Jian Zeith Teamo's POVHindi na magkamayaw sa paghahanda ang mga kasama ko, lahat sila, kahit si Nike ay hawak ang kanikanilang armas. Isang buwan na ang nakalipas magmula ng sabihin ni Xeira ang deal nya sa tinatawag nilang Pinuno. Sa loob ng isang buwan na yon ay puspusan ang training ko, talagang hindi tumigil si Xeira sa pagtuturo sakin kahit na pakiramdam ko eh ang slow ko.
Marami syang itinuro sakin, lahat ng kapangyarihan ko bilang isang Demon at Reaper ay alam ko na. At masasabi ko naman na ang laki na ng ipinagbago ko, ng pisikal na lakas ko. Pero pakiramdam ko, hindi ko parin kaya.
I remembered earlier when we set Clyde free, bago sya tumakbo paalis ay sinabi nyang 'Anumang training ang gawin mo, kung hindi mo tuluyang yayakapin ang kadiliman sa loob mo, hinding hindi mo sya magagawang patayin!'. We let him free para sya na mismo ang magdala kay Crowley papunta rito.
"Zeith, ayos ka lang?"
Mula sa likuran ay lumitaw si Xeira, holding a glass of water na ibinigay nya sa akin.
"Kinakabahan ako. Paano kung hindi ko magawa? Paano ka?"
"Paano ako? Hindi ba dapat sarili mo ang iniisip mo? Kapag hindi mo sya napatay, maaaring ikaw ang mapatay nya."Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya
"Kapag hindi ko nagawa, papatawan ka ng parusang kamatayan, dahil sakin."
"Ayos lang ako, magihing maayos ako. At wag kang matakot sa mangyayari mamaya, sasamahan kita." Nakangiting sabi nya"Guys! Tumawag si Kim sa taas, a troop's approaching us, approximately 10 minutes nandito na!"-eris
Si Kim, Bes at Law ang nasa itaas para magbantay. Nang sa ganon ay may magsabi sa amin kung may kahit na sinong paparating.
Nagsitakbuhan na kami pataas, preparing ourselves for a war that was about to come.
— — — — —
Narrator's POV
Sa grupo ni Zeith, lahat sila ay tensyonadong nagaabang sa paparating na mga kalaban. Lahat ay kabado, pero liban dito ay mababakas rin ang excitement sa mata ng mga Reapers. Kailan nga ba ang huling digmaang nasamahan nila? 100 or 130 years ago? Mga panahong hindi pa buhay si Xeira, at ang lumalaban palang ay sina Duke na ilang dekada ang tanda sa kanya.
Sa kabilang panig naman, sa pangkat na pinamumunuan ni Crowley, lamang na lamang ang galit sa kanyang mukha, galit na tanging kamatayan lang ng pangpitong anak nya ang makapag aalis. Sa tabi nya ay ang pang anim nyang anak na si Clyde, ang taksil na kaibigan ni Zeith. At sa likuran naman nila ay ang daan daang mga demonyo na ang tanging nais lang ay ang kamatayan ng mga Reaper, na simula't simula palang ay pinaniniwalaan nilang humahadlang sa kanila.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay nagtagpo na ang landas ng dalawang grupo. Sampung Reaper, isang Half Demon at isang Half Demon Half Reaper laban sa humigit kumulang Limang daang mga Demonyo.
"Ang katapusan ay nalalapit na."
Bulong ng isang pigura sa malayo, tahimik syang nakatanaw sa pagtatagpo ng dalawang grupong nasisiguro nyang maghahatid ng katapusang matagal na nyang inaasam. Ang katapusang babago sa matagal ng nakasanayan."Ahh ang mahal kong anak." Pambungad na salita ni Crowley ng oras na makaharap nya si Zeith "Sabi nitong si Clyde itinali mo raw sya ng isang buwan, gawain ba yon ng isang mabuting kapatid?" May mapangasar na ngiti ang sumilay sa mukha ni Crowley
"Kapatid?" Hindi makapaniwalang sabi ni Zeith. Hindi magkamayaw sa lakas ang tibok ng puso nya, sinabayan pa ito ng utak nyang gulong gulo na rin sa sitwasyon.
BINABASA MO ANG
The Demon's Angel | ✔
FantasyXeira Kaye Fhore, a fearless, cold but caring Reaper is yet to bring havoc in the disguised peaceful life of Jian Zeith Teamo, a childish, hot headed but enigmatic Demon who doesn't even know the existence of his race and his real identity. Their wo...