Chapter Thirty Nine

2.7K 35 4
                                    

 January 6,2014

 ARA'S POV

"Hi hija! how are you? akala ko hindi mo na kami dadalawin dito.after kasi ng break up nyo ni thomas di na ka ulit nagpunta dito sa bahay, sobrang na-miss ka talaga namin ng mommy ni thom." bungad na wika sa akin ng daddy ni thomas.


"Nahihiya po kasi ako tito eh gustuhin ko man po na dalawin kayo kaso lang pinagungunahan po talaga ako ng hiya idag-dag pa po yung fact na break na po kami ni thomas that time. pero ang importante po ngayon ay nakabalik na po ako ulit dito at sobrang saya ko po talaga dahil nakita ko po kayo ulit ni tita na-miss ko din po kayo.", sinsero kong tugon sa daddy ni thomas. nakakatuwa lamang isipin na di pa rin nag-babago ang pakikitungo nila sa akin ramdam na ramdam ko tinuturing na rin nila akong bahagi ng kanilang pamilya.


"Let's just forget the past basta ang mahalaga kayo na ulit ng anak ko. at kung kinakailangan na ipakasal ko kayong dalawa kaagad bukas na bukas ay talagang gagawin ko to make sure na hindi na kayo ulit magkakahiwalay nitong si thomas.",seryosong sabi ng daddy ni thomas natawa nalang ako sa huli niyang sinabi. napatigil nalang ako sa pagtawa ng makita kong seryosong nakatitig lang ito sa akin maging ang mommy ni thomas."Ahhehe s-sorry po tito and tita nakakatawa lang po kasi yung joke niyo kaya po ako natawa.", pag-papaumanhin ko sa kanila.


*Chuckled*"Ikaw talagang bata ka seryoso ako sa sinabi kong iyon but of course wala ako sa position para pangunahan kayong dalawa ni thomas. but  we're still hoping na maikasal na kayong dalawa para naman maging officially part ka na ng aming family right?", na-touch naman ako sa sinabing ito ng daddy ni thomas. parang naiiyak tuloy ako grabe lang. tanging ngiti nalang ang naisagot ko dito.


"O tama na nga yan at baka magkaiyakan pa kayong dalawa jan .mabuti pa siguro victor kung tulungan mo nalang ako mag-ready ng dinner natin nang makakain na rin tayo.", singit sa amin ng mommy ni thomas."Sige ars maiwan ka na muna namin jan ha, feel at home anak", pag-eexcuse sa akin ng mommy ni thomas. ang sarap naman pakingan ng words na anak mula dito feel na feel ko talagang part na ako ng family nila.


Habang busy kami sa pag-chichikahan ng parents ni thomas.ay busy din si thomas sa pakiki-usap sa kanyang kuya axel.


"Hey bro! what's up?"bati ni kuya axel kay thomas. infairness sa kuya ni thomas ah di pa rin nag-babago gwapo pa rin ito, pero ang pinagtataka ko lang hanggang ngayon single pa rin ito. hmm smell something fishy di naman kaya kalahi pala ito ni vice ganda? naku wag naman sana i'm sure maraming iiyak na girls including beki's if ever maging baklush ang lolo mo.


"I'm good bro, ikaw kamusta? tagal mo ding nawala dito sa pinas ah akala ko nakalimutan mo na kami eh", nakipag- fist bumped pa si thomas kay kuya axel sabay akbay dito. 


"Haha di naman bro, you know naman marami akong commitments sa france na hindi ko pwedeng basta-basta nalang iwan dun.", pag-papaliwanag nito.


"Ganon ba? hanggang kailan ka naman dito sa pinas?", thomas na di pa rin inaalis ang pagkaka-akbay sa balikat ng kanyang kapatid


"Actually hindi na ako babalik pa doon,i decided to stay here for good and to manage our family business para naman mapahinga na rin si dad and mom. isa pa gusto ko din i-expand ito to earn more profit tsaka para makapag-establish pa tayo ng another branch.", pag-lalahad nito.sumibol naman ang ngiti sa mga labi ni thomas ng marinig nitong hindi na muling aalis ang kanyang kuya.


Love will Lead you Back {Thomas Torres & Ara Galang fiction}CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon