Chapter 14
《Graduation Day》
Tapos na ang seremonya. Tapos na rin ang pagpanik natin ng entablado. Tapos na lahat. Nandito tayo ngayon sa Rooftop. Walang nagsasalita, walang naglalakas loob. Magkikita pa naman siguro tayo. Alam kong magkikita pa tayo. School lang naman ang magpapahiwalay sa ating dalawa. Yun lang at wala ng iba.
Nakikiramdam ako sayo. Hindi ko mabasa ang naiisip mo. Wala ring ekspresyon ang mukha mo. Magsasalita na ba ako?
"Rui" banggit ko sa pangalan mo. Tumingin ka sa akin.
"Magkikita pa tayo." Nabasa mo ba ang naiisip ko? Siguro nga magkikita pa tayo. "Alam ko." Sagot ko naman sayo. Lumapit ka sakin at niyakap mo ako. "Magkikita pa tayo Scarce. Kung matatagalan man, tandaan mo lang na hindi kita iiwan. Mananatili ako diyan sa puso mo."Tama ka. Mananatili ka dito sa puso ko. Hindi kita makakalimutan. Sayo lang ako nagkaganito, at ikaw lang ang taong nagustuhan ko. Sa konting panahong iyon, naging masaya naman ako.
"Mahal kita Scarce."
BINABASA MO ANG
Dear Ruineio
Novela JuvenilA love story that was left unfinished. The woman loved arts and that's the only similarity they had. Will they make it until the very end? ~~~ Most impressive ranking #216 sadstory out of 2.69k stories #97 good out of 1.13k stories #238 popular out...