Chapter 15- The Last Chapter

13 0 1
                                    

Anim na taon na. Anim na taon na ang nagdaan. Anim na taon na ang lumipas. Ang tagal na rin pala. Ang tagal na panahon na rin pala akong naghihintay sayo. Anim na taon ng miserable ang buhay ko. Anim na taon na akong ganito.

Ang salitang "Mahal kita Scarce" ang huling salitang narinig ko mula sayo. Isang salitang nakatatak pa rin sa isip ko. Matagal ko na rin palang binabalik-balikan ang kwento nating dalawa. Matagal na akong umaasa. Umaasa sa pagbabalik mo.

Bakit nga ba ako naghihintay sayo? Dahil ba sinabi mo? Mali. Siguro dahil yun ang dinidikta ng puso ko. Hindi ko man alam kung nasaan ka. Huwag kang mag-alala nakatatak ka naman dito sa puso ko. Gaya nga ng sinabi mo, magkikita pa tayo.

Yung salitang yun ang pinaka pinanghahawakan ko. Hindi ka man lang nagpaalam sa akin. Hindi mo man lang nasabi sa akin kung saan ka pupunta. Hindi mo ako sinabihan. Ang daya mo naman.

Sa anim na taon na wala ka, pakiramdam ko kulang na kulang ako. Sa anim na taong iyon, pakiramdam ko kinalimutan mo na ako. Kung nasaan ka man ngayon, tandaan mong Mahal kita. Hindi ko man nasabi sayo noon, pwede ko pa namang masabi ngayon.

Dati sabi ko, school lang ang magiging dahilan ng paghihiwalay natin pansamantala. Mukhang mali yata ako. Nakapagtapos na ako sa Arts Academy. At isa na akong sikat ngayon sa larangan ng pagguhit.

Isa lang naman ang inspirasyon ko sa bawat larawan na ginuguhit ko. Kung hindi ikaw. Ikaw na nagpatibok ng puso ko ng maraming beses. Ikaw na nagparamdam sa akin kung gaano ako ka-espesyal sayo.

Alam mo bang hindi ko pa rin tapos ang ginawa ko noon? Nung nakasandal ka sa puno. Mukha mo na lang ang kulang doon. Nalulungkot ako dahil, hindi ko na maalala ang mukha mo. Sa anim na taong nagdaan, hindi ko na matandaan ang mukha mo.

Gusto ko mang tapusin iyon ay hindi ko magawa. Baka ibang mukha ang magawa ko. Espesyal ang bagay na iyon para sa akin. Nasaan ka na ba? Napakatagal ko ng naghihintay. Babalikan mo pa ba ako?

Noong isang araw, pumunta dito sa bahay si Sir. Miggy. Isa siya sa bumibili ng mga gawa ko. May ibinigay siya sa aking sulat. Isang sulat na hindi ko yata kayang basahin. Sulat daw ito ng taong noon ko pa hinihintay.

Hindi ko alam kung kaya kong basahin kung ano man ang nakasulat sa isang papel. Matagal na kitang hinihintay pero hanggang ngayon ay wala ka pa rin. Hindi ako napagod maghintay dahil ayaw kitang sukuan. Siguro ito na rin yung panahon para malaman ko kung nasaan ka, at kung anong kalagayan mo.

Dear Scarce,

Pasensya na sa biglaang pagkawala ko. Hindi man lang ako nakapag paalam sayo. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan.

Ayaw kitang saktan kaya lumayo na lang ako sayo. Ayaw kitang umasa kaya hindi na ako nagpakita pa.

Kung ano man ang mangyari, tandaan mong Mahal na Mahal kita. Isang salitang hindi ko pagsasawaang sabihin sayo.

Hindi sapat ang panahon para iparamdam sayo kung gaano ka kahalaga sa akin.

Hindi sapat ang panahon para sa ating dalawa.

Pasensya na sa lahat. Ayokong malungkot ka.

Huwag mong iisipin na iniwan kita, dahil hindi mo man ako makasama, mananatili pa rin ako diyan sa puso mo.

Huwag mo na siguro akong hintayin, baka matagalan pa kasi ang pagkikita natin.

Palagi mong tatandaan na Mahal na Mahal kita.

Ps. Si Sir Miggy na ang bahalang magpaliwanag sayo.

Yours Truly,
Ruineio

Dear RuineioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon