Xeira Kaye Fhore's POVFlashback
The night after nang huling paguusap ni Xeira at ZeithKaya nga naimbento ang panliligaw, para sa mga taong gustong magustohan rin sila ng taong gusto nila.
Timang. Timang talaga sya. Panliligaw ang sinasabi nya? Sa tanang buhay ko wala pang nanligaw sakin, dahil yung mga nagtangka. Natatakot matapos makilala ang kalahati ng pagkatao ko. Kalahati palang yun ah, what more kung buo?
Hindi kapanipaniwala. Hindi dapat magtiwala.
"Xeira! Bumaba ka rito!"
Natigil ang pagiisip ko ng tumawag si Bes mula sa baba. Nandito ako sa kwarto ko pero rinig na rinig ang boses nya, pati yata kapitbahay maririnig sya, buti nalang wala kami non.Pagbaba ko naabutan ko silang nasa living area. Nasa mini table si Bes at Joel, may itim na libro sa harap nila na halata mong luma na. Nasa single sofa naman si Rigid, kaharap nya yung loptop nya. Busying busy sila ah, nasan kaya si Duke, Law at Kim?
"Anong trip yan? Group study?"
Sinamaan nila ako ng tingin
"Remember, kaninang tanghali, nauna akong umuwi sayo dahil nakikipaglandian ka pa kay Zeith?---"-bes
"Hey! I'm not!"Naupo ako sa mahabang sofa at tiningnan sila.
"Edi hindi! Basta yon, bored ako, kaya napadpad ako sa library nitong bahay. Tapos napunta ako don sa pinaka dulo, nakita ko to." Itinaas nya yung isang itim na libroMukha lang naman yong pangkaraniwan, bukod sa luma na at walang title, wala namang weird doon. Ngayon ko lang nakita ang libro na yon sa totoo lang. Mahilig kasi ako magbasa pero hindi ako napapadpad sa dulong part , nasa bungad kasi yung mga gusto kong libro.
"Oh tapos?"
"Anong oh tapos? Hindi ka ba nawiwirduhan dito? Kulay itim, hard bound kahit manipis lang, tapos walang tittle? At tingnan mo yung loob, di maintindihan ang sulat."-besKinuha ko yung libro at tinitigan. Lumang luma na talaga to at may kung anong hindi ko maintindihan na amoy, parang galing sa ilalim ng lupa. Binuklat ko yon at tama nga si Joel, ang ewan nung sulat. Alam kong hindi yun Chinese, Japanese o Korean calligraphy kasi iba talaga. Gold pa yung ginamit na kulay ng tinta.
"May weird nga na sulat sa loob, oh tapos?"
"Xei naman, syempre nakaka curious. Naghanap ako sa library at yan lang yung may ganyang sulat, gusto kong idecode."-bes
"Ano namang kinalaman ko jan?"
"Diba matalino ka? Mas madaling magdecode kapag kasama ka, hinahanap na ni Rigid kung anong sulat to."-joelIbinalik ko na kay Joel yung libro
"Bakit hindi sila Duke, Law at Kim ang kulitin nyo? Teka, nasan na ba yung tatlong yun?"
"Inutusan sila ng committee.""Eto na! Nakita ko na."-rigid
"Patingin, patingin!"-bes
Ipinakita ni Rigid yung loptop nya sa dalawa
"Greek writing?"-joel
"Old Greek writing, sobrang luma na nyang libro."-rigidTumayo si Bes at hinila ako palapit sa kanila
"Tara na! Magdecode tayooooo!"At ano pa nga bang magagawa ko? Makulit sya kaya umoo nalang ako.
- - -
Akala ko ng mga oras na yon, walang patutunguhan ang pagdedecode, akala ko walang kwentang libro yon. Pero hindi, kasi yung libro, kasaysayan yon ng mga Demons. Tungkol sa pinagmulan nila, sa kapangyarihang taglay nila, sa mga kahinaan nila ... lahat ng tungkol sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Demon's Angel | ✔
FantasyXeira Kaye Fhore, a fearless, cold but caring Reaper is yet to bring havoc in the disguised peaceful life of Jian Zeith Teamo, a childish, hot headed but enigmatic Demon who doesn't even know the existence of his race and his real identity. Their wo...