Chloe Point of View
Ilang sandali pa kaming tahimik hanggang sa napagdesisyunan na nyang magsalita.
"I'm sorry, okay? Hindi ko naman iyon sinasadya, nakainom lang ako no'n. Ewan ko, hindi ko na alam ang nangyari noon dahil lasing na lasing ako." Nag-iwas na lang ako ng tingin dahil hindi ko na makayanan ang titig nya sakin.
"Bakit kaba kasi uminom ng marami?!" Inis kong tanong sakanya.
"Pinainom lang ako nila Steve at France kaya naparami." Umirap lang ako sakanya.
"Sumunod ka naman? Eh kung sabihin nilang magpakamatay ka dyan gagawin mo naman." Huminga syang malalim at humarap sa daanan.
"Chloe naman, katuwaan lang yon.. Pagbigyan mo naman ako, Teka nga lang.. Nagseselos kaba kay Samantha dahil nakita mo kaming sumasayaw?" Nag-iwas lang ako ng tingin. Bwisit! Nagseselos nga ba ako?
"Hindi ako naseselos. Isipin mo naman Drey, alam ng lahat na girlfriend mo ako tapos may makikita akong post na may kasayawan kang ibang babae na kulang nalang maghubad sa harapan mo, Drey! Irespeto mo naman ako, bigyan mo naman ako ng kahihiyan, Isa pa, okay lang kung may kalandian kang iba o kung may kahalikan ka dyan pero Diyos ko! Wag naman sanang may nakakakitang iba. Isipin pa ng ibang tao ang tanga tang-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng maramdaman ko ang labi nya sa labi ko.
Fuck! He kiss me. Shit! Ang init at ang lambot ng labi nya. What the hell! What the hell! Unti unti nyang inilayo ang labi nya sa labi ko. My first kiss! Oh my god!
"Sa wakas, tunigil ka rin." Kumunot ang noo ko at mabilis ko syang pinaghahampas.
"Aw! Hey! Chloe! Aray naman! Hey!"
"Damn you! Ninakaw mo ang first kiss ko!" Sigaw ko sakanya. Mukha naman syang nagulat sa sinabi ko.
"F-first kiss?! Ibig sabihin hindi pa kayo naghalikan ni Liam?!" Hindi makapaniwalang tanong.
"Narinig mo ako diba! Bwisit ka!" Patuloy ko syang pinaghahampas hanggang sa hilahin nya ang kamay ko at niyakap sya ng mahigpit.
Napapikit na lang ako ng maamoy ko na naman ang pabango nya. Shit naman! Nababaliw na ako.
"Oh ano? Pagkatapos mo akong nakawan ng halik, yayakap yakap ka ngayon. Nakakarami ka na ah!" Napatawa naman sya ng bahagya sa sinabi ko.
"Atleast, ako ang gumagawa nito. Makakapatay talaga ako pag iba pa gumawa nun sayo." Natahimik naman ako sa sinabi nya. Ibig bang sabihin nito? Mahal na nya ako? Hindi! Stupid Chloe! Its only a deal. Fuck.
"Sorry talaga dun sa nangyari." Pumikit ako ng mariin at pinigilan ang nagbabadyang luha sa mata ko. Bakit ba ganyan ka Drey?
"Okay, okay. Wag mo ng gagawin ulit yon." Hinarap naman nya ako habang ngingiti ngiti sya.
"Sabi na, hindi mo ako matitiis eh" napatahimik na lang ako at pinagmasdan na lang ang bawat features ng mukha nya.
Ilang sandali pa, nagpaalam na syang umalis dahil gabing gabi na rin. Nakangiti ako habang papasok sa kwarto ko. Ng naroon na ako, para akong tanga na ngingiti ngiti habang hinahawakan ang labi.
"Nababaliw na ako!" Saad ko habang nakapikit. Hinubad ko na ang Jacket nya at kita ko sa likod ang apleyido nya Villacorte. Shit! Parang ayoko ng ibalik sakanya to. Amoy ko pa rin ang pabango nya kahit hindi ko na suot ang Jacket nya.
Sinuot kong muli ito at humiga na sa kama. Kahit ngayon lang, naging masaya ako.
Kinabukasan, mga alas singko siguro iyon, ng may maramdaman akong umupo sa gilid ng kama ko. Si Mama siguro iyon dahil ganito ang ginagawa nya pag maaga syang nagigising para sa trabaho ginigising na nya rin ako.
YOU ARE READING
One Month One Love
LosoweOne month, One month lang kaming nagkaroon ng relasyon pero nahulog na ako sakanya. One month na deal lang yun pero hindi ko akalian na magiging seryoso ang feelings ko sakanya. Well, He is kind, respectful, masipag, matalino, maalalahanin, matapang...