Part 4 - I Am What?!

3.4K 124 0
                                    


Jian Zeith Teamo's POV

"Waaaaaahh~ grabe inaantok ako!" Reklamo ko
"Maaga naman uwian kahapon ah, wala ring assignment, bakit ka napuyat?"-clyde
"Baka nagLOL pa! Attack pa more!"-nike
"Hindi, tanga. Ni hindi ko nga nahawakan computer ko."

Umubob nalang ako sa desk at pumikit. Bakit nga ba kasi ako napuyat? Ewan ko rin ba, basta kagabi hindi ako makatulog, nakahiga lang ako sa kama pero kahit anong pikit ko gising na gising parin ang diwa ko. Asar talaga, feeling ko tuloy umiikot ang paligid ko sa antok.

"Bakit kaya antok na antok to?" Rinig kong sabi ni Clyde
"Baka may ginawa kagabi." Natatawang sagot ni Nike

Pucha. Kaberdehan ang nasa isip nito, pramis!

"Ginawa?"
"Oo! Hahaha baka nagsarili yan! Bwaahahahhaha!"

Bigla akong bumangon at binatukan sya ng matindi.

"Gago! Inosente to!"
"Eh ano ba kasing ginawa mo kagabi? Sabihin mo na ng hindi ka napagiisipan ng masama." Natatawa na ring sabi ni Clyde

Naghalumbaba ako sa desk at tiningnan sila ng masama.

"Wala akong ginawa! Basta hindi lang ako makatulog, inabot na nga ako ng madaling araw kakaikot sa higaan!"
"Talaga ba? Ulul! Baka may iniisip ka, o kaya may nagiisip sayo!"-nike
"Wala!"

Sino namang iisipin ko?

Waaaaaahhh! Pramis hindi ko iniisip si Xeira kagabi, hindi talaga! Huhu

— — — — —

"Isama mo na rin yan"
"Ito?"
"Oo."

Itinuloy ko ang pag copy paste sa loptop at naghanap pa ng ibang information, habang sya ay busy rin sa pagbabasa sa sarili nyang loptop.

Kasama ko si Xeira dito sa library dahil gumagawa kami ng report para sa subject na Filipino, yung by partner. Hindi naman mahirap dahil puro copy paste lang ang ginagawa ko. Hehe. Kagandahan ng may wifi. Pero wag ka, hindi kami nakikiconnect sa school. May dalang sariling wifi si Xeira, mabagal daw kasi yung dito. Palibhasa open wifi, lahat nakakaconnect. Yan ang main reason kaya tinatangkilik itong library, hindi dahil sa libro kundi dahil sa wifi.

"Eh ito? Parang okay din."

Pagtukoy ko sa nabasa ko. Kakatapos lang ng klase at diretso agad kami dito sa library para sa project. Nawala na rin yata kahit papaano yung antok ko dahil nagfofocus kami dito sa Filipino. Interesado kasi ako sa topic, yung aklat na El Filibusterismo. Book two yon ng Noli me Tangere ni Rizal. Wag ka, fan ako ni Ibarra at Simoun.

"Patingin."

Naramdaman ko nalang ang bahagyang paglapit nya kaya napatingin ako, pero …

*Dugdugdugdug

Hindi lang pala bahagya yung paglapit nya, malapit na malapit talaga. Bale sinilip nya kasi yung loptop ko, tapos hindi nya yata makita kaya mas lumapit sya.

"Hindi, ang layo sa topic. Binabasa mo ba yung mga pinagkukuha mo?"

Binalingan nya ako ng tingin kaya napatitig nanaman ako sa mala abong kalaliman ng mga mata nya, yung mata nyang nangungusap. Mga matang parang ang daming gustong sabihin pero hindi mailabas. Ang ganda talaga.

"Zeith! Sabi ko, binabasa mo ba yung mga kinukuha mo?"
"Huh?"

Nangunot ang noo nya at inilapit pa lalo ang mukha sa akin, tinitigan nya ako deretso sa mata. Napalunok naman ako ng kaunti dahil sa lapit nya. And mind you, ang bango ng hininga nya, amoy lollipop.

The Demon's Angel | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon