Jian Zeith Teamo's POV"Hoy! Pupunta ako ah?!" Sigaw ko pagkalabas namin ng room
Uwian na kasi, bilis no? Kasing bilis ng pagkawala ng pagmamahal nya sayo. Okaaaaayyy kalokohan na this.
"Bahala ka, kung mahahanap mo."
"Ano ba, ituro mo kaya."Pero hindi nya ako pinansin at iniligpit na ang gamit nya, pagkatapos ay inaya na nya si Abessie umalis.
"Kinakausap pa kita, wala ka talagang manners!"
Hinabol ko sya at sumabay ako sa kanilang maglakad, nakasunod rin naman sa akin si Nike at Clyde.
"Oyy ano ba!"
Sisigawan ko na sana ulit sya ng bigla syang huminto at humarap sa akin.
"Hindi mo ba kayang magsalita ng mahina? Nakakairita ka na."
"Hah! At ako pa ngayon? Eh sino kaya yung hindi sumasagot at puro seen lang?"
"Hindi mo ba alam yung simpleng logic na kapag hindi sumasagot ang kaharap mo, ibig sabihin ayaw ka nyang kausap?" Sarkastikong sabi nya matapos ay nagpatuloy na silang maglakad.Ano daw? Ayaw nya akong kausap? At sya pa talaga ang choosy? Sa gwapo kong to?
"Seenzoned ka pre! Wahahahahahah"-nike
"Galak na galak ka noh?" Asar na sabi ko, pero tinawanan nya lang ako
"Ano bang nangyari sa inyo?"-clydeAnong nangyari samin? Shet! Mapapamura ka talaga ng wagas kung sayo nangyari yon.
- - - - -
Flashback
Pagdating ko sa faculty office ni sir Jerome ay naabutan ko syang nakaupo sa table nya, sa harap naman nya ay nakaupo si Xeira na kalmadong kalmado habang kinakain ang sandwich nyang ham and cheese ang palaman.
"Sir Jerome" bati ko
"Seat down" seryosong sabi nyaNaupo naman ako sa tabi ni Xeira. Kita mo tong taong to, kitang seryoso na si Sir, tuloy parin sa paglamon. Wala talagang galang.
"Mind telling me what happened?"-sir
Mukha namang walang balak sumagot itong kasama kong walang galang kaya ako na ang nagsalita.
"Maliit na misunderstanding lang po."
"Maliit? Maliit ba yung magsigawan kayo sa cafetiria? Maliit ba yung hindi nyo manlang napansin na ako nang adviser nyo ang umaawat sa inyo? Maliit yon?"Napayuko nalang ako. Aba alangan namang ikwento ko yung pinagawayan namin? Ang awkward naman yata non.
"Let me remind the two of you na nasa first section kayo, kayo dapat ang role model, kayo dapat ang gagayahin ng iba at tama dapat ang ginagawa nyo! What do you want other students to think? Na okay lang magsigawan sa cafetiria? Na tamang sigawan ang isang teacher?"
Okay, so heto na ang homily ng minamahal kong adviser.
Todo dada na sya tungkol sa kagandahang asal, pati rules ng school nasabi na nya, pati yata yung ekonomiya ng Pilipinas naidamay na. Jusko.Natigil lang sya sa pagtalak ng may dumating na isa pang teacher, yung nakaupo sa desk na katabi ng kanya.
"Nako Sir Jerome, may problema tayo." Ma'am Shirley, teacher ko sya last year
"Anong problem Ma'am?"
"Eh naospital yung isang performer natin sa Opening ceremony ng Sports fest, kailangan daw palitan."Sports fest, oo nga pala noh, next month na yon. October na pala next month. Napakunot noo ako ng marealize ko, kalagitnaan na ng school year, bakit kaya lumipat pa sila Xeira at Abessie? Pwede pala yon? I mean, tapos na ang first grading, saan nila hinugot ang grade nila?
BINABASA MO ANG
The Demon's Angel | ✔
FantasyXeira Kaye Fhore, a fearless, cold but caring Reaper is yet to bring havoc in the disguised peaceful life of Jian Zeith Teamo, a childish, hot headed but enigmatic Demon who doesn't even know the existence of his race and his real identity. Their wo...