Epilogue

3.7K 121 15
                                    


Some years after the War

"Hey, pupunta ka?" Bungad na tanong sa akin ni Abessie pagkasagot ko ng tawag nya, wala manlang hello. For sure, magkasama sila ni Nike ngayon.

"Of course, death anniversary nya."
"Baka mamayang hapon nalang kami, may check up ako eh." Ahh. Oo nga pala, buntis sya, magkakababy na sila ni Nike.
"Sige, ingat." Tanging naisagot ko tsaka ibinaba ang tawag.

Sumakay na ako sa kotse ko at dumiretso sa simenteryo, sa lugar kung saan sya nakahimlay.

Ilang taon na rin pala ang nakalilipas simula ng digmaang yon, simula ng mawala sya sakin.

Sa mga taong iyon ay marami na ang nagbago, maraming umalis, maraming dumating, isa lang naman yata ang hindi nagbago … ako, yung nararamdaman ko.

Did you know na nagkatuluyan sila Nike at Bes? Sabi na eh, noon palang nahuhulaan ko ng may patutunguhan ang kalokohan nilang dalawa.

Nang makarating ako ay inilagay ko ang bulaklak sa puntod nya at nagtulos na rin ng kandila.

Xeira Kaye Fhore

Basa ko sa lapida. It's been years since the day she died, but to be honest, I'm still into her. It's still her, just her.

Nang araw na magising ako matapos ang digmaan. Nakita ko nalang ang sarili ko sa isang kwarto, unang hinanap ng mga mata ko si Xeira, but she's not there. Kinutuban na ako, may ideya na ako sa kung anong nangyari sa kanya.

Pero ayoko, ayokong maniwala, ayokong tanggapin. Hindi ko kaya na mawala sya. Kaya ng makita ko sya, sa loob ng isang kabaong … parang namatay na rin ako.

Si Xeira kasi, isinama yata sa hukay ang puso ko.

Kung may mga bagay man na naging maganda matapos ng pagkawala nya. Yun ay ang pagiging maayos ng Committee, the Death Committee's running all the Reapers in just, no fights, no one's overpowering. Isang bagay na alam kong matagal ng gusto ni Xeira.

While Demons are doing their best to be nice, or at least good enough to not hurt any mortal, ako na ngayon ang pinuno nila, kaya wala silang choice kundi ang sundin ako.

Though meron parin talagang mga pasaway, at alam kong hindi sila mauubos. There's still this someone out there, planning something evil against me. But one thing's for sure, hindi ako magpapatalo.

Matapos ang buong araw ay tumayo na rin ako. Ganito naan ako every year, tuwing death anniversary nya, tatambay lang ako buong araw sa harap ng puntod nya. Nakatulala habang inaalala ang mga oras na magkasama kami.

Sa totoo lang, sobrang sandali lang naming nagkasama. Two months, two months lang kung tutuusin. Pero yung sakit na iniwan nya sakin, kahit yata mag reincarnate ako ng dalawang beses, hindi mawawala.

Dati naitanong ko.

"Ano bang mas masakit, yung mamatayan ka ng taong buong buhay mo kilala o yung taong ilang buwan mo lang nakasama?"

At ang nakuwa kong sagot? Limang salita lang.

"Depende sa tibay ng pagsasama."

Yeah right. Wala sa panahon yan, nasa tibay ng pinagsamahan.

Papaalis na sana ako sa harap ng puntod nya ng biglang may humawak sa braso ko. Nang makita ko kung sino, sobrang nanlaki ang mata ko.

"Kuya, panyo mo nahulog." Nakangiting sabi nya sabay abot ng panyo ko

"Salamat." Tanging sagot ko

Humarap ako sa puntod nya at tinitigan ito bago iiling iling na nagsalita.

"Partida. Kamukhang kamukha mo na yon pero wala talaga. Nanlaki lang ang mata ko, pero hindi naapektuhan ang puso ko."

Matapos non ay umalis na ako para dumiretso sa book signing ko. Yes naman. Engineer na this guy, writer pa!

"Sir, saan nyo hinugot ang kwentong to? Parang totoo po, anong inspiration nyo?" Sabi ng isa sa mga reader ko

Madalas ko ng marinig yan sa kanila. Paanong hindi parang totoo, eh totoo talagang nangyari yan. Gusto kong sabihin sa kanila. Pero hindi pwede, dahil hindi maaaring lumabas ang tungkol sa pagkakaroon ng totoong Reaper o Demon.

"Sa isang babae." Nakangiting sabi ko
"Ay taken ka na po?"
"Hindi, taken by heart lang."

Ibinigay na nya sa akin ang librong papapirmahan nya.

The Demon's Angel. Ang pamagat ng librong isinulat ko para sa kanya.

But the ending of this book is different, sa librong ito, masaya ang naging wakas. Sa librong ito, hindi sya namatay, hindi nya ako iniwan.

Bakit ko ginawa yon? Simple lang, para ng sa ganon, kahit sa libro lang, magkaron ng Happy Ending. Ganon naman talaga ang reality diba? Isinasampal sa mukha natin na ang happy ending, sa mga libro lang makikita.

Isinulat ko ang kwento namin, nang sa ganon ay makarating ito sa iba't ibang lugar. At mabasa ng iba't ibang tao … hopefully, pati sya.

'Coz I'm still hoping, hoping na sana, after years of waiting, after years of searching … magkita kaming muli.

Even if I need to wait 'till my last breath.

The Demon's Angel | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon