang ganda. Diba?" Sabay tingin mo sakin ng nakangiti. Tumango lang ako.

Umalis na ako at iniwan na kita. Nagbihis na rin ako, madilim na at masyado nang malamig para mag see-through pa ako. Tinawag tayo ni Sir. Pumabilog tayo, may sasabihin yata siya. Hindi ko alam. Nung nandoon na tayong lahat ay nagsalita na siya. "Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa inyo. Sa pagsali niyo sa Arts Club. Naging mga anak ko na kayo at nalulungkot ako dahil iiwan niyo na ako." Ano ba naman si sir. Balak pa yata tayong paiyakin.

Idinaan na lang sa tawa ng iba pa nating kasama ang lungkot nila. Napalapit na sa atin si Sir at ilang araw na lang ay iiwan na natin siya. Panibagong pagsubok naman ang kahaharapin natin sa pagpasok natin ng kolehiyo. "Pero hindi talaga iyon ang sasabihin ko. May isang tao kasi na hindi makakuha ng tiyempo sa taong inspirasyon niya. Siguro, ito na ang pagkakataon mo."

Nagkagulatan ang lahat sa sinabi ni sir. Sino ba yung tinutukoy niya? Nagtilian naman ang ibang babae. Pero ang mga lalaki ay nangangantyaw lang. Sino ba siya?

Dear RuineioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon