Chapter 5- Sa Rooftop

11 2 0
                                    

Chapter 5

《Sa Rooftop》

Isang buwan na mahigit ang nakaraan magmula noong pangyayari sa canteen. Magmula noon, wala na ulit pansinan. Nagkakasalubong tayo sa hallway pero hindi mo ako pinapansin, para bang wala kang nakita. Pero okay lang yun, hindi mo naman obligasyon ang palagi akong pansinin.

Kanina, inutusan ako ni Sir. Miggy na hanapin ka. Ikaw na lang kasi ang kulang kaya hindi makapagsimula yung meeting natin sa Arts Club. Hindi ko naman alam kung saan ka hahanapin, kaya naisipan kong pumunta sa rooftop. Hindi ko inaasaha na makita ka doon. May kausap ka sa cellphone mo. Hindi ko alam kung sino.

Hindi ko rin alam kung kakalabitin ba kita o tatawagin, dahil nga ipinapahanap ka ni Sir.Miggy. Pero mukhang seryoso yung pinag-uusapan niyo kaya hindi muna kita inistorbo. Hinintay kong matapos yung usapan niyo.

Nang ibaba mo na yung cellphone mo, nilapitan na kita. "Pinapatawag ka ni Sir. Miggy, may meeting daw tayo ngayon." Sabi ko sayo. "Ganun ba? Sige, tara na." At sabay na tayong naglakad papuntang Arts Room. Tahimik lang tayong naglalakad, hindi ka nagsasalita. Gusto ko sanang mag-open ng topic kaya lang parang ang awkward ng ambiance kaya naisip ko na wag na lang.

"Nagkagusto ka na ba sa isang tao?" Bigla mong tanong, at seryoso ka pa. "May gusto ako ngayon, pero hindi niya ako napapansin." Sagot ko naman. "Hindi ka niya napapansin? Sino ba siya?" Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin yung tanong niya. Kinabahan ako bigla dahil doon, huminga muna akong malalim bago kita sinagot. "Siya si Mr. Neio, hindi ko alam pero hindi niya ako napapansin eh." Lakas loob kong sagot. Parang nagtaka ka naman sa sagot ko kaya tinanong mo pa ulit ako. "Mr. Neio?" Tumango ako, "Oo, yun yung tawag ko sa kanya."

Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob at nasabi ko sayo ang lahat ng yun. Tumango ka lang.

Sa Rooftop, doon mo ako unang niyaya na sabay tayong maglakad. Hindi naman talaga yaya ang nangyari, pero parang ganun na rin dahil sabay tayong nagpunta sa Arts Room.

Sana maulit pa itong pangyayaring 'to. Sana pansinin mo ulit ako.

Dear RuineioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon