PROBABILITY

764 28 3
                                    

"So I'm here with our player of the game, Kim Fajardo with 7 points, 3 service aces, 3 attacks, 1 block and 27 execellent sets." panimula ni Mich na naginterview sa akin. "Hi Kim, congrats on your win." she turned to me.

"Hi. Thank you." I smiled at her. Medyo nailang ako dahil talagang grabe yung pawis ko coming from a five setter game.

"Grabe yung laro mo today Kim, and to think na yung RC Cola Army ang kalaban niyo na napakalas na team, paano niyo nagawa ito?" she asked me.

"Well, alam naman talaga ng lahat na malakas ang Army." I started. "Pero siguro dahil na din sa effort ng buong team namin, ayun nagtulong tulong lang kami and in the end nag work out naman."

"Oo nga halata sa F2 na halos lahat ay nag contribute." Mich agreed. "Pero as their captain, may special order ka ba sakanila nung 5th set para maka boost sa confidence nila?"

"Basta I just reminded them na we got this far tapos sabi ko bibitaw pa ba tayo? At nag respond naman sila kaya siguro ganun yung naging kinalabasan ng game at kumapit lang kami." I answered her.

"There you heard it guys, teamwork at puso ang ginamit nina Kim and the rest of the Cargo Movers." Mich turned her attention to the camera for a second then she went back to me again. "One last question,may mga nagtatanong kung may naging inspiration ka ba for this game Kim kaya super ganda ng linaro mo today?" she asked me with a hint of teasing.

Napatawa nalang ako. "Ay grabe siya. Bakit may ganyang tanong?" I laughed. "Lagi ko namang inspiration ang teammates ko. Sila lang talaga."

"Parang meron daw ibang inspiration ngayon eh." Mich still insisted.

"Hala wala." I continued to laugh.

"Itago ba natin sa pangalang." she continued teasing me.

I just hit her jokingly. "Uy wala. Basta this win is for the fans talaga na laging sumusuporta sa amin at sana patuloy pa nila kaming isupport sa remaining games namin."

"Alright Kim, congrats again on your win!" she finally went back to the camera. "This is Mich Del Carmen, thanks for watching!"

Dali dali na akong umalis sa may interview corner pagkatapos ng interview sa akin. There were some fans na nagpapicture pa sa akin before I finally headed to the dugout. Nakasalubong ko pa sina Ate Jov at ate Rachel on my way to the dugout kaya napa usap pa ako nang konti.

When I finally got to the dugout, I went to hit the shower agad agad para makaalis na kami sa venue. Actually may kasama akong uuwi ngayon at hindi ko pa nasabi sa team na hindi ako sasabay sa van. Pagkatapos kong naligo ay nagkaroon pa kami ng short na meeting for the team's win tonight. Nagbigay lang ng konting words si Coach Ramil and he congratulated us for a job well done.

"Galing mo ngayon bossing ha." I heard Ara spoke up from my back habang nagaayos ako ng gamit. "Grabehan po yung laro natin."

"Alam mo naman." I just winked at her.

"Iba talaga ang inspired no?" she winked back. "Pero uy ang ganda rin ng laro niya kanina ha. Nak ng tokwa pinahirapan niya depensa ko." she told me as I lifted my bag from the floor.

"Ganda niya kanina no, I mean yung laro niya." I joked. "Pero sorry siya, panalo ako ngayon."

"Lakas natin Fajardo eh." Ara patted me at the back. "Tara na?" Aya niya sa akin nang palabas na siya sa dugout.

I just gave her a smile at immediately ay na gets na niya kung ano yung ibig kong sabihin.

"Nako nako nako, kaya naman pala." she grinned at me. "May date ka pala ngayong gabi ha."

A Lover's DictionaryWhere stories live. Discover now