Chapter Forty

2.8K 37 10
                                    

January 7,2014

THOMAS' POV

Natulala na lamang ako ng marinig ko mula kay ara ang isang napakagandang balita. hindi ko alam kung paano ako mag-rereact basta ang tanging nagawa ko lang ay ang kulungin sya sa aking mga bisig at gawaran ng isang matamis na halik. halik na punong-punong ng pagmamahal di man maibigkas ng bibig ko ang mga salitang nais kong sabihin hahayaan ko na lamang na ang aking puso ang siyang mag-parating nito sa babaeng pinaka-mamahal ko na higit pa sa aking buhay nyek! sobrang cheezy ko na yata nakakabading na itong mga pinagsasabi ko sa isip ko pero wala akong magagawa ganito naman talaga kapag inlove ka diba, nagiging Corny at OA.


Nang magbitiw ang aming mga labi ay dun lang ako nagkaroon ng lakas upang maisatinig ang aking nais sabihin kay ara. "Wow! i-i didn't expect it ars. hindi ko rin alam kung paano ko i-eexplain ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito.the words are not enough para masabi kung gaano ako kasaya ng sabihin mong tinatangap mo na ako bilang iyong nobyo", puno ng galak kong wika kay ara, kita rin sa maamo nitong mukha ang kasiyahan. i never forget this night. This is the best night that ever happened in my entire life.


"Thank you ars thank you for giving me another chance to prove myself to you. i know it' was not easy for you to entrust your heart again but thank you for entrusting it to me all over again and for letting me to taking care of it.hayaan mo rin sanang ako mismo ang tuluyang magbura ng pilat na nilikha ko sa iyong puso noon", nagsimula nang umagos ang mga luhang kanina pa gustong kumawala sa aking mata. luhang dala ng labis na kaligayahan.

Love will Lead you Back {Thomas Torres & Ara Galang fiction}CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon