Chapter 54

1.4K 39 7
                                    

Continuation

"Bes narinig mo ba yun hah? anak nya daw si franco. naku sinasabi ko na nga ba nagsisinungaling yang arrah na yan eh.", naiinis na turan ni mika. habang ako eto tulala pa rin at pilit pa rin prino-process sa utak ko ang mga narinig ko sa usapan nila arrah at joseph.

 

"Arabelles okay ka lang. gusto mo dalin ka na namin sa kotse. nanginginig ka na oh.", nag-aaalalang sabi ni carol tsaka ako inalalayan.

 

 

"A-Ang t*nga ko. ang t*nga t*nga ko .naniwala ako sa babaeng yan. nakipaghiwalay ako kay thomas dahil buong akala ko anak niya talaga si franco. tapos eto malalaman kong puro's kasinungalingan lang pala yung mga yun. ", naramdaman kong unti-unti ng namumuo ang mga luha sa mata ko. sakit at galit naman ang bumabalot sa akin ngayon. gusto kong sugurin si arrah dahil sa panlolokong ginawa nya sa akin at kay thomas. ang sama nya ang sama sama nya.

 

 

"Bes wag mong sabihin yan. hindi ka tanga okay. nagkataon lang na ginamit ni arrah yung weakness mo which is yung pagiging maawain mo. well sorry na lang siya dahil nalaman mo ng maaga yung secret nya. atleast may time ka pa para maayos kung ano man yung maling nanging desisyon mo.", tama si mika. pero pano ko yun gagawin kung galit na sa akin si thomas kung nagyon pa lang pinag-aaralan na nya akong burahin sa puso't isipan nya.  bakit kasi ang t*anga ko eh. ang bilis kong napaniwala at ang bilis kong isuko yung bagay na mayroon kami ni thomas. 

 

 "At sa tingin mo paniniwalaan ka ni thomas? eh di ka nga nya kilala eh so paano ka nya paniniwalaan na anak mo nga si franco. kung ako sa'yo tigilan mo nalang kami ng anak ko. dahil kahit anong gawin mo hindi ko na siya ibabalik pa sa'yo. si thomas lang ang daddy nya at hindi ikaw kaya pwede ba layuan mo na kami!", 

 

"Yan ang akala mo arrah. hindi pa ako tayo tapos. maghintay ka lang dahil makukuha ko ulit sa'yo ang anak ko.", may halong pagbabantang pahayag ni joseph kay arrah. tsaka ito tuluyan ng umalis. mabilis naman ako inalalayan nila mika palayo doon para hindi kami makita ni arrah. habang naglalakad kami ay sya ding sunod-sunod na pagpatak ng mga luha ko.

 

Sa sandaling ito sobra-sobrang galit ang nararamdaman ko kay arrah. sya ang dahilan kung bakit ako nahihirapan ng ganito ngayon. sya din ang dahilan kung bakit ako nag-desisyong na huwag sabihin kay thomas na buntis ako.nang dahil sa kanya nasira ang relasyon namin ni thomas. nanginignig ako sa sobrang galit gusto ko syang saktan sabunutan at kung ano-ano pang parran para lang mailabas ko 'tong galit ko. pero di ako ganun klaseng tao kay pinipilit ko nalang controlin at pakalamahin ang sarili ko.

 

"Bes ayos ka lang ba? kakayanin mo pa rin ba maglakad? kung gusto mo dito nalang muna kayong tatlo nila carol at cienne. kami nalang ni ate kim ang kukuha ng kotse para di ka na mhirapan pang lumakad.", nag-aalalang tanong sa akin ni mika. 

Love will Lead you Back {Thomas Torres & Ara Galang fiction}CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon