Chapter 16

1 0 0
                                    

Chloe Point of View

Nandito kami ngayon sa isa sa mga guest room namin kung nasaan ang sila Becky at Janie. Sila Drey at Jack naman ay nasa kabilang room.

"So, ano na ang mangyayari? Bukas na matatapos ang deal nyo.." nagkibit balikat lang ako sa sinabi ni Becky. Kasi ako, hindi ko rin alam. Na-ikwento ko na sakanila ang nangyari samin ni Drey at ang pag-amin nya sakin. Halos mamatay pa sila sa kakatili ng ikwento ko iyon.

"Hindi ko alam, Wala naman syang binabanggit sakin." Tumango lamang ang dalawa sa sinabi ko.

"Sana kayo na talaga ang magkatuluyan, For real.." ngumiti lamang ako sa sinabi ni Janie. Sana nga..

Natigilan kami ng may marinig kaming kumakanta. Sino kaya yun?

"Who's that?" Tanong ni Janie. Nagkibit balikat lang kami ni Becky at lumabas. Mabilis kaming bumaba at nagulat na lang ng makita ko sila Drey at Jack.

Napatakip na lang ako sa bibig ko ng nakita ko si Jack na may dalang gitara at si Drey naman ay isang bouquet ng roses. Oh my god. Sinimulan na ni Jack ang pagtugtog ng gitara.

Another day
Without your smile
Another day just passes by
But now I know
How much it means
For you to stay
Right here with me

Hindi ko alam bakit kusang tumulo ang mga luha ko kasabay din nito ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

The time we spent apart will make our love grow stronger.
But it hurts so bad I can't take it any longer.

His voice is very beautiful. And every word he say makes my heart beats fast. First time kong narinig ang boses nya.

I wanna grow old with you
I wanna die lying in your arms
I wanna grow old with you
I wanna looking in your eyes
I wanna be there for you
Sharing everything you do
I wanna grow old with you..

"I love you very much, Chloe. I want you to be my life, I want you to be my inspiration, I want you to be my girl, I want you to be my girlfriend, For real." Lumapit sya sakin at ibinigay ang bouquet ng roses. Inabot ko naman yon, Patuloy pa rin ang pagdausdos ng mga luha ko sa mata ko. Pinanusan naman nya ito gamit ang mga kamay nya.

"Mahal na mahal kita, Chloe Isabelle Muñoz, Will you be my girlfriend, For real?" Mas lalo akong umiyak sa naging tanong nya. Heto na ba yon? Magiging masaya na ba ako? Pinagmasdan ko ang kanyang mukha, Ang kaniyang mga mata ay puno ng kasiyahan. Ang sagot ko na lang ang hinihintay nya.

"Yes... I will be your girlfriend, for real..." Umaliwalas naman ang mukha nya sa sinabi ko at mabilis akong niyakap. Nagpalakpakan naman sila Becky at Janie pati na rin si Jack. Nakita ko pang mangiyak ngiyak ang dalawang girls kaya napangiti ako.

"Thank you.. I love you.." ngumiti lamang ako sa sinabi nya at humarap sakanya.

"I love you too.." hinalikan nya ako sa noo kaya napapikit ako. Mahal na mahal ko talaga ang lalaking ito.

Nagising ako ng may naramdaman akong nakatingin sakin. Napangiti na lang ko ng makita ko si Drey na nakaupo sa gilid ng kama namin. Wala na sila Becky at Janie, marahil ay tumayo na sila.

Hinila ko ang comforter at itinakip sa kalahati ng mukha ko. Hindi pa nga ako nagt-toothbrush nandito na sya. Tanging ang mata ko na lang ang nakikita nya ngayon. Napatawa naman sya sa ginawa ko.

"Silly, anong ginagawa mo?" Umiling lamang ako sa tanong nya. Sinubukan nya pang alisin ang comforter sa mukha ko pero hindi ko inalis.

"Nah, alisin mo nga yan.." natatawa nyang sabi.

"Hindi pa ako nagt-toothbrush eh.."

"Psh, I don't care.. Lets go, kumain na tayo, Nandoon na sila Becky. Ikaw na lang ang hinihintay.." umupo ako at inayos ang buhok kong magulo pa.

"Tara na.." tatayo na sana ako ng mabilis nyang hinigit ang palapulsuan ko at niyakap ako ng mahigpit.

"This is the best day of my life.." napangiti naman ako sa sinabi nya. Me, too.

"Ako rin, tara na."

Ng makababa na kami nandoon na sila Becky, kumakain. Ng makita nila kaming pababa na, umaliwalas ang mga mukha nila at ngumiti sa amin. Ngumiti rin ako sakanila. Umupo ako sa gilid ni Janie at sumunod naman si Drey na umupo na rin sa tabi ko.

"So, pagkatapos naming kumain, magr-ready na kami para makauwi na." Uminom muna ako ng gatas pagkatapos bumaling kay Becky.

"Gusto nyo bang ipahatid ko kayo kay Mang Lucio? Para naman hindi na kayo mamasahe pa pauwi." Uminom naman ng tubig si Becky pagkatapos bumaling sakin.

"Ikaw ang bahala." Tumango lamang ako sa sinabi ni Becky.

Ng matapos ng magbihis sila Becky, tumayo na kami at naglakad na papunta sa labas. Isa isa na kaming sumakay sa sasakyan namin at mabilis na umalis.

Unang bumaba si Jack na sa may di kalayuan ang bahay nila. Nagpaalam muna sya samin bago umalis.

Sunod naman si Janie, malapit lang ang bahay nila sa school namin kaya hindi na mahirap puntahan pa.

"Bye, Chloe! Drey, Becky. Ingat kayo. " tumango lamang kami kay Janie at nginitian sya tsaka nagpaalama ng umalis.

Si Becky naman ay malapit sa bayan ang bahay nya kaya medyo malayo. Kaya pala maaga syang pumapasok dahil malayo pa ang bahay nila.

"Dyan na lang sa malapit, Chloe, dun sa may red na gate." Sinabi ko kay Mang Lucio ang tinuturo ni Becky. Ng makarating kami doon, bumaba na sya at nagpa-alam samin. Pinagmasdan ko ang bahay nila, malaki ito at malawak ang garden nila. Ang daming tanim na mga rosas.

"Chloe, Thank you sa time ha'. Ingat kayo. Drey, Ingat." Tumango lamang si Drey na nasa tabi ko.

"Bye Becky.." kumaway ako sakanya at kumaway rin sya.

Sumandal ako sa balikat ni Drey at pumikit. Medyo makakapagpahinga na rin ako kahit sandali. Ramdam ko naman ang pag-akbay sakin ni Drey kaya I feel comfortable.

"Pahinga ka na muna. Mukhang medyo pagod ka pa." Humikab ako tsaka niyakap sya ng mahigpit.

"Okay.."


One Month One LoveWhere stories live. Discover now