Chapter 10- Mga Pagbabago

6 2 0
                                    

Chapter 10

《Mga pagbabago》

Matagal na rin mula nung huli nating pag-uusap. Noong hinatid mo ako sa amin ay iyon na ang huli. November ang eksaktong buwan noon, at February na ngayon. Ilang buwan na rin ang nakalipas. Ewan ko ba, pakiramdam ko ang dami ng nagbago. Sa school, hindi mo na ulit ako pinapansin, kapag nagkakasalubong tayo sa hallway ay parang wala ka lang nakikita. Para bang invisible ako sayo.

Bakit nga ba ako nagkakaganito? Ako rin naman ang may kasalanan. Hindi mo naman talaga ako obligasyon, pero bakit ganun? Bakit ipinaramdam mo sa aking espesyal ako para sayo tapos iiwan mo lang rin pala ako. Alam kong wala akong karapatan para masaktan, pero ganun yung nararamdaman ko ngayon. Ang sakit sakit! Na para bang sinasaksak ako ng isang libong kutsilyo.

Sino ba naman kasi ako para magustuhan mo diba? Sino ba naman kasi ako para lingunin mo. Sino ba naman ako para pag aksayahan mo ng oras. Sino ba naman ako para samahan mo. At ano mo ba ako? Isang dakilang Arts-mate mo lang.

At mas nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon. Ang sakit talaga! Inspirasyon mo ako? Pero bakit iba yung kasama mo ngayon. Ang saya-saya niyo. At ang sweet-sweet mo rin sa kanya. Bakit ganun ka? Hindi mo ba alam na nakakasakit ka na? Hindi mo siguro ramdam yun dahil Manhid ka!

Ilang araw na lang ay Graduation na natin. Ilang araw na lang hindi na kita makikita. Ilang araw na lang rin ay ibabaon na kita sa limot. Ilang araw na lang Ruineo, ilang araw na lang. Konting panahon ko na lang rin mararamdaman 'tong sakit. Ilang araw na lang naman kaya kakayanin ko na lang.

Bakit ba ako naging ganito? Hindi mo naman sinabing gusto mo ako. Umasa lang siguro ako sayo. Umasa ako sa taong hindi naman pala ako gusto. Pero salamat sayo. Dahil kung hindi dahil sayo, hindi rin naman ako sasaya. Kaya kahit nasasaktan ako ngayon, okay lang kasi napasaya mo naman ako noon.

Dear RuineioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon