"JarLine! JarLine!" Kantyaw ng mga school mate ko sa magkatinginang sila Darline at Jacob.
Napakadaming tao ngayon sa oval ng school. Ito na ang mini-concert na hindi ko inaasahang ganito kasakit.
Highschool palang ako, pero kasal na ako at may asawa na. Pero walang may alam, syempre, ayaw ng asawa ko e.
Umalis na lang ako sa oval para di na ako masaktan.
Oo nga't asawa ko si Jacob, pero habang tumatagal na ganito yung set up namin, para bang isinasampal sakin yung katotohanang mas bagay si Darline kay Jacob, kaysa sakin na isa lang namang nerd.
Isinasampal lalo.
Sana binaliwala na lang niya ako kaysa malaman kong iba ang mahal niya.
Ang sakit na kasi e.
But I am stuck keeping this nerd's secret.
***

BINABASA MO ANG
Nerd's Secret
Fiction généraleSi Red Montavilla isang babaeng nerd na napilitang ipakasal kay Jacob Yuno Bylnt isang lalaking super hot, super gwapo at super appealing. Noong una ay wala namang feelings si Red para sa nilalang na ito dahil hindi naman daw ito libro. Pero ang...