Chloe Point of View
Tinawagan ako ng Lola ko ngayon na pumunta ng Tarlac dahil ang tagal na nya daw akong hindi nakikita since hindi naman ako nagbakasyon doon nung summer laya eto atat na atat na makita ako. Sabado naman ngayon, walang pasok kaya okay lang.
To Drey:
Good Morning! I'm going to Tarlac, ingat ka dyan habang wala ako.
Ilang sandali pa, nagreply na agad sya, Its only six am, gising na sya? Sabado naman ngayon, walang pasok. Ang aga naman nyang magising.
From Drey:
Good Morning din! Ingat ka dyan ha? Magt-text ka.
Napangiti na lang ako sa reply nya. He is very sweet. My god! Ayan na naman ang puso ko. Bumibilis na naman ang tibok.
Ilang sandali pa, nakikita ko na ang mga malalawak na bukid sa Tarlac. Kahit papaano, namiss ko rin dito. Namiss ko din ang mga pinsan ko. Tumingin ako sa bintana at kitang kita ko na ang malawak naming lupain na may tanim ng palay dahil iyon ang mabenta ngayon. Meron ding mga puno ng mangga na nakahilera sa gilid bilang silungan.
"Chloe, sa high way na lang tayo dumaan baka traffic sa bayan." Tumango lang ako sa sinabi ni Mang Lucio, ang driver namin. Sayang, gusto ko pa naman makita ang bayan.
Nandito na kami ngayon, pagliko ng kotse ay kita ko na naman ang malalawak na lupain.
Ng malapit na kami sa Masyon ng Lola ko, hindi ko maiwasan na ma-excite. Its been a months!
Binuksan na ang gate at pumasok na kami doon, nandoon na sila Lola at ang mga pinsan kong sina Jimuel, Rocky, Mavic, Precious, at Isaiah. Si Jimuel, Rocky, at Mavic ay magkakapatid. Ang mga magulang nila ay nasa ibang bansa kaya dito sila nakatira. Si Precious at Isaiah ay magkapatid din, patay na ang Mommy nila last two years at ang Daddy naman nila ay nasa ibang bansa din inaasiko ang mga restaurant nila doon. Pagkatigil ng sasakyan, agad akong bumaba at mabilis na niyakap si Lola.
"I miss you La!" Niyakap din nya ako ng mahigpit.
"I miss you too, Apo! Its been a months!" Ilang sandaling yakapan, kumalas na ako sakanya at unang niyakap sina Mavic at Precious.
"I miss you girls!" Tuwang tuwa naman sila at niyakap din ako ng mahigpit.
"We miss you too! Sayang wala pa si Faustine ngayon dahil may lakad sya. Pero darating din iyon mamayang gabi." Ani Mavic.
"Marami kang ik-kwento samin!" Sabi naman ni Precious. Tumawa lamang ako at hinarap naman ang mga boys.
"Jimuel! Rocky! Isaiah!" Sigaw ko at niyakap sila isa isa.
"Laki mo na!" Sabi naman ni Rocky at ginulo ang buhok ko.
"Duh, For your information, two years lang ang tanda mo sakin." Tumawa lamang sila sa sinabi ko.
"How are you?" Tanong naman ni Jimuel.
"Fine! Still pretty!" Tumawa na naman kami sa sinabi ko. God! I miss them.
"Lets go inside, alam kong gutom kana." Tumango lang ako sa sinabi ni Isaiah at pumasok na kami sa loob.
Nagulat na lang ako, ang daming nakahanda sa long table namin.
"You prepared all that foods?" Hindi makapaniwalang tanong ko sakanya.
"Yes, apo. Kaya kumain ka ng marami." Napatawa na lang ako sa sinabi ni Lola.
Nag-umpisa na kaming kumain, at hindi pinalampas nila Mavic ang pagtatanong tungkol s boyfriend ko.
"So, anong pangalan ng boyfriend mo?" Tanong ni Mavic. Uminom muna ako ng tubig pagkatapos bumaling sakanya.
YOU ARE READING
One Month One Love
RandomOne month, One month lang kaming nagkaroon ng relasyon pero nahulog na ako sakanya. One month na deal lang yun pero hindi ko akalian na magiging seryoso ang feelings ko sakanya. Well, He is kind, respectful, masipag, matalino, maalalahanin, matapang...