Chapter 50

1.5K 34 8
                                    

Takbo lang ako ng takbo habang patuloy pa rin sa pag-iyak wala na akong paki-elam kung pinagtitinginan man ako ng mga taong nadadaanan ko.basta ang mahalaga sa akin ngayon ay ang makalayo at makaalis sa lugar na ito. kaya ng marating ko ang labasan ng park pinara ko kaagad yung taxi na nakita ko.pagkasakay ko nagpahatid ako sa driver ng taxi sa subdivision kung saan naroon ang bahay ni thomas.kailangan ko ng kunin ang mga gamit ko hanggat hindi pa nakakabalik si thomas sa bahay niya.ayoko ng maabutan pa nya ako dun kasi baka mas lalo ko lang maramdaman yung sakit kung makikita ko pa siya.

Habang nakasakay ako sa loob ng taxi walang ibang tumatakbo sa isipan ko kundi ang nasaksikan kong ginawang pag-propropose ni thomas kay arrah jel sa harapan ko kanina. aaminin ko sobarang sakit nun,may panghihinayang din akong nararamdaman dito sa puso ko.siguro kung hindi ko siya pinagtulakan kay arrah kung mas naging matapang lang ako. baka masayang masaya ako sa mga oras na ito dahil nag-propose sa akin si thomas. pero hindi eh masyado kasi akong naging duwag at hindi ko manlang inisip yung sarili ko, yung baby ko. kung pwede ko lang sanang ibalik yung oras pero wala na nangyari na wala namang mapapala kung sisisihin ko pa rin yung sarili ko. hindi naman mababago nun ang mga naganap na kaya kahit mahirap man pipilitin ko nalang na tanggapin. na mas pinili kong masaktan at magparaya kaysa ang lumigaya kasama si thomas.

"Miss san banda dito kita ibababa?.", biglang tanong sa akin ng taxi driver.Sa lalim kasi ng iniisip ko di ko na namalayan na malapit na pala kami sa bahay ni thomas. "Ah jan nalang po sa green na gate ", sabi ko sa driver.agad naman nitong hininto ang taxi .inabot ko na sa driver yung bayad ko tsaka bumaba na mula sa taxi nito.

"Hayyy", napabuga nalang ako ng hanggin ng mapagmasdan ko ang kabuuan ng labas ng bahay ni thomas. "Ito na siguro ang huling beses na makikita ko ito.", nasabi ko sa sarili ko habang pinagmamasdan pa rin ang labas ng bahay. may isang minuto din akong nakatayo sa harapan nun nang magpasya na akong pumasok na sa loob. 

Pagpasok ko sa loob parang isa-isang nag-flashback sa isip ko yung mga memories na nangyari sa amin dito ni thomas sa bahay niya. yung kulitan,asaran namin na minsan or should i say madalas na nauuwi sa pikunan at awayan. pero kahit madalas kaming ganun noon ni thomas meron pa rin syempreng mga magaganda at nakakakilig na nangyari sa pagitan namin. nakakatuwa talagang balik-balikan yung mga memories na yun. sayang nga lang at hindi na madadagdagan pa ang mga memories na iyon. pero nagpapasalamat parin ako dahil may mga masasaya at magagandang ala-ala akong babaunin sa pag-alis ko dito sa bahay ni thomas. 

Kahit alam kong nagsisimula na namang mang-gilid ang mga luha ko nagawa ko pa ring i-manage ang magpaskil ng ngiti sa aking labi nang matanawan ko ang apple na bigay ni thomas sa ibabaw nang lamesita. dun ko kasi iyon iniwan bago ako umalis kanina.lumapit nalang ako dun sa lamesita at tsaka kinuha yung apple pinagmasdan ko muna ito saglit tapos ay pinusan ng panyong kinuha ko mula sa loob ng bulsa ko tsaka ko ito kinagatan......

Nakakatuwa namang isipin na sa likod pala ng weirdong pagtotoss sa akin ni thomas ng apple tuwing umaga eh may nakatago palang isang magandang kahulugan. kung hindi ko pa narining nun yung dalawang lalaki na empleyado sa company ng uncle ni thomas, di ko malalaman kung ano bang reason nang pag-hahagis niya sa akin ng apple. kung tutuusin ilang months na siyang nag-propose sa akin na wala akong kamalay-malay. hayy dapat pala nung nalaman ko yun naglakas loob na akong tanungin siya.bakit ba kasi kahilig kong mag-alangan at maduwag eh.ako tuloy ngayon ang naiwang luhaan at kawawa.

Love will Lead you Back {Thomas Torres & Ara Galang fiction}CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon