Part 1 - One Damn Meeting

10.7K 209 33
                                    


Jian Zeith Teamo's POV

May nakita akong lalaki, sobrang gwapo. Matangkad, walang abs pero hindi payat, maputi, makinis, PERPEKTO!

Tinitigan ko sya, nakatingin din sya sakin. Nilapitan ko sya dahil grabe talaga yung kagwapuhan nya. Hindi ako bakla, okay? Sobrang gwapo nya lang kasi talaga. Lumakad pa ako palapit sa kanya at nagulat ako dahil palapit din sya sakin.

Sobrang lapit na namin sa isa't isa hanggang sa ...

*BOGHSZXCS

Nauntog ako, SA SALAMIN! Gets mo? Kung hindi, bigti na.

Okaaaaaaaayyy~ Moving on! Ganyan naman talaga eh, effort ka ng effort pero sa huli ay mababaliwala ka lang at pipiliting maka move on. Bwahahahahahah

"Baby Z! Ano ba? Nilamon ka na ba ng inidoro't katagal tagal mo?"

Nabalik ako sa ulirat ng kalampagin nya na ang pinto ng cr, makahampas naman oh.

"Eto na, eto na."

Paglabas na paglabas ko ng pinto ay ang nakabusangot na pagmumukha nya agad ang sumalubong sa akin.

"Ano bang ginawa mo sa cr at katagal tagal mo?!" Nakapamewang pa sya at todo taas ng kilay

"Shss. Gawaing lalaki babe" kumikindat pang sabi ko sabay akbay sa kanya

"Aish! Loko loko ka talagang bata ka! Halika na nga't masamang pinaghihintay ang pagkain, aba!" Tinabig naman nya ang kamay ko at naunang maglakad sa akin

Sinundan ko na sya sa kitchen bago pa sya maghimutok sa galit. Pagkarating ko doon ay nakaupo na sya at umiinom ng kape.

Pumunta ako sa likuran nya at niyakap sya
"Sorry na babe, alam mo namang sobrang gwapo ko at kailangan ng mahabang preparation" kiniss ko pa sya sa cheeks

"Hangang hanga ka talaga sa kagwapuhan mo no?"
"Syempre, dyosa rin ang ina eh"
"Yan, ganyan tayo eh. Maupo ka na nga't naglolokohan nalang tayo dito. Kain na"
"Sure, babe"

Umupo na rin ako at nagumpisa ng kumain ng mabilis, malelate na kasi ako kaya mabilisan talaga!

"Lubayan mo nga ako jan sa kakababe mo! Kaya tayo napagkakamalang magjowa eh. Mama mo ako, okay? Gumalang ka!" Itinuto nua pa sa akin yung tinidor nyang may nakatusok na malaking hotdog

"Yiee kunwari pa sya, tuwang tuwa naman kapag nasasabihang mukhang bata"
"Loko! Kumain ka na nga, gutom lang yan"

— — —

Fastforward para intense

Nasa school na ako at kasalukuyang naglalakad sa corridor, and as usual, tinitilian nanaman ako.

De joke lang! Hindi naman ako artista para tilian, hindi rin naman totoo yung mga pa heart throb na dinadagsa ng mga fans, sa tv lang yun!

Normal ang school namin hahahah. May mga sikat pero hindi naman tinitilian, may mga bully pero wala namang nananakit ng sobra, may mga maaarte pero hindi naman sobrang lalandi.

Nang marating ko ang klase ay hindi na ako nag abalang tingnan ang mga kaklase ko, masakit sila sa mata eh. Hahahahah Ang gwapo ko talaga! Eksdi.

Uupo na sana ako pero nabitin ito ng may marinig akong boses, boses ng Dragon! Isang nagngangalit na dragon! Paktay.

"MR. TEAMO!!"
"Sir Jerome!!" Naisigaw ko sa sobrang gulat

Dali dali akong tumayo ng tuwid at napatingin sa harap. Daig ko pa ang sundalo sa umaga.

The Demon's Angel | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon