Chloe Point of View
Naglalakad kami ngayon ni Becky sa pathway dahil may iniutos ang teacher namin na kuhanin ang mga folders sa faculty.
"Ang sweet nyo ngayon ni Drey ah. Three days na kayo. Sana kayo na hanggang sa huli." Nginitian ko lang si Becky sa kanyang sinabi. Kung alam mo lang Becky.
"Oo nga eh. Ang bait kasi ni Drey."
"Mabait talaga yan, Matulungin pa, Friendly. Gwapo. Kaya nga marami ring nagkakandarapa na mga babae sakanya dito sa school natin pati narin sa kabilang school. Nagulat nga kami nung niligawan ka nya. Six years na kaming magkaklase pero ni isa wala syang niligawan maliban na lang kay Cally." Napatigil naman ako sa paglalakad sa sinabi ni Becky kaya tumigil din sya.
"Sino si Cally?" Tanong ko kay Becky. Napakunot naman ang noo ko ng mapansin kong hindi sy mapakali at parang namumutla pa sya.
"Becky? Sino si Cally?" Tanong kong muli sakanya. Napalunok naman sya at hinarap ako.
"Uh, Ano kasi Chloe, Si Cally yung una nyang girlfriend. Ang alam ko, nagtagal sila hanggang six months pero, naghiwalay din sila."
"Bakit? Anong dahilan?" Nag-iwas ng tingin si Becky pero pinagpatuloy nya ang kwento nya.
"Hindi ko alam, hindi namin alam. Basta, bigla nalang syang nawala. Bigla na lang syang umalis. Nabalitaan nalang namin na sa Paris na sya nakatira. Tapos yun, wala na." Tanging tango nalang ang naisagot ko kay Becky. Si Drey, kahit nanakangiti sya may lungkot parin pala na nakatago sa mga ngiti nyang iyon.
Nagpatuloy na kami ni Becky sa paglalakad haggang sa makarating na kami sa room namin. Binigay na namin sa teacher namin yung mga folders.
"Thank you, Ms. Muñoz and Ms. Pelayo." Tumango lang kami sa kanya at tahimik na umupo sa pwesto ko.
"Ba't ang tagal nyo?" Tanong sakin ni Drey habang nagsusulat, pinagmasdan ko muna sya bago sinagot.
"Nahirapan pa kasi kami sa paghahanap ng mga folders, andaming gamit dun."
"Dapat tinawag mo ako para matulungan ko kayo." Ngumiti pa sya sakin. Nginitian ko lang din sya. Bakit Drey? Bakit nakukuha mo pang ngumiti sa kabila ng lahat ng nangyari sa buhay mo?
Nag ring na ang bell kaya nagsimula na kaming mag-ayos ng gamit dahil uwian na.
"Lets go?" Tanong ni Drey sakin. Tumango lang ako sakanya at nginitian sya. Ng paalis na kami, mabilis akong inakbayan ni Drey pero hind ko na lang pinansin.
"Bye, Becky! Bye, Jannie." Pagpapa-alam ko sa mga kaibigan namin.
"Bye, Chloe! Drey, ingatan mo yan." Nag-salute lang si Drey sakanya bilang sagot.
"Bye, Chloe. Hey Drey! Keep her safe. Ihatid mo ng buo yan!" Napatawa na lang kami sa sinabi ni Jannie.
"Kahit di mo sabihin gagawin ko. Pati hibla ng buhok neto, hindi mababawasan." Naghiyawan ang mga classmates namin sa sinabi nya. Ako naman, napatakip na lang sa mukha dahil pulang pula na to. God!
Naglakad na kami pauwi. Ng may nadaanan kaming isang park tumigil na muna kami doon at umupo sa isang bench.
"Bakit hindi mo sinabi sakin na may ex ka?" Straight forward kong tanong. Mukha naman syang nagulat sa tanong ko.
"Uh, hindi ka naman nagtanong." Nag-iwas pa sya ng tingin. Bakit ba ayaw mong sabihin sakin Drey?
"Drey? Tinatanong kita ng maayos, wag mo naman akong pilosopohin." Bumaling na sya sakin na dala ang seryoso nyang mukha.
"Kasi ayoko syang pag-usapan. Noon na yon, nakaraan na yun. Pinagbigyan kita sa ex mong si Liam, Ngayon ako naman, pagbigyan mo naman ako sa Ex ko." Napatango nalang ako sa sinabi nya dahil wala na akong masabi. Ewan ko ba bakit parang naiinis ako.
"Gusto mo ng ice cream? May bagong bukas na ice cream parlor dyan." Tumango lang ako sa gusto nya saka sabay na kaming tumayo para pumunta doon.
Ng makarating kami. Pinaupo na nya ako at nagprisinta na syang siya na ang mag-oorder.
"Anong sayo?" Tanong nya sakin.
"Cookies and Cream na lang." Tumango lang sya at nag-order na. Tinignan ko lang sya habang nag-oorder. Tss. Nagpapacute pa sakanya yung babae. Landi talaga.
Napansin ko naman na naiwan nya yung cellphone nya sa table. Tinignan ko muna sya. Mukang matatagalan pa kaya mabilis kong kinuha ang phone nya.
Muntik ko ng mabitawan ito ng makita ko ang wallpaper nya. God! Bakit ganito? Picture ko to habang natutulog ako. Shit!
Binuksan ko ang gallery nya at halos matapon ko ito ng puro stolen shots ko ang nasa isang album nya. Bwisit talaga. Napansin ko naman ang isa pa nyang album. May kasama sya ditong isang gwapong lalaki. Kapatid nya siguro. Ang mga sumunod na pictures ay mga lalaki na kasama nya. Barkada nya siguro.
"Anong tinitignan mo sa cellphone ko?" Napaangat naman ako ng tingin sakanya. Ngayon, paupo na sya dala ang tray na may dalawang ice cream na parehong Cookies and Cream ang flavor.
"Tinignan ko lang ang mga stolen pictures ko dito. Masama ba?" Nakataas kong kilay na tanong sakanya. Ngumisi naman sya at inilagay na nya ang isang ice cream sa harapan ko.
"Sus. Kinikilig ka lang dyan eh." Napairap nalang ako sa sinabi nya saka kinuha na ang ice cream.
"Tss. Ayan na cellphone mo." Sabay abo't sa cellphone nya. Ng kunin nya to, nabigla ako ng nagkahawak ang mga kamay namin. Shit! Ano bang nangyayari sakin?
"Kain ka na." Tumango lang ako at nagsimula ng kumain. Sarap talaga ng ice cream. Nakakawala ng stress.
"So, may kapatid ka pala?" Tanong ko sakanya. Tumango naman sya bilang sagot dahil busy sya sa pagkain ng ice cream nya.
"Ilang taon na sya?" Tanong kong muli sakanya. Tumigil sya sa pagkain at hinarap ako. Muntik na akong matawa ng may makita akong ice cream sa gilid ng labi nya. Para naman tong bata.
"Fifteen na sya. Third year high school. Sa kabilang school sya nag-aaral kaya hindi mo sya makikita sa school natin." Ngumiti lang ako sakanya tsaka kumuha ng tissue. Napatalon pa to sa gulat ng punasan ko ang labi nya.
"Para ka naman bata. Anong pangalan nya?"
"Uh, Jaycee Villacorte. Gusto mo syang ma-meet? Papapuntahin ko sya dito." Tumango lang ako bilang sagot. Wow naman. Meet the brother, ano next nito? Meet the parents? Nagdial na sya sa cellphone nya at mukhang ang kapatid nya ang tatawagin nya.
"Whats up, Bro? Punta ka dito. May ipapakilala ako. Gago hindi! Girlfriend ko. Tangina neto, dalian mo! Dito lang sa malapit sa park malapit sa school namin. Dun sa bagong bukas na Ice cream parlor. Sige, sige. Dalian mo. Bye." Binaba na nya ang cellphone nya at bumaling sa akin.
"Malapit lang sya dito. Pupunta na rin sya."
"Okay."
After ten minutes, may pumasok na isang gwapong lalaki dito. Sya na yun. Luminga linga ito hanggang sa makita nya ang pwesto namin. Ng makalapit sya nakipag fist bump sya sa Kuya nya.
"Tagal mo ah! Kanina ka pa namin hinihintay." Umupo na sila sa upuan nila at bumaling saakin ang kapatid nya.
"Ten minutes lang. Kala mo naman isang oras kayong naghintay. Nga pala, heto na ba ang girlfriend mo?" Sabay turo nya sakin. Obvious naman diba? Ako kaya ang nasa harapan mo.
"Ah! Nga pala, Jaycee this is Chloe my beautiful girlfriend and Chloe this is Jaycee, my stupid brother."
"Maka-stupid ka dyan. Mas gwapo naman ako." Naglahad ng kamay sakin si Jaycee kay tinanggap ko iyon.
"Nice to meet you. Uh, Ate Chloe? Haha. Welcome to the Family." Napatawa lang ako sa sinabi nya. Magkapatid nga sila.
"Nice to meet you too, Jaycee.."
Matagal tagal din kaming nagkwentuhan. Andami ko rin nalaman sa kanilang dalawa. Marami rin silang pagkakapareho. Parehong makulit. May paga-childish.
YOU ARE READING
One Month One Love
RandomOne month, One month lang kaming nagkaroon ng relasyon pero nahulog na ako sakanya. One month na deal lang yun pero hindi ko akalian na magiging seryoso ang feelings ko sakanya. Well, He is kind, respectful, masipag, matalino, maalalahanin, matapang...