Chapter 14

0 0 0
                                    

Chloe Point of View

"Nga pala, Chloe, nabanggit mo samin kanina si Kicks." Bumaling naman ako kay Becky.

"Ah, Oo. Kababata ko sya tapos ngayon lang ulit kami nagkita kaya niyaya nya ako dito." Tumango naman sya sa sinabi ko at biglang sumabat si Janie.

"Oh my god! Kicks is so handsome.." napatitig naman kami ni Becky sakanya.

"Janie? Gusto mo si Kicks?" Namula naman sya sa tanong ko kaya tumawa kami Becky.

"Tignan mo to, namumula, gusto nya nga si Kicks!" Sabi ni Becky habng tinuturo si Janie tsaka tumawa.

"Pinagtutulungan nyo ako!" Nagpout pa si Janie sa sinabi nya. Tumawa lamang kami ni Becky sakanya.

Nag-umpisa na ang game. Ang unang mga laban ay medyo boring pa, ng sila Kicks na ang susunod nagsihiyawan ang mga tao at lalong umingay ng malaman nila ang section namin ang kalaban nila. Si Drey.

First quarter pa lang, mainit na ang laban, hanggang sa third quarter na. Lamang ang section namin ng pitong puntos.

"GO DREY! KAYA MO YAN!" sigaw ng mga babae sa gilid namin. Napairap na lamang ako sakanila. Ang lalandi.

"GO KICKS! FIGHT FIGHT!" sigaw din ng mga babae sa kabila. Jusko! Masisira ear drums ko sakanila.

"Ang iingay nila!" Inis na sabi ni Becky.

Si Kicks ang may hawak sa bola. Hinarangan sya ni Jack pero nakalampas sya. Ngayon, silang dalawa na ni Drey ang magkaharap. Parang nag-uusap pa sila kaya napakunot ang noo ni Kicks at si Drey naman ay seryoso lang. Parehong pawis na pawis at pagod na rin sila dahil halos silang dalawa ang nagdadala ng game. Nakalampas si Kicks at tumalon na ito para mapasok ang bola sa ring pero naabutan ni Drey kaya nagkabungguan sila, hindi balanse ang pagkakabagsak ni Kicks kaya bumagsak sya.

"Oh my god!" Sigaw ni Janie. Nagkagulo na ang mga tao, dali dali akong tumakbo at pinuntahan si Kicks, papalapit na ako sa kanya ng may humigit sa braso ko. It was Drey, at ang sama ng tingin nya sakin. Sinuklian ko din sya ng masamang tingin. Kasalanan nya to.

"Let go of my hand!" Sigaw ko sakanya.

"No! Dito ka lang! Alam kong pupuntahan mo ang lalaking iyon!" Mas lalo naman akomg nagalit sa inasta nya.

"Kasalanan mo to! Kaya ayan! Nagkaganyan si Kicks! Drey! Let go of my fucking hand or else I will end our fucking deal now!" Nanlaki naman ang mata nya sa sinabi ko kaya nabatiwan nya ang kamay ko. Mabilis akong tumakbo papunta kay Kicks na ngayon ay iniinda pa ang sakit sa kaliwang paa nya.

"Oh my god! Kicks! Are you okay? Dadalhin ka namin sa clinic." May tumulong kay Kicks na ka-team mate nya siguro. Inalalayan syang tumayo pero hirap parin syang makahakbang.

Mabilis namang inasikaso si Kicks. Ngayon, nagpapahinga na sya pero halatang masakit pa rin ang paa nya.

"Sorry Kicks dahil don sa nangyari." Nagtataka naman sya sa sinabi ko.

"That's not your fault, it was-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya at sumabat na ako.

"my boyfriend... John Drey Villacorte is my boyfriend..." nanlaki naman ang mata nya sa sinabi ko.

"Oh, sya pala yon." Tumango lamang ako sa sinabi nya.

"Gumagabi na pala, Una na ako Kicks, gusto mo ba tawagin ko si Tita Kath?" Umiling lamang sya sa nais kong gawin.

"No, its okay. Sige na. Bye." Tumayo na ako at inayos ng gamit ko.

"Bye, Kicks."

Habang naglalakad ako sa Pathway, wala ng masyadong tao dahil nagsi-uwian na sila. Tahimik lang akong naglalakad ng makita ko si Drey na papalapit sakin, nakasuot pa sya ng Jersey at matalim ang titig sa akin.

"Tapos ka na ba sa lalaki mo?" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya. Does he mean? Si Kicks?

"What? Kicks is my friend. You know what..You should be sorry for what happened. He's injured now because of the accident in that damn game." Mas lalong tumalim ang tingin nya sakin dahil sa sinabi ko.

"Why? I should be sorry for him? No! Bagay lang sakanya yon dahil umaaligid sya sayo! Chloe! You're mine! He should know his place, hindi yung lumulugar sya sa buhay natin." Napairap na lang ako sa sinabi nya. God! Ang taas ng pride nya!

"I said he is only my friend! My childhood friend! Kaya wag mong lagyan ng malisya!" Napataas na ang boses ko dahil sa inis sa kanya.

"Friend? Childhood friend? Tss. Are you only friends if you fucking hug him in front of many people? In front of me?!" Tumaas narin ang boses nya. Ngayon, pareho na kaming galit.

"Damn it! That was a friendly hug! We miss each other! Years passed, and we don't know about each others life! My god Drey!"

"I don't fucking care if you miss each oth-" hindi ko na pinatapos ang sinasabi nya at mabilis na naglakad malabas ng gate. Ng nasa may Parking Lot na ako ay hinigit nya ang braso ko at hinarap sakanya. Ngayon, mas lalong sumama ang tingin nya sakin.

"Bullshit! I'm still talking to you Chloe!" Hindi ko sya sinagot at binabawi ang kamay ko sakanya pero mahigpit ang pagkakahawak nya.

"What?! I said Kicks is only my friend! Pero ano ano ang iniisip mo! I don't know what to do anymore!" Paninigaw ko sakanya. Wala ng tao ngayon sa Parking lot dahil nagsi-uwian na siguro. Gabi na rin kasi.

"Damn it! Don't you get it?! I'm fucking jealous! The way you hug him! The way you smile at him! The way you fucking missed each other! Damn Chloe! I'm jealous!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Nagulat na lang ako ng hilahin nya ako at niyakap ng mahigpit tsaka binaon ang mukha nya sa leeg ko.

"Nagseselos ako sa Kicks na yon, Nagagalit din ako dahil sya ang dahilan kung bakit ka nagpunta sa game kanina, nagagalit ako kasi hindi ako yon." Ngayon, mas mahinahon ang pagkakasabi nya perk dinig ko parin ang hirap at sakit sa tono ng boses nya.

Mas lalong humigpit ang pagkakayakap nya sakin at mas lalong binaon ang mukha nya sa leeg ko na para bang makakawala ako.

"Please, ako na lang ang mahalin mo, ako na lang Chloe, Mahal na mahal kita." Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Jusko po. Ano ba yan?

Unti unti syang humarap sakin at pinagmasdan ako. Pagkatapos, unti unti syang lumapit sakin and then he kiss me. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumugon sa mga halik nyang mapupusok. Unti unting bumaba ang mga kamay nya at hinigit ang bewang ko. Pinatong ko naman ang mga kamay ko sa batok nya.

"Do you love me, Chloe?" He said between in our kisses.

"Uh,-" hindi ko pa natatapos ang sinsabi ko ng halikan na naman nya ako.

I kissed him back again. His lips is very soft na para bang ngayon lang ito nahahalikan. Tumigil sya ulit at hinarap ako, Oh my! He is very hot when he licked his lips.

"Mahal mo na ba ako? Huh, Chloe?" Tumingin lamang ako sa baba dahil hindi ko makayanan ang titig nya. Tumango lamang ako sa tanong nya at ngumiti naman sya ng nakakaloko.

"I want you to say it." Humarap ako sakanya ng nakakunot ang noo pero nakangisi lamang sya.

"I love you John Drey Villacorte."

One Month One LoveWhere stories live. Discover now