Part 6 - Ligaw

2.7K 96 1
                                    


Jian Zeith Teamo's POV

You're going to die.

"Waaaaaaaahhhhh~!" Ginulo gulo ko ang buhok ko pagkatapos ay biglaan akong yumuko sa armrest ng armchair ko kaya nauntog ako. Hindi naman ganon kasakit sa noo dahil plastic to.

"Zeith! Kanina ka pa namin hinahanap, anong ginagawa mo dito?"-clyde
Bigla syang pumasok ng room kasama si Nike kaya napatingin ako sa kanila

"Bakit ka sumigaw? At bakit namumula yang noo mo?"-nike
"Wala kang pake." Tanging nasabi ko sabay ubob ulit sa armrest

Sobrang frustrated talaga ako ngayon. Una dahil sa panaginip ko, napanaginipan ko nanaman yung lalaki. This time wala na kami sa paradise like na lugar, nasa isang madilim na lugar nalang kami at ang nakakatakot, sinasakal nya ako at paulit ulit sinasabi na You're going to die. Dahil sa panaginip na yon hindi na ulit ako nakatulog nang magising ako ng alas tres, tuwing pipikit kasi ako parang nakikita ko yung mga mata nyang kulay dilaw. Nakakatakot, sa totoo lang. Ang aga ko tuloy pumasok, tapos naalala ko pa Sports fest nga pala at wala kaming laban ngayon, sabi ni coach manood nalang daw muna kami ng ibang game.

"Nangyari sayo? Dahil ba yan kay Xeira? Ayos lang yan, bro."-clyde

Yan ang ikalawang problema ko, si Xeira, nakakahiya yung pag-amin ko! Matapos ko syang awayin, magkakagusto ako sa kanya? Tapos sobrang bilis pa, halos isang buwan palang sya dito sa school eh. Parang tanga lang.

"Kausapin mo nalang ng matino."-clyde
"Oo nga, wag mong wo-walk-out-an."-nike
"Gago ba kayo? Nakakahiya, wala na akong mukhang maihaharap don!" Sabi ko sabay tingin ng masama sa kanila, as in yung deadly. Hindi nila yon pinansin at umupo sa desk ng teacher sa unahan.

"Edi tumalikod ka!"-nike
"Seryoso ako!" Pinukpok ko pa ng pagkalakas yung armrest ko

"Oy oy, seryoso din kami. Kung kinakailangan tumalikod ka makausap lang sya, gawin mo! Ikaw din, baka maunahan ka"-clyde
"Maunahan?"
"Oo, si Duke! Tanga lang? Ikaw na rin ang nagsabi, pakiramdam mo may something yun kay Xeira diba?"-nike

Oo nga, yung pesteng Duke na yon. Bwisit naman oh! Pinoproblema ko na nga yung panaginip ko, yung pag amin ko kay Xeira, pati ba naman sya poproblemahin ko rin?! Ipa murder ko nalang kaya para problem solved na? Haaaay! Nakakabano to.

"Pero bro, yung totoo, si Xeira lang ba yan? Laki kasi ng eye bags mo, natulog ka ba?"-clyde
"Lalong hindi ka makakaharap kay Xeira nyan, mukha kang adik na nakaamoy ng ipinagbabawal na utot eh! Bwahahahah"-nike

Naghalumbaba lang ako at tiningnan sila ng seryoso, mukhang nasense ni Nike na seryoso na talaga to kaya nanahimik sya.

"B-bakit?"-nike
"May isa akong major problem ..." Hindi sila sumagot at kunot noong nakatingin lang sa akin
"... nanaginip ako, tungkol sa lalaking dilaw ang mata. Natatakot ako."
Tuluyan silang napanganga at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin
"Shit"-clyde
"Tangna"-nike

Truth is. May ideya ako kung sino ang lalaki sa panaginip ko, malakas ang kutob ko na sya yon. At natatakot ako, hindi lang para sa akin kundi pati sa kaligtasan ng mama ko. Dahil alam ko kung ano sya, kung anong kaya nyang gawin. Lalo na sa isang tulad ko. At alam din to nina Nike at Clyde.

- - - - -

Xeira Kaye Fhore's POV

Nandito na ako sa school kausap si Bes, nakaupo lang kami sa ilalim ng lilim ng isang puno. Isa ito sa madalang na pagkakataong nakakapagusap kami ng seryoso tungkol sa isang bagay. Plano ko sanang wag nalang pumasok, kaya lang naisip ko si Zeith, pati yung sinabi ni Xander kagabi.

The Demon's Angel | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon