Chloe Point of View
Mga 8:30 na ng nakauwi ako. Nakakapagod din naman, hanggang ngayon naaawa parin ako kay Kicks. Bakit kasi ako pa? Sa dinami-rami ng baae na magugustuhan nya bakit ako pa? Ayoko syang nakikitang nasasaktan ng dahil sakin. Kaibigan ko sya at kapatid na ang turing ko sakanya.
Humiga ako sa kama at tinignan ang cellphone ko. Bakit walang reply? Bakit hindi nagrereply si Drey? Tuwing nagt-text ako sakanya, wala pang limang minuto ang lumilipas may reply na sya. Ano kayang nangyari? Sinubukan kong tawagan ito pero ring lang ng ring.
"Fuck Drey! Bakit hindi mo sinasagot?!" Inis kong pinindot ang cellphone ko at tinawagan ulit. Ayaw parin. Naka-sampung tawag na yata ako sakanya hindi parin nya sinasagot. Oh shit! What the hell! Bakit ba hindi nya sinasagot? Sinubukan ko namang tawagan si Jaycee, buti na lang may number ako sakanya. Nakaka-dalawang ring pa lang, sinagot nanya ito.
"Hello?" Boses ng babae ang sumagot. Baka si Thea.
"Hello? Thea? Where is Jaycee?" Tanong ko sakanya.
"Umuwi lang saglit sakanila, Ate. May problema ba?" Huminga ako ng malalim bago sya sinagot.
"Nandyan pa si Drey?" Hindi ko maiwasan ang panginginig ng boses ko.
"Nandito sya, Ate. Nakikipag-kwentuhan kila Steve at France." See? For sure hawak nya ang cellphone nya! Hindi nya lang sinasagot!
"Pwedeng pakibigay sakanya, kakausapin ko lang."
"Okay... Kuya! Kakausapin ka daw ng girlfriend mo! Lagot ka!" Dinig kong tawag ni Thea kay Drey. Bigla namang tumahimik, sya na siguro ang may hawak sa cellphone.
"He... hello.." gusto kong magmura sa boses ko. Bwisit! Naiinis ako! Naiinis ako sakanya.
"Oh?" Nanlaki ang mata sa sinagot nya. Fuck! Son of a bitch!
"Anong 'oh'. Alam mo bang kanina pa ako tumatawag sayo! Kanina pa ako nag-aalala dito kung bakit hindi nagrereply tapos 'oh' ang isasagot mo sakin? Damn it!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nab-bwisit ako sakanya.
"Malay ko ba, tsaka naka-silent ang cellphone ko kaya hindi ko nakita na tumatawag ka-"
"What the?! Wag ako Drey! Alam kong hindi ka nags-silent ng phone mo. Isa pa, kaninang tinext kita hindi ka nagr-reply, Damn, hindi ko na alam ang gagawin ko sayo-"
"Eh di sana, hindi ka na lang tumawag para hindi ka naiinis dyan." Mas lalong nag-init amg mukha ko sa galit sa kanya. Tangina naman na lalaking to.
"Fuck you Drey!"
"What-" hindi ko na pinatapos ang sinasabi nya at pinatay ko na ito. Sumubsob na lang ako sa unan at umiyak doon.
"Bwisit! Nag-aalala lang naman ako sayo tapos ganyan ka pa! Bwisit ka!" Pinaghahampas ko ang mga unan ko sa sobrang inis. Tumunog naman ang cellphone dahil may tumatawag. Ngayon, tawag tawag ka. Peste ka magdusa ka dyan. Kinuha ko ang cellphone ko at pinatay ang tawag nya and then I turn off it. Fucking asshole.
Maaga akong pumasok ngayon, alam ko naman na pupunta sa amin yung pesteng lalaking iyon. Bahala sya sa buhay nya.
"Oh, Chloe, ang aga mong pumasok ngayon?" Pambungad na tanong sakin ni Becky. Iilan pa lang ang mga classmates namin na nandito dahil sobrang aga pa.
"Wala lang. Trip ko lang." Napatango naman si Becky sa sinagot ko.
"San si Drey?" Napairap lang ako satanong nya.
"Luh? Nag-away? LQ?" Sunod sunod na tanong ni Becky.
"Ewan ko dun. Bahala sya sa buhay nya." Tumawa lamang si Becky sa sinabi ko.
"Tinatawa tawa mo dyan?" Takang tanong ko sakanya.
"Nothing, Ang cute mo kasi kapag naiinis ka." Inirapan ko lang sya sa sinabi nya at padarag na umupo sa upuan ko tsaka sinubsob ang pagmumukha ko sa desk ko.
Naramdaman ko na man ang presensya sa tabi ko. Nandito na sya. Nanatili lang ang mukha ko na nakasubsob. Ayoko syang makita.
Napatalon na lang ako sa gulat ng maramdaman ko ang labi nya na nasa pisngi ko. Jusko naman!
"Good morning..." bulong nya sa tenga ko na may malambing pang tono, umirap lang ako at bahagyang lumayo sakanya habng nakasubsob parin ang mukha ko sa desk ko. Bahala ka dyan, Bwisit ka! Manigas ka dyan hindi kita papansinin.
"Hey, Chloe.. Hey.." tawag nya sakin pero hindi ko pinapansin. Mamatay ka dyan, bahala ka.
"Hey baby...." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya. Dinig ko pa ang hiyawan at kantyawan ng mga classmates namin. Bwisit talaga. Namumula na ang mukha ko sa hiya. Hinawakan naman nya ang isa kong kamy at hinila ito. Hanggang sa makuha na nya pero tumingin lang ako sa may bintana. Ano ka? Ganun na lang kadali iyon? Tss. In your dreams..
"Hey, Kausapin mo naman ako.." hindi ko pa rin sya pinansin. Hinalikan naman nya ang likod na palad ko kaya nakakuha ako ng tiyempo at mabilisang pinitik ang bibig nya.
"Shit!" Napadaing naman sya sakit. Halos dumugo ang labi ko sa kakakagat dito dahil sa pagpigil ko sa pagtawa. Buti nga sayo! Peste ka.
"Why did you do that?" Medyo may inis sa tanong nya. Nagulat naman sya ng inangat ko ang ulo ko at tinignan sya ng matalim pagkatapos binawi ko ang kamay ko sakanya.
"Peste." Nanggigigil kong sabi. Pagkatapos tumayo at aalis na sana ng hawakan na naman nya ang kamay ko at pinipigilang umalis.
"Where are you going?" Inis nyang tanong. Binawi ko naman ang kamay ko at bunaling sakanya at nagcross arm.
"Magc-cutting, bakit? Sama ka?" Kumunot naman ang noo nya sa sinabi ko. Tss. Ngayon ikaw na ang naiinis ngayon. Sige lang.
"Damn it! Just stay here!" Mariin nyang sinabi. Inirapan ko lang sya sa sinabi nya tuloy tuloy na umalis.
"Chloe Isabelle Muñoz Villacorte! Dito ka lang kung hindi..." nagulat ako sa sinabi nya. Maski ang mga classmates namin, ngayon pinipigilan na nilang tumawa. Oh shit! Humarap ako sakanya at tinignan sya ng matalim.
"Kung hindi ano? ANO? Tss. Don't me, Drey. Don't me." Mariin kong sinabi sakanya tsaka sya tinalikuran.
Naglalalakad ako nsa pathway
ng may humigit sa braso ko. Nagulat na lang ako ng makita ko si Drey na nakaluhod sa harapan ko."I'm sorry. Sorry sa nangyari kahapon. Please, Sorry na. Hindi ko naman sinasadya eh. Please, Sorry na." Pinagtitinginan tuloy kami ng mga studyante na dumadaan. Ang iba kinikilig pa.
"What the, Stand up, Drey." Ngumisi lang sya pero ayaw parin nyang tumayo. Oh shit!
"Sorry na, Please. Patawarin mo na ako." Mas lalo nya pang nilakasan ang boses nya kaya nagsihiyawan ang mga tao.
"Patawarin mo na!" Sigaw ng isang studyante. Parang kamatis na tuloy ang mukha sa sobrang pula.
Napatingin naman ako kay Drey na nakangisi habang nakaluhod parin. Kumunot naman ang noo ko at bigla syang nag evil smile. Ang creepy! Yumuko naman ako at tinapat ang bibig ko sa tenga nya.
"Akala mo ba ganun ganun nalang kita mapapatawad? Ano ngayon kung lumuhod ka dyan. I don't care Drey. Hindi ko tinatanggap ang apology mo. Magdusa ka. Kasasabi ko lang sayo, Don't me Drey Villacorte, Don't me." Lumayo ako sakanya at kitang kita ko ang gulat sa mukha nya. Ngumiti lang ako ng matamis at naglakad na palayo. Hindi ko tuloy maiwasang mapatawa sa reaksyon nya.
YOU ARE READING
One Month One Love
RandomOne month, One month lang kaming nagkaroon ng relasyon pero nahulog na ako sakanya. One month na deal lang yun pero hindi ko akalian na magiging seryoso ang feelings ko sakanya. Well, He is kind, respectful, masipag, matalino, maalalahanin, matapang...