Chapter 12

0 0 0
                                    

Chloe Point of View

Three weeks na kami ni Drey, one week na lang matatapos na ang deal namin. Masasaktan na naman ako. Tinulungan nya kong magmove-on nahulog naman ako sakanya. Mas masakit pala yung kasama mo na yang taong mahal mo pero parang ang layo layo nya. Ang hirap nyang abutin.

One week na lang. Ano kaya ang mangyayari pagkatapos ng deal namin? Magiging magkaibigan kaya kami? Papansinin ko kaya sya? Papansinin nya kaya ako? Ano ba yan! Nababaliw na yata ako!

"Huy!" Napatalon naman ako sa gulat.

"Ay kapre! Ano ba! Drey naman!" Tumawa naman sya at sumandal sa balikat ko.

"Ano ba kasi yang iniisip mo? Kanina pa nga ko dada ng dada dito di ka naman nakikinig." Humarap naman ako sakanya ng nakakunot ang noo.

"Ano bang sinasabi mo?" Takang tanong ko sakanya.

"Ang sabi ko, sumama ka sakin bukas, papakilala kita sa Mommy ko." Nagulat naman ako sa sinabi nya. What the fuck!

"What? No way! Ayoko."

"Bakit ayaw mo?" Dahil malapit ng matapos tong deal natin. Huminga ako ng malalim at hinarap sya.

"Remember, I'm not your real girlfriend. One week na lang tayong magkasama. After nito.... Wala na... tapos... na..... ang deal." Napabuntong hininga sya at tumayo. Nagulat na lang ako ng umalis sya. Tumayo na rin ako at sinundan sya.

"Drey!" Tawag ko pero hindi nya ako pinapansin.

"Drey naman! Ano bang problema!" Nagulat naman ako ng humarap sya sakin at matalim akong tinignan.

"Problema?! Ikaw! Lagi mo na lang sinasabi na deal lang to! Fuck! Don't you get it?! I want this fucking deal relationship to become real! Because.... I fell in love with you Chloe... Mahal na kita hindi mo ba nakikita? Hindi mo ba nararamdaman? Baka naman hindi ka pa nakakamove on sa Ex mo?" Pumikit sya ng mariin at tinalikuran ako. Nanginginig ang buong katawan ko, ngayon nya lang ako sinigawan ng ganon.

"Chloe? Hindi totoo ang lahat ng yan?" Nagulat naman ako ng makita ko si Becky at Jannie. Oh my.

"Deal lang lahat ng nangyayari sa inyo?" Tanong din ni Jannie. Tumango lamang ako sa sinabi nila.

Umupo muna kami sa isang bench at ikinwento lahat ng nangyari. Magmula dun sa bar, hanggang sa nagdeal kami at ngayon na sinabi nya sakin na mahal na nya ako.

"So, now you know that he's in love with you. Do you love him, too? Nag-iwas lang ako ng tingin sa sinabi ni Becky.

"Uh, Yes.. but.. I'm scared, baka masaktan na naman ako. Ayoko na.." yinakap naman ako ni Jannie dahil tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko.

"Chloe, hindi mo talaga maiiwasang masaktan kapag nagmahal ka. Alam mo, kung may kasiyahan sa pag-ibig, may lungkot, may galit, may sakit." Napapunas na lang ako sa luha ko.

"Pero..." hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko. Ano ng gagawin ko? Mahal ko sya, mahal nya rin ako.

Ng pumasok kami sa classroom, bigla akong kinabahan ng makita ko sya. Nandun lang sya sa pwesto nya sa tabi, at nakapalumbaba. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim pagkatapos tuloy tuloy akong umupo sa pwesto ko. Napatalon na lang ako sa gulat ng magtanong sya.

"Bakit ka umiyak?" Medyo namumula pa pala ang mga mata ko dahil sa kakaiyak ko kanina.

"Uh,... hindi..." wala akong alam idahilan sa kanya kaya humarap na lang ako sa bintana.

"Ako ba ang dahilan? Kung bakit ka umiyak? Well, sorry kanina kung nasigawan kita." Huminga ako ng malalim bago sya sinagot.

"Hindi... Okay lang..." umayos sya sa pagkaka-upo at hinarap ako. Bumilis naman ako tibok ng puso ko dahil sobrang lapit nya sakin.

"Totoo lahat ng sinabi ko.. Chloe, I want our relationship to be real... Mahal kita, Can't you see that?" Nag-iwas lang ako ng tingin sa kanya. Oo, mahal din kita kaso parang mas gusto kong ganto na lang tayo, Drey.

Pumasok na ang teacher namin kaya nakahinga ako ng malalim. Buti na lang talaga dahil hindi ko na alam ang isasagot ko sakanya.

Nagdiscuss lamang ang teacher namin at ilang sandali nag dismissed na sya. Uwian na rin kaya inayos ko na ang gamit ko at aambang aalis na ng hawakan ni Drey ang braso ko.

"Sabay na tayo.." humarap lamang ako sa kamay nyang nakahawak sa braso ko dahil hindi ko kayang makipagtitigan.

"Wag na. Ako na lang muna, please." Pumikit sya ng mariin na parang pinipigilan nya ang sarili nya.

"Paano kung mapahamak ka na naman kagaya ng dati?"

"Okay lang ako, Ngayon lang, Please, Drey." Huminga sya ng malalim at unti unting kinalas ang pagkakahawak nya sakin.

Naglakad na ako paalis, nahagip pa ng paningin ko sila Becky at Janie pero nginitian ko lang.

Naglalakad ako ngayon sa pathway ng may nakasalubong akong grupo ng mga lalaki. Kumurap kurap pa ako at ngumiti ng malapad ng mamukhaan ko ang nasa unahan.

"Kicks?" Takang tawag ko sakanya. Humarap naman sya sakin at nagulat din. Sya nga.

"Chloe?" Napatakip na lang ako sa bibig ko dahil sa tuwa at gulat.

"Oh my god! Kicks! You... look... different.. and oh my! I miss you!" Lumapit ako sakanya at niyakap sya ng mahigpit.

"Chloe, Ang ganda mo!" Napatawa lang ako sa sinabi nya.

Si Kicks ay kababata ko. Magkaibigan ang Mama ko at Mommy nya kaya kami nagkakilala. Lagi kaming magkasama noon, siya lagi ang kasama ko sa mga kalokohan namin. Pero nung nag high school na kami, umalis sila, nag-migrate sila sa US kaya ngayon na lang ulit kami nagkita.

"So, paano? Kailan? Kailan ka pa nandito? Kailan ka umuwi? Dito ka nag-aaral?" Napatawa naman sya sa sunod sunod kong tanong.

"Chill ka lang, Umuwi kami ni Mommy noong Summer, and Yup, dito ako nag-aaral pero ewan ko ba bakit hindi nagk-krus ang landas natin. Pero nababalitaan ko na usap usapan ka dito dahil dun sa boyfriend mo, uh, I forgot the name." Napatawa naman ako ng bahagya sa sinabi nya.

"Ang tagal mo na pala, Bakit hindi mo ako piuntahan samin?" Ngayon, nakakunot na ang noo ko sa kanya.

"May inasikaso pa kasi kami ni Mommy para sa pagtira namin dito kaya hindi na kita nadalaw, Isa pa, busy sa basketball." Tinignan ko naman ang soot nya. Naka-jersey sya at may hawak na bola sa kana'ng kamay.

"Nga pala, Nood ka naman ng game namin." Napangiti naman ako sa sinabi nya.

"Sure!"

Nandito kami ngayon sa Gymnasium, ang daming tao dahil Grand finals na pala nila Kicks ngayon, balita ko ang section namin ay representative sila Jack, di ko nga lang alam kung sino ang mga kasama nya.

Pumasok na ang iba't ibang player ng mga Iba't ibang section. Ng sila Kicks na ang pumasok, naghiyawan ang mga tao at halos si Kicks lahat ang tinitili nila.

"GO KICKS! KAYA MO YAN!"

Napatakip na lang ako sa tenga ko pero ilang sandali pa, nakisali na ako at itinili na rin ang pangalan ni Kicks.

Ang sunod sa amin ay ang section namin. Ang alam ko lang kasali sa amin ay sila Jack perk hindi ko alam kung sino ang kasama nila. Mas malakas ang tili ng mga babae ng pumasok na sila Jack. Halos maestatwa ako sa kinatatayuan ko ng makita ko si Drey doon at siya ang sinisigaw ng mga babae.

"WE LOVE YOU JOHN DREY VILLACORTE!"

Sya nga iyon, napatalon na lang ako sa gulat ng magtama ang paningin namin. Matatalim ang tingin nya sakin at parang punong puno ng galit ang mga mata nya. Ano bang problema? Nag-iwas ako ng tingin at namataan ko sila Becky at Janie. Ng makita nila ako, kumaway sila at mabilis na pumunta kung nasaan ako.

"Uy, akala ko ba umuwi ka na?" Tanong agad ni Becky sakin ng makarating na sila kung nasaan ako.

"Ano kase, Nagkita kami kasi ng kababata ko, Si Kicks, niyaya nya akong manood ng game nila. Hindi ko alam na kasama si Drey sa team nila Jack." Pagpapaliwanag ko sakanila.

"Kaya nga nagtataka kami kanina kung bakit agad kang umuwi. Akala namin alam mo na kasama sya sa Team nila Jack." Ani ni Becky.

"Yeah, but that's okay. You're here naman para suportahan sya." Pagchicheer-up sakin ni Janie. Nginitian ko lamang sya ng pilit.

One Month One LoveWhere stories live. Discover now